Hindi na alam ni Alina kung paano silang nakabalik ni Noah sa cabana. Nakababa na ang kurtina sa bawat sulok at nakapatay na ang anumang nakasinding ilaw sa loob. Ang tanging liwanag na tumatanglaw sa kanila ay ang malamlam na mga ilaw na nagmumula sa mga puno. Patay-sindi, patay-sindi. Nakakadagdag ng init na nararamdaman ang tila maharot na sinag. Singharot ng mga nag-iinit na katawan nila na pinagpala ang isa't-isa. They were lying fully naked against each other. Kung paanong nahubad ang mga damit, hindi na niya tantiya. Ang maliwanag lang sa kanya ay ang mahika na tila bumabalot sa kanila. Nasa gilid niya si Noah, sinisikap na huwag madaganan ang sinapupunan niya habang sakop ang kanyang bibig. Maingat na nakaalalay sa kanyang ulo ang kaliwang palad nito habang ang isa ay malayang nag

