bc

HIDDEN MAFIA (BARKADA SERIES 4) [18+] Jay & Erika

book_age18+
16
FOLLOW
1K
READ
HE
mafia
drama
assistant
like
intro-logo
Blurb

Jay Fernandez: Tahimik, independent, at may simpleng buhay. Pero paano kung ang lahat ng katangiang ito ay peke pala—maging ang pangalan niya ay hindi totoo?

Si Ejay Montinegro, mas kilala bilang Jay Fernandez, ay isang makapangyarihang mafia na nagtatago upang takasan ang buhay mafia.

Sa kabila ng kanyang yaman at kapangyarihan bilang isang mafia, mas pinipili niyang mamuhay nang simple at mag-isa. Pero hanggang kailan siya magtatago upang takasan ang kanyang obligasyon bilang isang mafia?

At ano ang magiging papel ni Erika Fuentevilla at Princess Montenegro sa buhay ng isang HIDDEN MAFIA?

chap-preview
Free preview
CHAPTER-1
**Third Person** "Shut up! Puro kayo walang kwenta! Isang tao lang, hindi niyo pa kayang hanapin. Ilang taon niyo nang hinahanap ang Hidden Mafia na 'yan, pero hanggang ngayon, hindi niyo pa rin maiharap sa akin ang Ejay Montenegro na 'yan! Mga gugong kayong lahat!" galit na sigaw ng isang lalaki sa kanyang mga tauhan. "Pasensya na po, boss! Magaling lang po talaga magtago ang paman--," hindi na natapos ng isang tauhan ang sasabihin niya nang umalingawngaw ang isang putok ng baril. "Iligpit niyo 'yan, at sa susunod na may magtangka sa inyo, gaya ng lalaking 'yan, hindi ako magdadalawang-isip na pasabugin din ang mga ulo niyo," pasigaw na utos niya matapos barilin sa ulo ang isa sa kanyang mga tauhan. "Pa!!" tawag ng isang babaeng kakapasok lang sa malaking silid. "Kaya ba hindi niyo ako nasundo sa airport dahil abala kayo sa pagpatay ng mga tauhan niyo?" seryosong tanong ng magandang babae sa kanyang ama. Nakasuot siya ng leather pants, naka-black T-shirt na pinatungan ng leather jacket, at leather boots. Imbes na salubungin siya ng kanyang ama, mabilis siyang pinaputukan ng baril. Tatlong sunod-sunod na bala ang ginawa nito. Mabilis naman ang naging galaw ng babae at nailagan niya lahat ng putok ng baril. "Kahit daplis ng bala, hindi mo ako tatamaan sa ganyan lang ka-simple, Papa," nakangising sabi niya sabay pagpag sa kanyang jacket matapos mag-tambling para iwasan ang balang sumalubong sa kanya. "Mabuti naman, Princess. Dahil wala rin kwenta ang ilang taon mong training sa labas ng bansa kung isang bala lang tutumba ka na," sagot naman ng kanyang ama. "Kamusta ba ang paghahanap sa Hidden Mafia?" tanong niya. "Wala pa rin nakakaalam kung saan siya nagtatago. Kaya kailangan mo siyang mahanap sa lalong madaling panahon, dahil kung hindi, sa susunod na taon, lahat ng meron siya ay mapupunta sa sumunod sa kanya na Mafia. At hindi ako papayag, dahil marami na akong nasakripisyo dahil sa tarantado na 'yon," tugon ng Don. "Okay then, kailangan ko ang records kung saan na umabot ang mga tauhan mo sa paghahanap para malaman ko rin kung saan ako mag-uumpisa," seryosong sabi niya habang ina-assemble ang hawak niyang baril. "Ibibigay ko sa'yo sa susunod na araw. Sa ngayon, magpahinga ka muna, para may lakas ka. Ayokong pumalpak ka dito. Bibigyan lang kita ng tatlong buwan para mahanap mo siya. Dahil kung hindi, ipapadala kita ulit sa labas ng bansa. Ayokong kumolekta ng taong walang kwenta at silbi," mariing wika ng Don sa sarili niyang anak. "Don't worry, Pa. I will make you proud," sagot niya sa kanyang ama. Pero mababakas sa boses at mukha niya ang lungkot. "Dapat lang, Princess. Tandaan mo ang mga ginawa sa atin ng Hidden Mafia na 'yan at alalahanin mo kung paano ka napunta sa kinalalagyan mo ngayon. Lahat ng 'yon ay dahil sa kanya. Kaya nararapat lang na magtagumpay ka sa misyon mong ito," sagot ng ama sa kanyang anak. Matapos ang kanilang pag-uusap, nagpaalam na ang anak. Pagkalabas niya sa malaking mansyon ng kanyang ama, sumakay siya sa kanyang itim na motorbike at isinuot ang kanyang helmet. May sariling mansyon ang kanyang ama, pero hindi siya doon nakatira, dahil may sarili siyang condo kung saan siya umuuwi. Ayaw din kasi ng Don na magkasama sila sa iisang bahay, dahil walang pwedeng maka alam na taga labas na anak ito ng Don. Kung ituring din siya ng Don ay parang tauhan at hindi anak. Kaya naman labis ang pagsunod niya sa kanyang ama para lang maging proud ito sa kanya. Dumating si Princess sa kanyang condo, at dahil sa pagod, ibinagsak niya ang kanyang katawan nang padapa sa malambot niyang kama. **FLASHBACK** "Anak, kailangan mo ba talagang umuwi ng Pilipinas?" malungkot na tanong ng kanyang mama habang nagliligpit siya ng mga gamit na dadalhin pabalik ng bansa. "Ma, oo. Narinig mo naman ang pag-uusap namin ni Papa. Kailangan daw niya ang tulong ko. Huwag kayo mag-alala, pag natapos ko ang ipapagawa niya, babalik ako dito agad at susunduin kita rito. Doon na tayo muling titira sa Pilipinas," pag-aani niya sa kanyang Ina. "Pero anak, alam mo namang delikado kung ano man ang ipapagawa sa'yo ng Papa mo. Alam mo naman kung ano ang gusto niya, 'di ba? At alam mo rin na hindi ako sang-ayon doon," naiiyak na sabi ng kanyang ina. "Alam ko, Ma. Huwag kayo mag-alala, kaya nga ako nag-training sa loob ng maraming taon para dito. Handa na ako. Hindi ko pwedeng tanggihan si Papa dahil kung hindi, hindi siya magiging proud sa akin at mas lalo lang lalayo ang loob niya sa akin," tugon niya. "Mangako ka sa akin, ank, na mag-iingat ka. At tatawagan mo ako kaagad pag nakarating ka na sa Pilipinas," wika ng kanyang Ina. "Oo, Ma. Pangako," tugon niya. "At pwede bang sabihin mo sa akin kung ano ang ipapagawa sa'yo ng papa mo pag nandoon ka na?" wika muli ng kanyang Ina, at mababakas sa mukha nito ang pakikiusap. "Ma, huwag niyo na po masyadong isipin ang trabaho namin doon ni Papa, okay? Basta mag-iingat ako, at kayo, mag-relax kayo dito. At please lang, huwag kayong magpa-stress, Ma, dahil kakagaling niyo lang sa comatose. Baka mamaya mapabalik pa ako nang wala sa oras dito pag nalaman kong hindi kayo okay," nag-aalalang wika niya sa kanyang Mama. **END FLASHBACK** Habang bumabalik-tanaw si Princess sa huling pag-uusap nila ng kanyang Ina, hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang kanyang mga luha. Bumangon siya at naupo sa gilid ng kama habang pinupunasan ang kanyang magkabilang pisngi gamit ang kanyang mga palad. Hahanapin kita, Ejay Montenegro, kahit saan ka man magtago. Dahil ikaw ang susi para mahalin ako ng sarili kong ama. Dahil sa'yo, napadpad kami ni Mama sa ibang bansa. Kung hindi ka sana tago ng tago, baka hindi kami umalis ni Mama sa Pilipinas at baka masaya kaming magkakasama bilang pamilya ngayon. Ikaw rin ang dahilan kung bakit muntikan ng mawala sa akin ang Mama ko. galit na bulong ni Princess sa kanyang sarili habang nakayukom ang kanyang mga kamao. Sa murang edad na labinlimang taon, bago ipadala si Princess ng kanyang ama sa ibang bansa kasama ang kanyang Mama na noo'y nag-aagaw-buhay at isang taon nang naka-comatose, isiniksik na ng Don sa utak niya kung sino si Ejay Montenegro sa buhay nila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.6K
bc

His Obsession

read
104.7K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ISAGAD MO, OH ISMAEL (SSPG)

read
5.7K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook