(Hannah)
Sinuot ko na ang dress na sinabi ni Grayson na binili ni Cheska, and I am pretty sure na maganda ang taste nang batang iyon. This dress fits perfectly for me, plain lang ang design but I love it because minimal yung gusto kong mga damit. Sinuot ko white strappy high heels ko dahil perfect siya sa damit ni Cheska at kinuha ang white Chapel bag ko. Ngayon ko lang napansin na all white pala ang outfit ko ngayon, This outfit emphasize my eyes and skin.
I put some make up to freshen my face pero light make up lang yun, I didn't put any eyeshadow or eyeliner dahil hindi ko gusto maglagay ng ganun. Naglagay lang ako ng matte lipstick para magkakulay naman ang mukha kong sobrang putla, nilugay ko nalang ang wavy hair ko dahil wala na akong oras mag curl. Pagkatapos kong maghanda ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin, napangiti naman ako dahil nakontento ako sa porma ko ngayon.
"That's more I like it," compliment ko sa sarili ko. Lumabas na agad ako at doon napansin ko na pinagtitinginan ako ng mga empleyado ko, they look stunned and amaze at the same time.
"What?" mataray kong tanong sa kanila. Iniwas naman nila agad ang kanilang tingin kaya napangiti ako. "I know what you're thinking, Thank you for your silent compliment." masaya kong sabi sa kanila. Napangiti naman sila at doon bumaha ang samu't saring mga compliment sa akin. Hindi ko na sila pinansin at dumaretso na sa elevator dahil dalawang tao ang naghihintay sa akin sa baba.
Pagkadating ko sa lobby ay hinanap ko agad si Grayson at Cheska. Napansin ko ang iban empleyado ko na nagbubulong bulongan at nakatingin sa bandang waiting area ng lobby, kaya sinundan ko naman iyon nang tingin at doon nakita ko ang batang si Cheska at si Grayson na cool kung umupo sa couch. Bakit nga ulit sila nandito?
"Diba si Grayson Reyes yun? yung may ari ng Formonix Company? bakit siya nandito?" napatingin ako ng konti sa dalawang babae na nag uusap sa harapan ko. Hindi naman nila ako agad napansin dahil nasa harap sila.
"Baka may business lang kasama si ma'am Hannah. Alam mo naman kung ano ang nangyayari ngayon sa kompanya diba? Baka kailangan ni Ma'am Hannah ng malakas na back up," sagot naman sa kanya ng kasama niya.
"Hindi naman ugali ni ma'am Hannah na humingi ng tulong sa iba, bakit pa kasi bumalik balik pa yung tatay niya?" pagalit na sabi nung isa.
"Ayoko nang maranasan yung delayed ang sweldo. Kailangan pa naman ngayon ng pamilya ko ng pera," malungkot na saad nang kasama niya. Tumikhim ako kaya nagulat sila nang makita ako na nasa nila ako at naririnig ko ang usapan nila. Mukhang natakot naman sila. "Ma'am pasensya na po," paghingi ng paumahin nung naka pink blouse na babae.
"It's okay, and don't worry my father won't affect this company once again. Hindi niyo na kailangang mag alala pa, everything is undercontrol." Paninigurado ko sa kanila. Ngumiti naman sila sa akin at humingi ulit nang paumahin. Tumango naman ako sa kanila at tinignan silang umalis.
Habang naglalakad papunta sa kinauupuan ni Grayson ay narinig ko ang usapan ng mga empleyado ko. Hindi ko naman maiwasan na isipin ang kapakanan nila, Natatakot na sila na baka maulit ulit ang nangyari noon kung saan sobrang laking pinsala ang dinulot nito sa kanila, nagkaroon na ata sila ng phobia sa kanila.
"Daddy, Mommy look stunning, isn't she?" Cheska giggle. Ngumiti ako sa kanya ng pilit, really?
Tinignan ko naman ang mukha ni Grayson at natawa ako dahil sa expression niya. He look stunned. "Cheska?" malambing na tawag ko sa anak niya.
"Mommy?"
