Ella
Magulo at maiingay ang kwartong napasukan ko, Hindi na naman Bago sa akin Ang eksenang nadatnan ko dahil kahit sapinanggalingan kung school magugulo din kahit public school Ang pagkakaiba lang dahil sosyal angha estudyante dito hindi tulad sa dating school ko na puro kami low class kaya walang keyeme doon Hindi tulad dito na ang pinag kakaguluhan kung hindi mga bagong gamit ay make up sa mga kababaihan Ang pinag kakaguluhan.
Sa pangatlong row sa may bintana ako pumwesto gusto ko sa may bintana para may hangin akong malalanghap kahit nandito kami sa room. Kumuha Ako ng Isang libro mula sa aking bag, ibinigay ito sa akin noong mag enroll Ako ito daw Ang gagamitin naming text book. Bigay ito ng school sa akin Kasama ito sa mga prebelihiyo ko bilang eskolar bukod pa sa buwanang perang matatanggap ko. Sa katunayan sobra sobra pa Ang monthly allowance ko napakalaki nito kung tutuusin malaking tulong iyon sa amin ni itay.
Bigla na lamang tumahimik Ang aking mga kaklase kaya naitaas ko Ang aking noo upang alamin Ang dahilan ng kanilang pagtahimik. Akala ko ay Ang amin guro na Ang dumating, Isang grupo pala ng kalalakihan ang dumating. Limang lahat sila Ang dumating at sa bandang likuran sila pumwesto. Na makapasok na Ang lima ay nagtilian Ang iba kung kaklaseng babae na animoy kinikilig pagka kita sa lima. Muli kung ibinalik sa librong aking binabasa Ang aking attention. Muli nanaman umingay ang aking paligid.