(Hannah) "Kukunin ko lang ang mga gamit ko sa bahay ni Grayson at lalayo na muna ako dito," malungkot kong sambit. Nakaupo kami ni Amelia, Penelope at Claire sa veranda ng condo ni Amelia. Hindi muna sila umuwi dahil gusto nila akong samahan. "What about your company?" Amelia asked. "Iiwan ko muna yun kay Claire, hindi ko pwedeng ipagkatiwala kay Grayson yun. For the mean time lang naman hanggang sa manganak ako, Ayokong manganak sa lugar na to." Tumango naman siya at makahulugang nagkatinginan. "Saan ka pupunta?" I shrugged. "I don't know, pero gusto kong munang lumayo. I want to take a break," "If you don't know where to go, I have a resthouse in Norway. I can lend you that place until manganak ka, sasamahan kita." Amelia voluntered. Nagtaka naman ako dahil parang gustong-gusto

