bc

Mending His Broken Heart

book_age18+
995
FOLLOW
2.9K
READ
like
intro-logo
Blurb

Sometimes it's not the butterflies that tells you you're in love, it's the pain.

-Paris Cleo Carter

Lucas James Anderson Story

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Imelda's POV "Bakit ang sungit nang Daddy mo Majimbo?" Tanong ko sa alaga ko na kumakain nang ice cream. Hindi ako nito pinansin at pinagpatuloy lang nito ang pagkain nang ice cream.Basta pagkain talaga ang kaharap nito nawawalan ito nang pakialam sa paligid. Tsk! Kaya ang laki na masyado. Para tuloy akung nagsasalita sa wala. "Imelda!" Sigaw ni Sir Lucas mula sa loob nang opisina nito. Nandito kami ngayon sa labas nang opisina ni Sir Lucas since gusto ni Majimbo na bisitahin ang ama nito dahil miss na miss niya na daw. Halos madapa pa ako dahil halos liparin ko na ang opisina nito dahil baka magalit na naman ito kapag natagalan ako. "Bakit ang tagal mo?" Kunot noong sabi nito. "Pasensiya na po, wala po akong power para makarating agad kapag tinawag niyo Sir." Sarkastikong sabi ko kay Sir Lucas. Hindi ko gusto kapag mainit ang ulo nito dahil sa akin binubunton ang galit. Tsk! "Fix your dress.Kita ko na pinagtitinginan nang tao iyang maliit mong dede." Bigla akung napatingin sa dibdib ko. "Walang hiya ka Sir! For your information malaki ang dede ko kahit hawakan mo pa!" Mabilis akong lumapit dito at talagang seryoso ako sa sinabi ko. Ang kapal nang mukha niya para sabihin sa akin na maliit ang dede ko! "Next time huwag kang mag suot nang damit na ganyan. Hindi bagay sayo." Malamig na sabi ni Sir Lucas habang nakatingin sa suot kong damit. Kumunot pa ang noo nito habang sinasabi ang mga katagang iyon. Tiningnan ko ang sarili ko sa reflection nang glass wall niya, pero wala namang problema sa suot ko ah. Isang simpleng bulaklakin na dress na hanggang tuhod lang naman ang suot ko. "Wala ka na pong ibang sasabihin Sir? Aalis na po ako at naghihintay pa si Majimbo sa akin sa labas." "Wala na,hintayin n'yo na lang ako sandali at sabay na tayong umuwi." Hindi na ako nagsalita at nakabusangot na lumabas sa opisina ni Sir Lucas. Bumalik na ako sa kinaroroonan ni Majimbo A.k.a SkyLar pero mas bet ko lang talaga siyang tawaging Majimbo dahil sa sobrang cute at may katabaan din ito. Agad akong naupo sa harap ni Majimbo at kumuha nang wipes na nasa bag dahil nagkalat ang ice cream sa mukha nito. "Tita i want to go home na." Ungot ni Sky habang pinupunasan ko ang mukha nito. "Hintayin na lang daw natin si Daddy mo at sabay na tayong umuwi." Kinuha ko ang Ipod na nasa bag ko at binigay kay Majimbo. "Mag laro ka muna d'yan nang hindi ka ma bored sa kahihintay sa Daddy mo." "Thank you po." Nakangiting sabi nito. Nasa labas kami nang opisina ni Lucas since kumakain pa nang ice cream si Sky.Malapit nang mag alas singko nang lumabas si Sir Lucas sa opisina nito. "Daddy!" Tawag ni Sky sa ama nito. Agad namang lumapit si Sir sa amin nang tinawag ito nang anak.Kinarga pa nga ito ni Sir na parang wala lang ang bigat samantalang ako kapag tina-try kong kargahin si Lucas halos hindi ko ito makarga sa sobrang bigat. Inayos ko na ang mga gamit ni Sky. Nilagay ko lahat nang pwdeng ilagay sa bag. "Ako na ang magdadala nang bag." Sabi ni Sir Lucas. "Ako na po Sir, hindi naman po masyadong mabigat." Tanggi ko sa sinabi ni Sir. Pero pinanlakihan ako nito nang mata hudyat na malapit na siyang magalit. "Sabi ko nga po kayo na ang magdala." Binigay ko sa kamay ni Sir ang bag na naglalaman nang gamit namin. "Where do you wanna eat buddy?" "Jollibee." "Malapit na kayong magkasing