(Hannah) Nagising ako dahil sa biglang paggalaw ni Cheska sa gilid ko, tinignan ko siya at nagulat ako dahil paa niya ang bumungad sa akin. Inayos ko muna siya at nagpasyang bumangon na, doon ko napagtanto na wala na pala sa tabi namin si Grayson. Tinignan ko naman ang orasan at doon napansin ko na 5 palang ng umaga, ang aga niya naman kung bumangon. Since wala naman akong gagawin ay napagpasyahan kong pumunta muna sa kusina at napansin ko na wala pa ang mga cook dito, anong oras ba sila nagigising? Naalala ko na naman na hindi masyadong kumakain dito si Cheska, doon napagpasyahan ko na magluto para sa bata. Hindi ko alam kung ano ang gusto niya pero I tried making breakfast for her, kailangan ding kumain ng bata. Nag-umpisa na akong magluto at nang patapos na ako ay nagulat ako sa bi

