Kabanata 7

2483 Words
“S-Sir, Sandali!” Huminto si Andrei isang hakbang ang layo kay Louisa at kunot noong pinagmasdan ang dalagang nakasiksik sa dulo ng couch. “Wait, do you really think I’m gonna do something bad to you?” Hindi makapaniwalang tanong nito. Napangiwi si Louisa. Bakit ba siyang feelingera para isipin ‘yon? Malamang dalawa lang sila dito, ‘no! Kahit naman ganito ang itsura niya, babae pa rin siya at may lagusan! “H-Hindi po!” Tanggi niya. Umangat ang sulok ng labi nito saka itinaas ang hawak na kakapalang bond paper. “What I want you to do is help with this. Abswelto ka na sa pagmamarites mo pagkatapos nito.” Kumunot ang noo ni Louisa. “Ano ba ‘yan, Sir?” Naupo si Andrei sa tabi niya. “Script sa susunod kong role.” Napakurap siya at tumuwid ng upo. “Pa’no naman ho kita matutulungan diyan?” Nagtataka pa ring tanong niya. “Marunong ka naman sigurong magbasa?” “Opo naman! Nakapagtapos ako ng highschool. Di nga lang ako pinalad magkolehiyo dahil sa hirap ng buhay.” Napatitig sa kaniya ang binata. “Wala bang mga public school sa inyo?” “Meron naman ho. Kaso mga matatalino lang ang nakakapasok roon. Bobo po kasi ako,” alanganin siyang natawa. “Don’t say that. You just need to study hard. Walang taong bobo,” nakangiting sagot nito. Hindi napagilang mapatitig ni Isay sa mukha nito. Aminado siya gwapo rin naman talaga si Andrei. Maamo ang mukha. Parang ang bait-bait at amoy baby. Pero iba pa rin si Ace. Ang tipo ng ganoong lalaki na masungit at snob, kapag na-inlove— alam mong sa ‘yo lang magiging mabait, ikaw lang ang ngingitian at pag-uukulan niya ng pansin kasi nga isnabero siya. Hindi napigilang mapangiti ni Louisa. Unti-unting lumalabas ang gilagid. “Hey?” Iginalaw ni Andrei ang kamay sa harapan ng mukha ng dalaga. “Are you okay?” Natatauhang napakurap siya. “A-Ayos lang po ako.” Ngumingiti ka kasi mag-isa. “Anyway, okay lang ba magsimula na tayo?” Sunod-sunod na tumango si Isay. “Sige po, Sir!” Kinuha niya ang iniabot nitong script sa kaniya at binasa ang unang page. Bumalik ang tingin ni Louisa kay Andrei. “Ako po itong si Chuchay?” Tumango ito. “Oo.” At katulong na namamasukan sa amo nitong masungit na lalaki ang papel niya— Este, pansamantalang papel niya. “Game na ba?” Tanong ni Andrei sa kaniya. “Sandali. Babasahin ko lang naman ho ito, ‘no?” Paniniguro niya. “Lagyan mo ng kaunting feelings para ma-practice ko ang emotions. Mas madali na kasing kabisaduhin ang linya kaysa maglabas ng emosyon.” Napangiwi si Louisa. Jusko! Mapapalaban pala siya ng acting-an dito! Palagi pa namang extra ng ganap niya sa mga play nila no’ng highschool. Kung hindi puno, halaman naman siya. “Ready ka na?” Tanong nito sa kaniya. Tumango na lang si Louisa. Wala naman siyang choice. Dalawang beses na nitong iniligtas ang buhay niya kay Madam. Dapat lang niyang ibalik ang pabor dito. Hindi niya gusto ang nagkakaroon ng utang na loob sa ibang tao. Nagsimula na silang magbatuhan ni Andrei lang linyahan. Ang eksena kararating lang ng karakter niya sa bahay na pag-tatrabahuan bilang katulod at doon sila nagkakilala ng karakter na ginagampan ni Andrei. “Ikaw ba ang katulong na pinadala ng agency?” Masungit na tanong nito alinsunod sa personality ng karakter sa istorya. Lumunok si Louisa saka bumaba ang tingin sa hawak na script at ibinukas ang bibig. “Chuchay at your service! Ang maid na made just for you!” Tinuro niya