mukha ni Jollibee Sky." Hindi ko mapigilang magkomento. Sa araw-araw na pagpunta namin sa jollibee halos gusto ko nang dalhin si Jollibee sa bahay nang sa ganoon hindi na kami punta nang punta sa store nila. Hindi ko alam pero sobrang love na love ni Majimbo ang fried chicken sa Jollibee halos minsan nga kaya niyang maka ubos nang 4 piraso nang manok. Hindi pinansin ni Sir Lucas ang sinabi ko since sanay na sila sa bunganga ko.Nang nasa harap na kami nang sasakyan ni Sir Lucas at pinatunog na nito ang alarm ay na una akong pumasok sa likod. "Bakit diyan ka nakaupo?" Mula sa labas nang sasakyan naka taas kilay na tanong ni Sir. "Saan ba dapat ako uupo sa hood nang sasakyan Sir?" Sarkastikong sabi ko. "Stop being sarcastic and sit in the front seat Imelda." Matigas na sabi nito. "Eh di sana sinabi n'yo bago pa ako makapasok sa likod. Tsk!" Agad akong lumabas habang sinasabi ang mga katagang iyon kay Sir. Agad akong pumasok sa harap. Pagka upo ko ay agad niyang pinaupo sa lap ko si Sky. Naramdaman ko ang kamay niya sa hita ko,ramdaman ko ang paghagod nito sa hita ko. Napasinghap ako sa ginawa nito at nanlalaki ang mata na tiningnan ito. "What?" Supladong tanong nito. "Hinawakan n'yo po ang legs ko." "And so?" And so?... Nagtatakang napatingin ako dito dahil sa sinabi nito. "Ang bastos n'yo po. Susumbong ko kayo kay Ma'am Snow pag nagkita kami." Pagbabanta ko dito. "Don't assumed to much, hindi ko sinasadyang hawakan ang legs mo and i have no interest of touching it." Agad na sinarado nito ang pinto at umikot papuntang driver seat. Eh sa naramdaman ko naman talaga na hinagod nito ang legs ko. Gusto mo lang ako hawakan eh, in denial ka lang. Sus! "Ang harsh niyo naman po Sir." Parang nasasaktang sabi ko. I know better. Puro naman kasinungalingan lahat nang sinasabi niya. "That's how it is Imelda, reality hurts." Whatever! Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi nito. Mabuti pa si Majimbo walang problema. Busy lang ito sa kakalaro nang kung ano sa ipod nito. Nangangalay na nga ang legs ko sa bigat nito eh.Ilang minuto lang ang binaybay namin sa daan nang makarating kami sa fast food na paborito ni Sky. "Where here Buddy." "Yay!" Masiglang sabi ni Sky. Kulang nalang magtatalon ito nang makita na nasa jollibee na kami.Agad kung kinalas ang seatbealt namin at binuksan ang pinto. Nasa labas na nang pinto si Sir pagbukas ko. Agad nitong kinuha at kinarga si Sky na sobra ang tuwa. "Wait lang Sky,kukuhanan kita nang litrato." Agad kung kinuha mula sa bag ang ipod ni Sky para makuhanan ito nang picture kasama ang Mascot na si Jollibee. Tuwang tuwa naman si Sky. "Sige hug mo si Jollibee Sky." Ginawa naman ni Sky ang sinabi ko. "Tingnan mo para talaga kayong mag ama ni Jollibee Majimbo." Hindi ko mapigilang matawa nang nakita ko ang resulta nang picture nila. "Let's go inside." Suplado! Hinawakan nito ang kamay ni Sky at saka pumasok na sa loob.Mula sa labas nakita ko na medyo marami ang tao sa loob. Nasa bukana lang ako nang pinto ni Jollibee at tinutulungan si Manong guard sa pag open nang pinto tuwing may darating na costumer. "Welcome to Jollibee." Nakngiting sabi ko. Natatawa tuloy si Manong guard sa kakulitan ko. "Imelda!"Halos mapatalon ako sa gulat nang malakas na sumigaw si Sir Lucas. Nahihiyang napatingin naman ako sa mga taong napatingin sa aming dalawa.Natatarantang lumapit ako sa counter kung nasaan si Sir. Nakakahiya! "Tita what do you wanna eat?" Binaling ko ang tingin sa kay Sky na karga parin nang ama. "Kung anong sayo yun nalang din ang sa akin." Nakangiting sabi ko sa alaga ko. Hindi