(Hannah) "Ma'am! nagkakagulo po ulit sa baba!" takot na sambit ni Julia. Napabalikwas naman ako sa kinauupuan ko dahil sugatan siya. "Anong nangyayari?!" "Ma'am! Armado po sila at marami na pong sugatan sa mga security n'yo. Ma'am paakyat na po sila ngayon, kayo po ang hanap nila." takot niyang dagdag. Pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng yun ay biglang may pumasok sapilitan sa opisina ko. "What the! Ano ba ang kailangan nyo?!" galit kong sigaw. Kahit na kinakabahan ay nakuha ko pa na pindutin ang emergency button sa ilalim ng lamesa ko, I need to call the authorities. "You must be Hannah Vanidestine?" nakangiting tanong sa akin ng isang lalaki na may dalang handgun. Matapang ko siyang hinarap at hindi ko alam kung saan nanggagaling ang tapang na iyon. "Ako nga, at bakit kayo n

