"Noah!" Sa gitna ng malamig na gabi, nagising si Alina na wala ito sa tabi nila ni Penne. Weekends lang ito nagpapalipas ng gabi rito pero hindi na ito umuwi kagabi. “Dito na muna ako para madalas ko kayong makasama.” Hinagilap niya ang roba at isinuot iyon. Dahan-dahan siyang bumangon dahil mabigat na ang tiyan niya. Sa terrace niya natagpuan si Noah. Tahimik lang na nakatingala sa langit si Noah, nakasuksok sa bulsa ang mga palad nito. Mukhang malalim ang iniisip nito. Sinasabi ng utak at puso niya, may inaalala ito. Gusto niya itong lapitan pero nagdadalwang-isip siya na istorbohin ang pananahimik ni Noah. Sa huli ay mas pinili niyang lumapit at yakapin ito mula sa likuran. Kaagad na sumalubong sa kanyang pang-amoy ang kaaya-aya nitong amoy. “Hey, bakit bumangon ka, ha?” Hinarap s