ko alam kung saan nagmana si Sky ang bait bait kasi na pagka bata nito tapos ang tatay naman demonyo and si Venice di rin naman mabait, baka kay ma'am Snow. "Maghahanap lang ako nang pwesto natin." Hindi ko na hinintay ang sagot ni Lucas at naghanap na nang maari naming pwestuhan. Agad naman akung nakahanap nang pwesto na malapit sa glass window pero may kalayuan ito sa counter. Wala na kasi akong mahanap na bakante na nasa malapit lang sa counter. Agad akong naupo at kinawayan ko lang si Sir para makita nito kung saan ang pwesto namin.Ilang minuto lang naman ang lumipas nang dumating ang order namin.Isang bucket nang friend chicken, dalawang rice, at tubig. Hindi kasi namin pinapainom nang soda or any unhealthy drinks si Sky. Sky knows how to eat so wala akong problema kapag pagkain na ang pinag uusapan. "Bibisita ako sa hotel na nasa Boracay bukas and since it's Saturday at walang pasok si Sky i decided na isama na lang kayo." Biglang nanlaki ang mata ko pagkarinig sa Boracay. Boracay??........ "Omg! Talaga po Sir?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Do i looked like I'm joking Imelda?" "Hindi naman po. Hindi ko lang po kasi inaasahan." Nakangiting sabi ko Hindi pa nga kami umaalis pero sobrang excited ko na. Kung pwde ko lang hilahin ang oras para bumilis ito ginawa ko na. Hindi na ako nagsalita at ganun na rin si Sir. Pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain. Nang tiningnan ko ang plato ni Sky dalawang manok na agad ang naubos nito. Napa iling nalang ako sa katakawan nito nang manok. Tulog na nang makarating kami sa bahay si Sky. Agad lumabas si Sir at kinuha sa kandungan ko ang natutulog nang si Sky. "Ang bigat!" Reklamo ko nang naialis na si Sky sa kandungan ko. "Your fault. You spoiled him to much with foods." Narinig kung sabi ni Sir habang papasok na kami sa pinto nang bahay. "Parati kasing gutom si Sky. Hindi ko alam kung may buwaya ba sa loob nang tiyan niya sa sobrang takaw niya." Sagot ko sa sinabi ni Sir. "Magandang gabi po Sir." Bati nang pinakamatandang katulong ni Sir Lucas na si Manang Ruth. "Goodevening." Tipid na sagot ni Sir at saka umakyat na sa taas habang karga parin ang natutulog na si Majimbo. "Goodevening po sa inyo. Susunod na po ako sa taas at baka pagalitan na naman ako ni Sir." Ngumiti lang si Manang ruth sa akin. Agad kung sinundan si Sir sa kwarto ni Sky. Agad kung ini on ang aircon sa kwarto ni Sky dahil hindi ito sanay sa init. "Don't wake him up. Punasan mo nalang siya kahit tulog." "Sige po Sir." Medyo napa atras pa ako nag biglang lumingon sa akin si Sir. Tsk! "Maghanda ka na rin nang mga gamit niyo ni Sky para bukas. 2 araw tayo sa boracay. Yung mga importanteng bagay lang na gamit ang dalhin mo. We can go shopping there if may mga kulang sa dala." "Magdadala din po ba ako nang bikini?" Tiningnan ako na parang hindi makapaniwala ni Sir Lucas. "Seriously your asking me that stupid question? Of course, were going to a beach so magdala ka nang bikini. Well if you can dare wearing a bikini infront of people then why not. But I'm telling you baka mapahiya ka lang kapag nag suot ka nang bikini doon." Tiningnan pa ako nito mula sa paa hanggang sa ulo. Ngumiwi pa ang mukha nito bago ito lumabas nang kwarto ni Sky. Sa kwarto ako natutulog ni Sky. Minsan kasi nagigising siya at naghahanap nang tubig. Agad kung inayos ang mga dapat dadalhin bukas. Mga damit ni Lucas na good for 2 days at pangligo niya din. Inayos ko rin sa isang bag ang mga vitamins na dapat niyang iniinom. Nang sa tingin ko ready na ang mga gamit ni Lucas ay ang sa personal