"Can you please tell your daddy to close his mouth? baka pumasok ang bugs," pabirong utos ko sa bata. Nalukot naman ang mukha niya dahil sa sinabi ko at naglalarong tinignan ako.
"Daddy, I know mommy is beautiful but please close your mouth." natatawang saad ng bata sa kanya. Inayos niya naman ang suit niya at binuhat ang anak niya.
"Sarado naman ang bibig ko baby,"
Tinignan niya ako and to my surprise, he hold my hand at iginiya palabas ng looby. Napayuko naman ako dahil pinagtitinginan kami ng mga empleyado ko. "Can you please let my hand go?" I whispered to him.
"I can't hear you."
"Mr. Grayson Reyes, can you please let my hand go," pag-uulit ko sa kanya. Pero hindi ulit niya ako pinansin kay pasimple kong binawi ang kamay ko, mas hinigpitan niya naman ang pagkakahawak sa kamay ko.
"Mommy? Daddy? What are you whispering??" umayos ako ng lakad nang mapasin kami ng bata. "Nothing," tanging sagot ko. I saw him smiled victoriously kaya naasar ako ng todo. Mamaya ay makakaganti din ako sayo.
Hanggang sa paglabas namin ay hawak niya pa rin ang kamay ko, inikot niya nang tingin ang paligid. Maya maya pa ay biglang may dumating na limousine sa harapan namin. Hindi na ako nagulat na may limo siya dahil alam kong bigatin ang lalaking to, Pinautang niya nga nang isang billion ang ama ko.
Binaba niya naman si Cheska at naunang pumasok ang bata. "After you," he politely said. Kahit alam kong may pagkadamuho ang lalaking to ay may tinatagong pagka gentleman din. "Thank you."
Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang eleganteng laman ng Limo. May sarili itong bar at mukhang ito ang ginagamit ni Grayson para ilabas ang mga babae niya, too bad para sa environment ng bata. "Daddy juice please," narinig kong request ng bata.
"Mamaya na after dinner."
Wala nang nagsalita sa aming tatlo pero nakita ko na tinitigan talaga ako ni Cheska. Kahit anong iwas ko ng tingin ay hindi ko talagang maiwasang titigan ang mga mabibilog niyang mata. Hanggang sa tinitigan niya naman ang tatay niyang kakakilala ko palang.
"Daddy! mommys eyes and my eyes are the same!" she happily blurted. Napakisap mata ako sa sinabi niya. Tinignan ko ang tatay niya na ngayon ay nakatitig na din sa mata ko. "Yes baby, her eyes are just like yours." nakangiti niyang sagot sa anak niya.
Nawalan naman ng expression ang mukha ko, under ata ang Grayson Reyes na to sa anak niya. Tinignan ko silang mag-ama ako naramdaman ko ang coldness in between them, and I think I understand why. His father is a well known tycoon and siguro he spends most of his time sa office just like me, his daughters looks like she is seeking for some love and attention. She is thrilled when she is talking to other people, eventhough hindi niya ito kakilala. Natatakot ako baka makidnap ang batang ito.
"Mommy, do you have a boyfriend?" nabalik sa realidad ang iniisip ko dahil sa biglang pagtatanong ni Cheska.
"Huh?"
"Do you have a boyfriend?"
"No, I don't have one," nakangiti kong sagot sa kanya. She smile very wide kaya nagtaka ako kung bakit. "Daddy! Daddy! Mommy is still single!"
napaawang naman ang bibig ko dahil sa naging reaction niya. Pilit akong tumawa at binaling sa ibang direksyon ang ulo ko, kapag kasama ko ang batang ito ay naaalala ko ang sinabi ni Grayson kanina.
"And kung mababayaran mo nga ako, sapat pa nga ba ang pera mo para itayo muli ang kompanyang ito?"
Bumabalik balik ang mga salitang iyon sa utak ko, ngayon pa na kailangan ko ng suporta mula sa mga malalaking kompanya. Unti unting nauubos ang pera ko dahil sa pagbabayad ko ng utang ng tatay ko, kung babayaran ko ng buo ang mga utang niya ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Posible nga na papautangin ako ng mga kaibigan ko pero ayaw ko namang magkaroon ng utang mula sa kanila, I need to find a solution for the benefit of my employees and also for my company.
