(Hannah) "Ma'am may nagpadala po ng bouquet of flowers sa inyo," nalukot ulit ang mukha ko dahil sa bungad sa akin ni Julia. "Na naman? kanino galing?" galit kong tanong sa kanya. Tinignan niya naman ang isang card na nakalagay sa roses. "Grayson Reyes po ma'am." Napabuga ako ng hangin dahil sa pangalan na iyon. Ilang araw na din ang nakalipas mula nung dinner namin kasama ang anak niya, Maayos na din ang kalagayan ni Cheska at ngayon ay nagpapahinga na sa kanilang bahay. Ilang araw na din akong pinipeste ni Grayson, mas dumagdag pa ang problema ko dahil inatake naman ang kompanya ko ng mga goons nung pinagkakautangan ni Daddy. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag tanggapin ang anong flowers or gifts na galing sa kanya," galit kong sambit. "Ilabas mo na yan ayokong may makit

