(Hannah) Habang nag-iimpake ay hindi ko iniisip ko kung tama ba ang ginawa kong pagtanggap sa tulong ni Grayson. Malungkot kong tinignan ang apat na pader ng kwarto ko sa condo, matapos akong maglayas sa mansyon namin ay dito muna ako pansamantalang tumira pero ngayon mukhang lilipat muna ako sa bahay ni Grayson. Habang nagpapahinga ay nagring bigla ang cellphone ko, I pick it up at doon nakita ko ang pangalan ni Amelia. "Amelia?" bungad ko sa kanya. "Nasaan ka?" "Condo, bakit?" "Wala lang, I just wanted to ask if you are okay. I saw the news that Grayson will be the temporary CEO of your company, did you accept it?" Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi niya, to bring my company back on track I need his help. Binigay ko muna sa kanya ang position ko temporarily habang n