"Mommy, Do take dad as your husband?"
"Yes," wala sa sarili kong sagot. Nabalik naman ako sa ulirat dahil sa tanong na iyon.
"Daddy! She said yes! Daddy, Daddy! the ring!" excited niyang sigaw. Napatalon naman siya sa kinauupuan niya. Hindi ko pa naproprocess kung ano ang nangyayari nang biglang prumeno ang driver kaya siya natumba.
Umiyak naman siya dahil nabunggo ata ang kamay niya sa support ng upuan niya. Akmang kukunin siya ni Grayson pero she raise both of her hands to me asking to lift her up. Nag aalangan akong napatingin kay Grayson, I don't know how to hold a child.
"Mommy! Cheska natumba," she said in between of her tears. Kahit na hindi ko alam kung paano siya kakargahin ay kinuha ko pa rin siya. When I embraced her, she suddenly hug me and stop crying. Tinignan ko ng makahulugan si Grayson pero nakatingin lang ito nang malalim sa akin.
Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman kong nakatulog siya. Tinignan ko naman si Grayson na nakatingin lang talaga sa aming dalawa at parang may malalim na iniisip, sinipa ko naman siya. "Yung anak mo nakatulog na,"
"Alam mo bang bukod sa akin, she never sleeps in someone's shoulder before?"
Napa-angat naman ang kilay ko sa sinabi niya. "Is that a trivia?"
"Nope, but incase na tanggapin mo ang alok ko dapat malaman mo kung saan takot, anong paborito, anong mga ayaw niya at kung sino ang mga involved sa buhay niya." makahulugang usal niya.
"Sino ba naman kasi ang nagsabi sayo na tatanggapin ko ang alok mo?"
He grinned as if may plan B siya para mapapayag ako. "Di mo sure."
Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"Sure na sure ako, Mr. Grayson Reyes. You might be the guy na pinapangarap ng maraming babae pero in my eyes, you are just a stranger doing crazy stunts like this." Seryoso kong pahayag. Hindi naman nawala ang ngiti niya sa mukha, gustong gusto ko na talagang burahin ang mga ngiting yan. Kung interesado lang sana ako sa mga lalaki, kanina pa ako naglupasay sa kilig dahil sa ngiti niya. Pero hindi eh.
"But you just said yes kanina," nakakalokong pahayag niya.
"Lutang ako kanina, hindi ko agad naprocess ang tinanong ng anak mo."
"But you just agree to join dinner with us,"
"Hindi ka ba nauubusan ng dahilan?" asar kong tanong sa kanya.
"No," mapang-asar niyang sagot. Hindi na ako sumagot at bumuntong hininga na lamang. I need to stay away from this man, yung mahabang pasensya ko ay mapuputol lamang dahil sa kanya.
"Malapit na ba tayo? Kunin mo na ang anak mo na natutulog, nangangalay na ang balikat ko." tanging sabi ko sa kanya.
"Just let her embrace you for a minute, Cheska deserve that." makahulugang sabi niya. Balak ko pa sanang sagutin siya pero natigilan ako dahil sa nakita ko ang mga mapupungay niyang mata na malambot na nakatingin sa bata. Hindi na ako nagsalita pa. I looked at him and doon naintindihan ko ang Fatherly love niya, he really loves this child at kahit na anong request ata nung bata ay tutuparin niya.
"Why are you looking for a mother to her?" biglang tanong ko. Tumikhim siya at sumandal sa upuan. "Because she really wishes to have a mother,"
"Yun lang? Nasaan ba ang nanay nito?" umandar na naman ang pagtsismosa ko kaya natanong ko iyon. Hindi naman ata pwedeng walang nanay to.
"Gusto mo bang malaman?"
Tumango ako bilang sagot. "Then marry me first."
I rolled my eyes out of annoyance. "Wag nalang pala,"
napatawa naman siya sa naging reaction ko. Makalipas ang halos isang oras ay dumating na kami sa isang restaurant. Napakalayo naman ata nitong kakainan namin.
Pagkababa namin ay sumalubong agad sa amin ang isang waitress.