ito. “Papaliguan, papakainin, papatulugin at papatikimin kita… ng masarap na putahe!” Sabay halakhak. Hinihintay niya ang bibitawan nitong linyahan pero wala. Kaya bumaling si Louisa kay Andrei at nakitang tulala itong nakatitig sa kaniya. “Uy, Sir?” Iginalaw ni Louisa ang kamay sa harapan ng mukha nito. “Pangit ba ang acting ko? Pasensya na, ah? Wala naman akong background sa ganito.” Alanganing sabi niya. “What?” Natatauhang sabi ni Andrei. “I didn’t expect that you’re good! Really good!” “Talaga ba, Sir? Walang echos ‘yan?” Itinaas nito ang kanang kamay. “I promise!” Tsaka umayos ng upo. “Okay. Let’s get serious here.” Nagpalitan na nga sila ni Andrei ng dialogue. Hindi akalain ni Louisa ne ma-eenjoy ang acting-actingan na ginawa. Sakto rin kasi halos parehas sila ng buhay ng bida sa istorya. Mabilis siya naka-konek kaya parang naging natural na lang niyang sinasabi at inaarte ang nasa script. Hindi na halos nila namalayan ang oras kung hindi pa malakas na kumulo ang sikmura ni Louisa. Hinawakan niya ‘yon saka alanganing ngumiti. Nalimutan na rin niyang nagugutom nga pala siya kanina. “Pasensya na, Sir. Nagsusuntukan na mga bulate ko sa tiyan.” Natawa si Andrei saka tumingin sa suot nitong smartwatch. “6pm na rin pala. That’s enough for today.” For today? Ibig sabihin ba niyon ay may kasunod pa ang acting-an session nila? Sumunod na si Louisa kay Andrei nang tumayo ito at maglakad pababa sa hagdanan. Nasa hallway sila nang marinig ang boses nina Yohan at Cayla. Mayamaya sumulpot ang dalawa sa harapan nila. “Kuya! We’re hungry!” Nakasimangot na sabi ni Cayla. Binalingan naman ni Yohan si Louisa. “Hey, Yaya Ugly! Prepare us food!” Umangat ang sulok ng labi ni Louisa. Namumuro na sa kaniya ang surot na ‘to! Naku, kung kapatid niya lang ito ay napingot na niya ang tainga nito! “Yohan, what did I told you?” Malumanay na sita ni Andrei sa kapatid. “She’s older than you.” “Kahit na, Kuya! She’s still our maid!” Pinagkrus nito ang mga braso sa dibdib saka nagmartsa paalis. Nilingon siya ni Andrei at apologetic na ngumiti. “Sorry if my brother acts that way.“ “Okay lang, Sir!” Winasiwas na si Louisa ang mga kamay. “Bata pa naman siya. Pwede pang maturuan ng tamang asal.” “Andrei.” Kumurap si Louisa. “Ano po?” “Andrei na lang ang itawag mo sa akin. Hindi naman nagkakalayo ang edad natin. Ilang taon ka na ba?” “Bente, ho…” “Twenty three naman ako.” Alanganing napakamot si Louisa sa batok niya. “Baka ho, magalit si Madam sa akin. Sabihin wala akong galang.” At bigla na lang siyang sisantehin. “At least call me by my name if my mom wasn’t around.” Ngumiti ito at inakbayan si Cayla na naglilipat ang tingin sa kanila. “Let’s go. Baka niraransack na ni Yohan yung kitchen.” Nasundan pa ng tingin ni Louisa ang magkapatid na nangunang maglakad bago sumunod na rin siya. *** PAGPASOK sa kitchen, naabutan nila si Yohan na naghahalungkat ng pag-kain sa ref. Nowhere to be found pa rin ang tiyahin ni Louisa. Sinamantala marahil ni Tiya Bebang na umuwi sa inuupahan nitong apartment habang wala si Madam sa mansion. Nilapitan ni Louisa si Yohan at nakisilip rin sa ref. Ang daming stocks doon. May hotdogs, bacons, at kung anu-ano pang mga naka-pack na goods na may sulat korean. Halatang mga imported. Never pa siyang nakatikim ng mga ganitong pag-kain. Yung hotdog na kinakain nila kapag maganda ang kita sa koprahan— ay ‘yong nabibili lang na walang tatak sa palengke. Sarap na sarap na silang magkakapatid roon. “Magluluto na lang ako ng makakain niyo.” Nilingon niya si Andrei at Cayla. “Anong gusto niyo?” Imbes na sumagot, lumapit at tumabi sa kaniya si Andrei. Sumilip rin sa ref. “Matatagalan ka pa magluto kasi kailangan pang i-defroze ‘yan. Um-order na lang tayo,” sabi nito sabay dinukot ang cell phone sa bulsa. “Anong gusto niyo kids?” Baling nito sa mga kapatid. “I want pizza, Kuya!” Nakataas ang kamay na sagot ni Yohan. “Me, fries and chicken!” Sabi naman ni Cayla. Nilingon ni Andrei si Louisa. “Ikaw? Anong gusto mo?” Winawasiwas ang mga kamay na umiling si Louisa. “Naku, wag na ho!” Tanggi niya kahit gutom na gutom na rin siya. “Hindi ba, nagugutom ka na rin?” Nahihiyang nag-iwas siya ng tingin. “Ah, wala pa po kasi akong sweldo. Wala akong pambayad diyan sa order-order na ‘yan.” “Who told you, you’ll pay for it?” Mabuti na lang pala, kahit nakapag-aral siya at nakakaintindi ng ingles. Tiningala ito ni Louisa. “Eh, sino ho ang magbabayad?” “Of course, me. Treat ko na sa ‘yo sa pagtulong mo sa akin sa role ko.” Treat? Hindi ba, kabayaran lang ‘yon sa pananahimik nito at hindi pagsusumbong kay Madam ng pagmamarites niya? “Anong gusto mo?” Ulit nito. “Here, para makapili ka.” Sabay ibinaba ang hawak na cell phone. “I’ll take no for an answer.” Sige na nga. Mapilit ito, eh. Ang turo rin naman ng mga magulang, ‘wag siyang tatanggi sa grasya. Bumaba ang tingin ni Louisa sa screen ng cell phone. Hindi na siya ignorante roon. May touchscreen na cell phone rin ang anak ni Kapitana. Maingat siyang nag-scroll doon saka tiningala si Andrei. “Ito na lang po, Sir.” Sabay turo sa pinakamurang pagkain sa menu. Hindi niya alam kung ano ‘yon. Nakalagay breadsticks na may sawsawan. “Iyan lang ang gusto mo? Mabubusog ka ba diyan?” Syempre hindi ‘yon kasya sa kaniya. Kaing construction worker kaya siya. Pero pinlit pa rin niyang ngumiti. “Sapat na ‘yon, Sir—“ “Andrei.” Pagtatama nito. “A-Andrei…” Ngumiti ito sa kaniya saka binalik ang atensyon sa cell phone at nagtipa roon. Hindi naman nagtagal may narinig na silang nag-do-doorbell. Lalabasin sana ‘yon ni Louisa pero pinigilan siya ni Andrei at sinabing ito na lang raw ang lalabas. Sumunod rito si Yohan. Naiwan sila ni Cayla. Naghanda na lang siya ng mga braso at platito. Pagbalik ng magkapatid may bitbit ng mga paperbags si Yohan habang dalawang box ng magkapatong na Pizza naman ang kay Andrei. “Let’s eat!” Sabi ng binata pagkalapag ng mga pagkain sa lamesa. Kaagad na binuksan at nilantaka ni Yohan at Cayla ang Pizza. Nakatayo at tahimik na nakatingin lang si Louisa sa mga pagkain. Ang utos ni Tiyang Bebang, paunahin dapat kumain ang mga amo nila bago sila. Kaya kahit mamatay-matay na siya sa bango ng mga pagkain na nanunuot sa ilong niya at itsurang nakakapaglaway— tiniisin niya ang gutom. “Hey, bakit hindi ka pa kumain?” Napalingon siya kay Andrei. “Mauna na po kayo—“ Natigilan siya nang ilapit nito ang isang slice ng pizza sa bibig niya. “Eat.” Utos nito. Naduduling ang mga matang bumaba ang tingin doon ni Louisa. Napalunok siya nang ilapit pa ‘yon ni Andrei sa bibig niya. Wala nang nagawa si Louisa kundi kagatan ang pizza. Namilog ang mga mata niya at mabilis na napatingala sa binata. “Ang sarap!” Hindi niya first time makakain ng pizza. Bumibili rin naman sila kaso ‘yong nilalako lang na tagsasampung piso sa daan na halos wala