HINDI na nagawang mag-react ni Louisa nang palibutan siya ng tatlong dalagita. Sinakluban ng mga ito ang ulo niya ng veil at pinahawak sa kanya ang isang bungkos ng ibat ibang bulaklak na halatang pinitas lang sa garden ng university. Nang hilahin siya ng mga ito sa kamay at pihitin paharap, natanaw niya sa dulo ng red carpet si Ace. Nakatayo ang binata sa tabi ng altar at sinusuotan ng coat na itim ng tatlong binatilyong humatak kay Louisa papunta sa booth na 'yon. Ang sabi ng tatlo sa kaniya— ay nagtitinda raw ang mga ito ng cookies. Naniwala naman siya at sumama nga sa mga ito. Malay ba niyang ke babata pa, mga scammer na pala! Nagmamadaling umalis sa tabi ni Louisa ang tatlong dalagita. Nagtungo sa bluetooth speaker na nasa gilid 'yong isa at binuksan 'yon. Ang dalawa naman ay nag