"Welcome Mr. Reyes, your table is in this way sir." magalang niyang bati kay Grayson. Gising na din si Cheska at ayaw bitiwan ang bag ko. Hindi kasi ako pwedeng yumuko dahil sa off shoulder yung damit ko kaya doon siya humawak para hindi siya mahiwalay sa akin.
Nakita naman ni Grayson kung gaano kaclingy si Cheska sa akin kay binuhat niya na lamang ito, pero umiyak yung bata kaya in the end, ako ulit yung nagbuhat sa kanya at bitbit ni Grayson ang bag ko.
Nakakailang naman dahil pinagtitinginan kami ng mga empleyado dito. Mukhang regular ata dito si Grayson at Cheska. "This is Cheska's favorite restaurant, when she heard na sasama ikaw sa amin for dinner. She personally choose this place for you," seryosong pahayag ni Grayson.
When we got to our table doon ko lang napagtanto na sa tabing dagat na pala ito. "Wait, is this a beach?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Yes mommy, Do you like this place?" she asked me excitingly. Hindi agad ako makasagot dahil hindi ako makapaniwalang dinala ako ni Grayson sa beach.
"Are you kidding me?"
"Hindi mo ba nagustuhan mommy?" malungkot at medyo takot na tanong nung batang babae sa akin. Tinignan ko siya nang sobrang saya. "I love it! I didn't know na may beach na 1 hour away lang sa office ko, I should go here often." masayang bulalas ko.
"You love beach?" tanong sa akin ni Grayson. Tumango ako sa kanya, gusto ko sanang libutin ang paligid pero gabi na at tanging mga ilaw mula sa restaurant na lamang ang naaaninag ko. Maganda siguro ang lugar na to tuwing araw. Hindi ko maitago ang kasiyahan sa mukha ko dahil matagal ko nang gusto ang pumunta sa dagat to unwined at hindi ko iniexpect na through a stranger makakapunta ako dito.
Habang nasisiyahan ako dahil nasa dagat ako, naramdaman ko ang paghigpit ng yakap sa akin ni Cheska. I looked at her concerned, nagulat ako dahil I saw her teary eyes. Medyo nagpanic ako pero Grayson took her from me. She buried her cute little face to his neck.
"What's wrong? Did I do something bad?" I asked Grayson worriedly.
"No, you didn't do wrong. She is just overwhelm," he answered. Nagtaka ako sa sinabi niya. Magtatanong pa sana ako nang iginiya na niya ang upuan. "Sit here,"
Tumango ako at umupo na. "Daddy, I will sit beside mommy." masayang sabi ni Cheska. Ang bilis niya namang makarecover.
"Okay,"
Masayang umupo si Cheska sa tabi ko, she even ask to hold her hand. I have no choice but to hold her hand. "Ilang taon kana?" nahihiya kong tanong sa bata. Masaya niyang pinakita sa akin ang 4 fingers niya. "3 years old" natawa naman ako dahil 4 ang pinakita niya pero 3 palang siya.
"How about you mommy?" malakas niyang tanong. Mukhang inemphasize pa ng bata ang Mommy na word. Naiilang ako dahil hindi ako sanay na tawagin akong Mommy, I am just a young bachelorette who hates guys.
"I am 25 years old," tanging sagot ko sa kanya.
"So same age kayo ni Daddy, perfect!" maligalig niyang usal. She even giggled habang inaasar kami ng daddy niya.
Grayson ordered for a full course meal, I don't their specialty here so i let him order for me. After several minutes the appetizer arrived, it is cheese stuffed mushrooms and a french fries.
"Cheska, try this mushroooms," Grayson asked his child. Pero Cheska just pouted at nagmaktol pa.
"Ayaw,"
"But this are delicious," Grayson convince his child once again. At nakita ko na parang nauubusan na siya ng pasensya. Yun pa nga lang ang ginawa niya naubusan na siya ng pasensya.
Inirapan siya nung bata. "I don't want to."
"Cheska I will count 1 to 3, eat some mushroom." seryosong pahayag ni Grayson. Actually he is really bad in parenting, no wonder naghahanap ng nanay ang bata.
