“Good morning!” Gwapong mukha ni Noah ang nagisnan ni Alina. Such a beautiful creature na nagpakabog kaagad ng malakas ng puso niya. He was more gorgeous than this beautiful morning. Nakapantalon na ito ngunit wala pang saplot sa itaas. Kagabi, dama niya lang ang makisig nitong katawan. Ngayon ay hantad na sa kanyang mga mata ang nagsusumigaw at nag-aanyaya nitong kakisigan. “Someone’s drooling,” he teased her. Kinurot niya ito na nagpahalakhak dito. Ang ganda lang pakinggang ng tawa ni Noah. “Bangon na kayo ni Baby. Kakain na.” Maingat siya nitong inalalayang makaupo sa kama. Bago pa man nag-landing ang paa niya sa lupa ay nailapag na nito ang flipflop niya. Pati nga damit niya kagabi, ito ang nagsuot sa kanya at ang magulo niyang buhok tinipon pa nito sa kanyang likuran. Nang m

