Mas natulala siya sa sinabi ng babae. Baby. Oh, no! Wala sa sariling napahawak siya sa tiyan. Mentally, she was counting kung ilang buwan na siyang delayed. Hindi niya gusto ang nilakbay ng isip. Ganito rin siya noon kay Penne, walang mga senyales, walang morning sickness maliban sa pagkahilo at kakaibang food cravings. Ni hindi niya naisip na hindi na siya bumibili ng napkin sa tindahan ni Esther. Paano bang walang mabubuo sa sinapupunan niya kung halos ayaw siyang tantanan ni Noah. Napahawak siya sa gilid ng kubeta. Napapikit. God. Taghirap na nga siya sa isang anak at sa sarili niya, may dagdag bubuhayin na naman siya. Isang bibig na palalamunin at palalakihing mag-isa. Sigurado naman siya na hindi ito tatanggapin ni Noah. Naiiyak na siya. Napu-frustrate sa sitwasyon, pero hinamig ni