ng toppings. Tumawa si Andrei. “Kain na.” Sabay kumagat rin doon sa pizza na kinagat niya bago siya nilagyan ng panibagong pizza sa platito niya. Natigilan si Louisa. Bakit yon ang kinain nito? Hindi ba ito nandiri sa laway niya? Sabagay, nagsisipilyo naman siya tatlong beses isang araw at wala siyang bulok na ngipin. Nagkibit balikat na lang siya at in-enjoy ang pag-kain ng pizza. Limang slices ata ang nakain niya at tatlong manok. Hihimas-himas sa tiyang, niligpit na niya ang mga pinagkainan nila. Itinabi niya yung natira sa ref. Gusto raw almusalin ng mga bata. Pagkatapos niya roon ay umakyat siya sa taas para silipin ang mga alaga. Nasa pinto pa lang siya naririnig na niyang nagrereklamo si Yohan sa assignment nito. Binuksan niya ang pinto at nakita ang batang nagmamamaktol sa kapatid. Isang taon lang ang pagitan ng dalawa. Mas matanda si Cayla. “I need some help here! Hello! I don’t know how to do this!” “Pwede ba, Yo!” Singhal ni Cayla sa kapatid sabay tinulak ito palayo. “Don’t disturb me! I’m busy too!” Pumasok si Louisa sa silid kaya napalingon sa kaniya ang dalawang bata. “Here na pala si Yaya! Sa kaniya ka na lang mag-ask ng help,” suhestiyon ni Cayla. Nagsalubong ang kilay ni Yohan saka pabagsak na naupo sa kama. “No way! Look at her! She looks dumb. She probably didn’t know how to read and write.” Nag-arkuhan ang mga kilay ni Louisa. Aba’t talagang matalas magsalita ang surot na ‘to, ah. Dapat rito maturuan ng leksyon. “Kids, mag-freshen up na kayo. 8pm na, oh. Sabi ng mommy niyo, dapat tulog na kayo ng 9pm.” Tumayo na mula sa study table si Cayla, isinarado ang laptop saka dumiretso sa banyo nito. Parang walang naririnig na humiga naman sa kama si Yohan at talagang sinusubukan ang pasensya niya. “Bangon na diyan , Yohan.” “Ayoko nga.” Sutil na sagot nito. “Sige, ayaw mo ah. Sasabihin ko sa mama niyo na ayaw mo maligo.” “As if pakinggan ka ni mommy. Ugly Nanny!” Pinagkrus ni Louisa ang mga braso sa dibdib. Iniisip ang mga bagay na nakapagpaligalig sa mga batang kapatid na lalaki. Ngumisi siya. “Naku… ganyan ako dati! Ayaw ko maligo kaya tamo, dumami mga pimples ko. At may pimples ka, hindi ka na papansinin ng crush mo. Tsk.” Biglang napabangon ang surot at saka nagmamadaling tumakbo papunta sa banyo. Lumingon pa sa kaniya bago tuluyang pumasok roon. “I don’t want to be ugly like you!” Sabay binagsak ang pinto. Mga mayayamang spoiled brat nga namann. Hindi talaga nabibili ang kagandahang asal, ano? Naiiling na niligpit na ni Louisa ang mga nakakalat na laruan at mga libro. Pagkatapos kinuha niya ang mga alaga ng damit pantulog. Paglabas ng dalawa, sinuklayan at tinuyo pa niya ang buhok ni Cayla ng dryer saka pinahiga ang mga ito sa kama bago pinatay ang ilaw. Bahala na sila kung matutulog na. Basta tapos na ang duty niya as Yaya kapag alas nueva na. Hinihilot-hilot ang leeg na bumaba si Isay sa living area. Tumingin siya sa orasan. Pasado alas nueve na pala. Wala pa si Madam. Hindi pa rin umuuwi. Napabuntong hininga si Isay. Nasaan na kaya ang future husband ko? Natigilan siya pagmumuni-muni nang tumunog ang doorbell. Nagmamadaling tinungo niya ‘yon at binuksan ang pinto. Kamuntikan siyang mapatili nang bigla na lang bumungad sa kaniya si Ace sabay yakap. Jusko po, Inang! Hindi naman siya na-inform na masyado siyang na-miss nito at kailangang yumakap pa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD