(Hannah) "Are you sure about this?" nag-aalalang tanong ni Claire. Napabuntong hininga nalang ako at determinadong tinigan ang kanyang mga mata. "Pero bakit nandito si Penelope at Amelia?" Kanina nung sinundo ako ni Claire ay nagtaka ako dahil kasama si Penelope at Amelia. "Alangan naman na pabayaan ka namin, ano to si Claire lang ba kaibigan mo?" asar na sambit ni Penelope. Napangiti nalang ako at napansandal muli sa upuan, kakarating palang namin sa isang restaurant kung saan kami magkikita ni Clint. Dahil atat nang uminom ang mga kaibigan ko ay mas inuna pa nilang umorder ng wine kesa hintayin si Clint, umorder na rin ako juice dahil hanggang tingin lang muna ako sa kanila. Makalipas ang ilang minuto ay may bumukas ang pintuan ng private room na yun at bumulaga sa amin ang mala-asong

