Chapter 01.
Lumabas akong unit by 6 AM, napahinto ako nang makitang nasa labasan din iyong creepy na lalaki. I bumped into him at a coffee shop and everytime we met he kept on pestering me.
"Good morning!" he beamed happily.
Anong good sa morning kung mukha mo ang bubungad? Nagpatuloy ako sa paglalakad at pinindot ang elevator. Pumasok ako sa loob ganoon din siya, habang pababa ang elevator he spoke.
"I am Lay" medyo mahina niyang sabi.
Lumingon ako sakanya sakto namang tumunog ang elevator, lumabas ako at hindi siya pinansin. Mabilis akong naglakad palabas. I hope there is still a bus!
"Sumabay ka na. I'll drive you," nakasunod niyang sabi.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "You are creepy, don't you know that?" taas kilay kong tanong.
"Woah..." nagtaas siya ng kamay at tumawa. "I am not a stalker. I am just being friendly since you look lonely and... looks like you need a friend--"
"Sorry but I don't like to be friends with you." putol ko at iniwan siya.
Good thing hindi siya sumunod. Payapa akong naglakad at naghintay sa bus stop. I waited for almost twenty minutes. I got off when we reached the school.
"Rai!"
Napatingin ako sa tumawag sa’kin, si Joshua na kakababa lang sa service niya. Lumapit siya sa’kin bitbit ang Practical Financial Accounting na libro.
"Are you done with your research paper?" tanong niya.
"Malapit na. Ikaw?" tanong ko.
"Almost done. By the way, are you done with the problem? ‘Yung binigay ni Prof kahapon." sabi niya.
"Hindi ko gets ‘yun. I watched so many video tutorials yet hindi ko talaga masolve. Bukas ba ‘yun ipapasa?" tanong ko.
"Oo. Coffee shop tayo mamaya nila Bianca let's study with our seniors." Anyaya niya.
I nodded as response. Sinalubong ako ni Bianca bitbit ang laptop niya.
"Hoy Rainne, we need to pass our research today! Oh my God." frustrated niyang sabi.
Nawala ang ngiti ko at iginala ang paningin sa loob ng classroom. They are all doing their research! Mabilis akong naupo sa designated seat ko, sumunod si Bianca na aligaga.
"I need to finalize this first! Gee kung alam ko lang sana ‘di na ako natulog! I reviewed and reviewed last night!" reklamo nito.
I start my laptop. "May exam ngayon at ang usapan next week pa 'to ipapasa, ha?" tanong ko.
"Iyan nga! Next week pero minamadali tayo ni Prof Valdez! Nakakainis. May exam pa man din tayo at alas nuebe hanggang alas dose matatapos. Pasahan nito ay ala una y media."
Mabuti at kailangan ko na lang irevised ito at ifinalize. Pero kahit na! Today is our exam at dapat nagre-review kami at hindi naghahabol! Ang usapan kasi next week talaga ito ipapasa pero Gosh, seriously?!
"One hour left before our exam, you done Rai?" tanong ni Lance.
"Almost. Almost."
"You can do it. Review lang ako." paalam nito.
When I am done thirty minutes na lang ang natitira para makapagreview ako. Yes, I reviewed last night and it's not enough! Para akong maiihi nang dumating ang professor na magpapaexam sa’min. I am done with my research but I am not ready with this examination.
"Rai, can you stop the time? Naiinis ako." bulong ni Pia.
"Girl, kung kaya ko lang kanina ko pa ginawa." I chuckled.
All of us our quite when we receive our papers. You can tell that our classroom is in a b****y battle. I started answering the exam paper at kulang na lang mapamura ako. It's a basic math, yes but ito yata ang tatapos sa’kin.
After three hours para akong nabunutan ng tinik pagkalabas sa classroom. My friends agreed that we are going to the cafeteria, we need a foods para akong nakipagbakbakan kanina.
"We will need a peace after this s**t," Sabi ni Louise habang bitbit ang tray niya na puno ng pagkain.
"I want to sleep all night after all of this." buntong hininga ni Hanna.
Naupo kami at nagsimulang kumain.
"We need a break, saan tayo?" tanong ni Joshua habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain. "Ikaw, Rainne?"
"I want to stay at my condo and sleep. I need a peace of mind, Josh." irap ko.
"Can we stay at the beach over night? I want it there." Sabi ni Bianca.
"And ghost hunting would be fun!" sabi ni Joey.
"Ghost hunting ka mag-isa mo," masungit na sabi ni Bien.
"I just want to sleep, seriously guys!" sabi ni Hanna.