"Cheska?" mahinang tawag ko sa bata. She looked at me and she is trying to find a friend.
"You know when I was a child, my mother often serve me this mushrooms," panimula ko. Ayokong makita na may nagagalit sa harapan ko, stress ako sa company and hindi ako sumama dito para makinig sa father and daughter issues nila.
"I really hate those mushrooms, but Mommy cooked me a mushroom and cheese and I loved it. Gusto mo itry?" pagsisinungaling ko.
To behonest, I hate cheese but I love mushrooms. Hindi ko lang gusto yung texture ng cheese, rubbery. Kahit na ayaw ko nang cheese ay pinakita ko pa rin sa bata na kamain ako nun. Halos masuka naman ako dahil hindi ko talaga nagustuhan ang texture nang cheese, hanggang sa malunok ko na at pilit na ngumiti sa harapan ng bata.
"Delicious," kunwari nasarapan ako. I heard a small laugh galing sa tatay nitong bata. I looked at him angrily at sinipa sa ilalim nang lamesa.
The child looked convince and she tried eating 1 piece. Mukhang nasarapan naman siya at ako naman ay sineperate ko ang cheese para mushroom na lamang yung kakainin ko. I really hate Cheese.
After namin mag appetizer, ay sinerve na din sa amin ang isang soup and the chef himself explained that it is a Chestnut Fennel Soup. Classy.
And for the main dish we had a grilled chicken with fresh cherry salsa. Mabilis lang ang flow ng course namin and lastly we had an Ice cream. Excited si Cheska na tikman, hindi na niya inintay ang explanation ng Chef.
I was about to taste the Ice cream when Cheska suddenly complain that she can't breath. Nataranta naman si Grayson pati ako dahil namumula ang balat nung bata.
"What happened? Cheska?" nag aalalang tanong ni Grayson.
"Daddy, I can't Breathe!" naiiyak na reklamo nung bata.
"What did you serve to us?!" galit na sigaw ni Grayson. Mag eexplain pa sana siya pero hindi na siya pinansin ni Grayson
Tinignan ko naman ang reaction nung bata at nagulat ako dahil yan din ang nangyayari sa akin kung makakain ako ng soybeans. Agad kong tinignan ang ice cream na sinerve sa amin.
"Is this soybean ice cream?" tanong ko sa chef. Napatango naman ang chef sa akin, Tinignan ko si Cheska na ngayon ay umiiyak na.
"May allergies ba si Cheska?" wala sa sarili kong tanong kay Grayson.
"How am I supposed to know?!"
I gritted my teeth. "Anak mo yan, dapat alam mo kung may allergies siya or wala!" galit kong sigaw sa kanya. Binuksan ko naman ang bag ko para kunin ang EpiPen, Cheska is having an allergic reaction to soybean.
"What is that?"
"My EpiPen, Cheska is having an allergic reaction."
Walang gatol ay ininject ko sa legs ng bata ang epipen. "Anong ginawa mo?"
"We need to get her to the hospital," hindi ko sinagot ang tanong niya. Tumango naman siya at naunang tumakbo sa sasakyan para dalhin si Cheska sa Hospital.
Nag iwan na din ako ng pera pambayad sa restaurant tsaka tumakbo sa sasakyan nila.
Nang makarating kami sa hospital ay inasikaso naman agad ng mga doctor si Cheska and according to them, nagkaroon ng allergic reaction ang bata mula kinain niya.
"She need to stay here for awhile to observe her condition Mr. Reyes."
Tumango naman si Grayson at tinignan ang anak niyang natutulog. "Good thing at tinurukan siya ng misis mo nang epinephrine,"
"Hindi ko siya asawa doc," pagcocorrect ko sa kanya.
Tumikhim ang doctor at nahihiyang tinignan kaming dalawa. "I will leave both of you first."
"Thank you,"
Napatingin ako sa lalaking kanina lamang ay parang wawasakin na ang bungo ng chef pero ngayon ay parang asong napakalma.
"It's nothing."
"Paano mo nalaman na nagkaka allergic reaction si Cheska?" seryosong tanong niya.
"Because I am also allergic to Soy bean."