CHAPTER-2

1127 Words
Pagkatapos maligo ni Princess, agad niyang kinuha ang kanyang cellphone na nakapatong sa maliit na drawer sa tabi ng kanyang kama, para tawagan ang kanyang mama na naiwan niya sa America. "Hi! Ma. Kamusta po kayo?" masayang tanong niya matapos sagutin ng kanyang mama ang tawag. "Maayos lang ako, anak. Kanina pa nga ako naghihintay ng tawag mo! Kamusta ka diyan? Nagkita na ba kayo ng papa mo?" masiglang wika ng kanyang ina sa kabilang linya. "Yes, Ma. Nagkita na kami ni papa kanina lang," malungkot na sagot niya. "Hindi ba siya sumundo sa'yo sa airport?" seryosong tanong ng kanyang ina. Inilayo niya ang hawak niyang cellphone at huminga siya nang malalim. Ayaw kasi niyang marinig ng kanyang ina na parang nalulungkot siya dahil mag-aalala ito sa kanya. "Hindi naman 'yon importante, Ma. Kaya ayos lang, busy rin kasi si papa," masiglang sagot niya para hindi ipahalata sa mama niya na malungkot siya. Kahit sa pag-sundo man lang sa kanya sa airport ng kanyang ama ay hindi man lang ito nagawa, samantalang matagal na panahon silang hindi nagkita at nagkasama. "Pero alam ko para sa'yo importante 'yon, anak," malungkot na wika ng kanyang mama. "Ma, huwag na nga kayo mag-isip ng ganyan. Hindi na naman kayo nakikinig sa bilin ko sa inyo. Hindi ba sinabi ko na sa inyo bago ako umalis diyan na huwag niyo nang isipin si papa at ako. Maayos naman kami," muling sabi niya sa boses na pilit niyang pinasasaya. "Oh sige anak, hindi na kita kukulitin diyan pero siguro naman sasabihin mo sa akin kung ano ang mahalagang ipapagawa sa'yo ng papa mo," seryosong tanong muli nito sa kanya. "May pinapahanap lang si papa na tao, Ma," diretsong sagot niya. "Ejay Montenegro?" mabilis na tanong ng mama niya. "Yes, Ma!" walang kabuhay-buhay niyang sagot habang nakaupo siya sa may gilid ng kama niya at pinupunasan ang kanyang buhok na hanggang balikat gamit ang puting towel. Narinig pa ni Princess ang malalim na buntong-hininga ng kanyang mama sa kabilang linya. "Bakit, Ma?" seryosong tanong ni Princess sa ina matapos nitong huminga nang malalim. "Kausapin mo ang papa mo, Princess, ipa-intindi mo sa kanya na hindi natin kailangan ang yaman, lalo na't hindi naman atin," makahulugang wika ng kanyang ina. "Ma, kilala ko si papa at alam mo rin na hindi ko pwedeng gawin 'yan. Isa pa, tama naman si papa, hindi ba? Na kung ayaw ni Ejay sa yaman ng daddy niya na namatay, pwede naman niya 'yon ibigay na lang kay papa dahil kapatid naman ni papa ang daddy ni Ejay. At isa pa, naghirap din naman si papa sa yaman ng daddy niya. Kaya ganyan si papa, Ma, marami din siyang isinakripisyo sa pagiging mafia ng daddy niya. Sana nagpapakita siya at hinaharap si papa nang sa ganon matapos na ang gulo sa pagitan nila at sa iba pang mafia, at higit sa lahat, matahimik tayo. Pero ano ang ginagawa ni Ejay Montinegro? Puro siya tago. Isa siyang duwag, hindi niya kayang harapin ang realidad ng totoong buhay niya," mahabang wika ni Princess habang pigil ang galit. Sa tuwing naririnig niya ang pangalang Ejay Montinegro, kumukulo ang dugo niya sa galit. "Anak, hindi natin alam kung anong dahilan ng pinsan mo! Hindi natin alam kung bakit ayaw niyang maging mafia at tanggapin ang mga namana niya mula sa daddy niya. Oo, saglit ko lang nakasama noon ang pinsan mong 'yon, pero nakita ko kaagad sa