It's 1:30 when we passed our research paper. Naupo ako sa bench habang tinitignan ang mga kaibigan kong naghaharutan. They are all playing a volleyball here at the soccer field. It's not our break kasi kailangan naming mag-isip ng topic for thesis, mabuti at kaming magkakaibigan ang magkakasama.
It's fun not until nataaman nila ako ng bola. Bwisit kong tinapon pabalik sakanila ang bola. It's 5:30 when we decided to go at the coffee shop not so far away in our school. We are with our seniors to study.
"Ate, do you have a handout to recommend?" tanong ni Hanna.
"I do have. Wait," sabi nito at nagkalkal sa bag niya.
"Rainne seems bored." Puna ni Leo, a creepy guy from a higher year.
"Oh, ‘coz you seems boring." I said nonchalantly.
Siniko ako ni Bianca. "You're so mean," ngiwi niya.
Napatingin ako kay Bien noong tumikhim. "Sorry, kuya Leo ha? Medyo awkward talaga si Rainne sa ibang lalaki" he said and glared at me secretly.
Ngumiwi lang ako at nagpatuloy sa group study. Unang umuwi si Hanna at Louise dahil hinahanap na sila sakanila. Sumunod si Bianca, kasabay ang apat na seniors. Ako, Bien, Josh, Joey and Leo na lang ang natitira sa mesa.
"Comfort room lang," paalam ni Joey.
"Sabay na ako, dre." Sabi ni Josh at Bien at sumunod kay Joey na papuntang CR.
"Let's date." mayabang na sabi ni Leo.
Tumingin ako sakanya at ngumiwi.
"Let's date, Rai. It's a win win situation when you date me, I can... taste you and you will learn from me." ngisi niya.
I bit the insides of my cheek. ‘Pag ako talaga hindi nakapagtimpi I will probably hit his face.
"Ano, Rainne? You'll benefit from me," dagdag niya.
Damn, that's why I hate this boy. He's a maniac! He kept on hitting on me since the day one but he's acting all nice in front of my friends. Pa-victim.
"Gago ka ba? Ang pangit mo na nga, manyak pa. Boy, have some respect please."
"Pleasure me first--"
Sinaboy ko sakanya ang isang baso ng tubig at mabilis na niligpit ang mga gamit ko.
"What the hell, Rainne?" gulantang na sabi ni Joshua na kararating lang.
"He's a disgusting guy!" bwisit kong sabi habang sinusundan ako nila Joey na naglalakad.
They apologize to Leo on my behalf. He doesn't even deserve the apology.
"Ano bang ginawa sa ’yo?" Iritadong tanong ni Josh.
"Binastos niya ako--"
"Coz you started it first, Rainne!" Putol ni Bien.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap silang tatlo. "He started it first. He harassed me." Inis kong sabi.
"What?"
Tinalikuran ko sila at dumiresto sa paglalakad.
"Rai! Rainne!!"" sigaw nila.
Natigil ako ng biglang may pumaradang sasakyan sa harapan ko. Ngayon lang ako magiging thanful sa pagsusulpot-sulpot nitong Lay na 'to.
"Hop in," seryoso niyang sabi.
Sumakay ako ng tahimik. I left my friends without notice. Pinaharurot ni Lay ang kanyang sasakyan. He didn't talk nor asked a question. Tahimik din siya buong byahe. My phone beeps. A call from Joey. Hinayaan ko ‘yung mag-ring hanggang sa mamatay ang tawag.
"Did you eat?" Tanong ng kasama ko.
"Yep." sabi ko at nilingon siya ng bahagya.
May scratch sa lips niya at medyo dumudugo. May pasa sa mukha niya at mukhang malapit ng nakipagpatayan.
"Are you okay?" tanong ko.
Tumango siya ng bahagya. He pulled over at the parking lot. Bumaba ako at ganoon din siya. He's like a bomb na any minute puwedeng sumabog.
"Lay... uhm.." I stopped talking when he looked at me with a dagger eyes.
He sighed and lick his lips. "Ano?" tanong nito. "You usually go out with boys?" Tanong nito kaya naagaw niya ang atensyon ko.
"They are my friends--"
"Including the p*****t from earlier?" putol niya.
Gusto kong magtanong pero wala akong masabi-sabi. Lumunok ako at tiningnan ang kabuuan ng mukha niya. It can't be.
"Are you at the coffee shop kanina?" tanong ko.
Tumigil ang elevator at nauna siyang lumabas, mabilis akong sumunod sakanya.
"Did you perhaps... hit him?" tanong ko.
"He deserved it pero hindi ako nakailag. But it's fine, I defended you so it's fine." malumanay niyang sabi.
I went in front of him. "Thank you," mahina kong sabi.
"I deserve a food," sabi niya at ngumiti. "I'll just treat this." Sabi nito bago ako talikuran.