na gamit ko na naman ang inayos ko. All my clothes and personal things ay nasa kwarto ni Sky. Talagang may personal cabinet ako na para sa gamit ko. Inayos ko na rin ang mga susuotin namin papuntang boracay. Para bukas maliligo nalang kami at diretso bihis na. Pagkatapos kung ayusin ang lahat ay pinunasan ko si Sky at pinalitan nang damit. I've been taking good care of Sky since 2 years old kaya sobrang napamahal na talaga si Sky sa akin. I also change clothes bago ako sumalampak sa malaking kama ni Sky. Kinabukasan maaga akung gumising. Ako kasi ang personal na nagluluto nang breakfast ni Sky. Sausage, fried egg at fried rice ang niluto ko. Busy ako sa paghahalo nang fried rice nang namataan ko si Sir na kumukuha nang tubig sa fridge. "Goodmorning Sir." "Goodmorning. Naayos mo na ba ang gamit niyo ni Sky?" "Opo. Anong oras po tayo aalis?" Excited na sabi ko. "9:30 tayo aalis. What you got for breakfast?" Saka ito lumapit sa niluluto ko. "Sausage, fried egg and fried rice." "Dadami na naman kain ni Sky mamaya." Natawa ako sa sinabi ni Sir. Paborito kasi lahat ni Sky ang niluto ko. "Majimbo gising na." Gising ko kay Sky. I tried tapping his cheeks lightly pero wala parin. "Nag luto ako nang paborito mo Majimbo." Sabi ko malapit sa teynga niya. Hindi na ako nagulat nang dahan dahang bumukas ang mga mata nito. Basta pagkain talaga! Tsk. I make him washed his face saka ko siya inakay pababa. Nadatnan namin si Sir na nakaupo na parang hinihintay kami. "Goodmorning buddy." Agad naman lumapit si Sky sa ama. Kinarga naman ito ni Lucas at kinandong. Nilagyan ko nang pagkain ang plato nilang dalawa at nagsimula narin kaming kumain. "Wala kabang matinong damit na pwedeng isuot Imelda?" Agad ko namang pinasadahan nang tingin ang suot ko. Wala namang problema sa suot ko ah.  "Sa tingin ko wala naman pong problema sa suot ko." "Tsk! Pumasok na kayo ni Sky sa loob at ipapasok ko lang sa likod itong mga gamit. Sa harap Imelda at hindi sa likod." Diniinan talaga nito ang huling sinabi. Agad kung inakay papasok si Sky sa loob nang sasakyan. "May problema po Sir?" Tanong ko nang mapansin kung dumilim ang tingin nito sa suot ko. "Your distracting me with what you're wearing." Hindi ako makasagot sa sinabi ni Sir since hindi ko naman alam kung anong problema niya sa suot ko. Hay Naku talaga! Excited na lumabas ako sa sasakyan ni Sir. Sa sobrang excited ko ay nakurot ko pa ang pisngi ni Majimbo. "Ang pogi-pogi mo ngayon Majimbo." Nakangiting sabi ko. Ngumiti naman pabalik si Majimbo sa akin. "Let's go." Agad na kinarga ni Lucas si Sky at nauna nang naglakad sa akin. "Will you please walk faster Imelda." Iritadong sabi ni Sir na nasa unahan. Natatarantang lumapit na naman ako. "Stay close to me." Ha? "Sir gano ka close?" Nakangising tanong ko kay Sir. He just glare at me kaya tahimik na sinunod ko na lamang ang sinabi nito. We walk closer to each other hanggang sa nakarating kami sa personal plane nito. Boracay here i come!!!! _____________________ Please suportahan po natin ang story ni Lucas at Imelda. :) Comment niyo po kung anong masasabi niyo sa first chapter nang storya nila. Sana po magustuhan niyo ang story nila. :)

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wanted Perfect Yaya

read
242.1K
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

Just A Taste (SPG)

read
895.4K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
967.2K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
478.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
269.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook