'Son, I am home. Can we talk?" Iyon ang nabasang mensahe ni Noah sa cellphone. Busy siya sa pakikipag-usap sa isang prospective supplier nang marinig ang message tone. Surprise of all surprises, ang ina niya ang sender ng mensahe. It seemed like forever noong huli silang mag-usap, ni ang mag-chat. "Can you join us over dinner? I just want to talk to you. Alone." Alone. Ayaw man lang ba nitong dalhin niya ang mag-iina niya? He could sense formality in the tone of her message. Isang palaisipan na naman mula sa kanyang ina. Ang hirap nitong basahin. Tinapos na muna niya ang meeting. Politely, he skipped dinner with his business associates. Nasa biyahe na siya patungo sa bahay nang tawagan niya si Alina. "I'll be late." "Bakit?" Napangiti siya. May na-sense siyang disappointment sa tin

