45 (Pananabik)

2627 Words

Buong akala niya ay tuluyang umalis si Noah, pero bumalik ito ilang minuto lang ang lumipas na may bitbit ng hapunan para sa kanila. Ano ba ang dapat niyang maramdaman? Ayaw niyang i-entertain pero may bahagyang pagsikdo sa kanyang dibdib. Alam niyang hindi iyon dapat. “Where is she?” tanong ni Alex kay Noah. Si Cadence ang tinutukoy nito. Kinuha nito ang dala ni Noah at inilatag sa ibabaw ng mesa. “Umuwi na.” Abala siya sa pagbabalat ng mansanas para kay Penne pero nakamanman siya sa usapan ng dalawa. Umuwi. Hindi nito hinatid? Naiiyak iyong si Cadence. Eh, ano naman ang pakialam niya? Wala. Hindi niya dapat pag-ukulan iyon ng pansin kaya ipinagpatuloy niya ang ginagawa. Nasulyapan niya itong lumapit sa kama ni Penne at tinunghayan ang anak. “And you?” “I’d like to stay longer.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD