(Hannah) Its dinner time and Cheska just woke up at halos hindi na mahiwalay sa akin ang bata. "Mommy dito ka matutulog?" she asked me. Tumango naman ako sa kanya at kinarga ulit, akala ko ba mommy duties lang ang gagawin ko? parang naging babysitter? Cheska cheered, tinarayan pa ang ibang maids. "Wag na kayo punta sa room ko, mommy will sleep with me tonight," Tumawa ako ng peke dahil sa sinabi ng bata at humingi ako ng patawad sa mga maid. Maya maya pa ay dumating yung matandang maid na kanina ko pa tinitignan, pamilyar siya pero hindi ko maalala ang pangalan niya siya yung umasikaso sa akin nung nandito ako eh. "Ma'am, handa na po ang dinner nyo at hinihintay na po kayo doon ni Sir Grayson." magalang niyang sambit. Nahihiya naman akong napatingin sa kanya dahil naalala ko pa kun