kanya na mabuti siyang tao. Kaya siguro ayaw niyang maging mafia ay dahil mabuting syang tao. Bakit hindi mo muna siya hanapin at mag-usap kayo ng masinsinan tapos alamin mo kung ano ba talaga ang totoo. Ayokong nag-aaway-away ang pamilya natin, anak. Wala na rin siyang ibang kamag-anak kundi tayo lang. Tandaan mo, pareho kayong Montenegro, at tanging kayo lang dalawa ang magpinsan," huminga nang malalim si Princess matapos magsalita ang kanyang ina "Ma, hindi lahat ng Mafia ay galing sa masama ang pera nila," tugon ni Princess. "Oo, pero alam mo rin, anak, na halos lahat ng Mafia ay isang ilegal na organisasyon. At pareho tayong walang alam kung anong klaseng organisasyon meron ang tito Jacob mo at ang papa mo," seryosong wika muli ng kanyang ina. "Susubukan ko, Ma. Pero hindi ko mapapangako 'yan sa inyo," walang kabuhay-buhay niyang tugon. "Better take rest, Ma, please," pakiusap niya sa kanyang ina bago sila magpaalaman sa tawag. Sorry, Ma, pero hindi ko kayang gawin ang gusto niyo. Isipin ko pa lang na dahil sa gagong 'yon ang dahilan kung bakit muntik na kayong mawala sa amin, hindi ko na siya kayang patawarin. Tama si papa, tarantado siya. Inis at galit na bulong ni Princess sa kanyang sarili habang nakayukom ang kanyang mga kamao sa kama at nanlilisik ang kanyang mga mata sa galit. **FLASHBACK** "Sino kayo? Anong kailangan niyo sa amin?" takot na tanong ng ginang na si Patricia. "Mama!!! Mama!!" umiiyak na tawag ng batang si Princess sa kanyang mama habang pilit silang isinasakay ng limang armadong lalaki sa isang itim na van. "Sa inyo wala, pero sa anak ng mafia na si Jacob, meron. Nasaan ang young mafia na si Ejay Montenegro?" galit na tanong ng isang lalaki habang nakatutok ang baril nito sa ulo ng ginang. "Hindi ko alam. Wala kaming alam kung nasaan siya," umiiyak na sagot nito habang yakap ang kanyang anak na si Princess sa loob ng van na tumatakbo. "Maawa po kayo sa amin," humahagulgol na pakiusap ng batang si Princess na nasa labintatlong taong gulang pa lamang noon. "Manahimik kang bata ka! Kung ayaw mong patayin ko kayo ng nanay mo. O baka gusto mong patayin ko sa harap mo ngayon itong nanay mo," sigaw ng isang lalaki sa bata sa nakakatakot na boses, at nagtawanan pa ang mga ito matapos sabihin ang mga katagang 'yon. "Mama!!! Mama!!!" muling tawag ng bata sa kanyang ina habang umiiyak ito nang makarinig sila ng sunod-sunod na putok mula sa kanilang likod. "Tangina, paputukan niyo!" utos ng nagmamaneho. Isa-isa namang dumungaw ang mga ito sa bintana ng van at sunod-sunod na nagpaputok, habang ang mag-ina ay parehong nakayakap sa isa't isa dahil sa takot nila. "Boss, mukhang marami sila," wika ng isang lalaking nasa kaliwa ng mag-ina matapos gumanti ng putok sa mga humahabol sa kanila. "Sigurado akong itong mag-ina ang hinahabol nila sa atin. Itapon niyo sa labas," utos ng nagmamaneho. Mabilis binuksan ng isang lalaki ang van at ihinulog ang mag-ina kahit umaandar pa ang sasakyan. Muling umiyak ang batang si Princess nang barilin pa ng lalaki ang kanyang ina sa dibdib bago isinara ang pinto ng sasakyan. **END FLASHBACK** "Hayop ka, Ejay! Hayop ka!" pasigaw na wika ni Princess matapos niyang maalala ang mga nangyari sa kanila ng mama niya, habang sunod-sunod na pumatak ang kanyang mga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD