Episode 6

1372 Words
(Hannah) "What the hell is this Ms. Vanidestine? we invested so much in your company tapos Drug supplier lang pala kayo? We invested sa isang drug lord mygod!" Mr. Donald fumingly said. "Mr. Donald, kilala mo ako. I will never engaged in such things." seryoso kong sagot sa kanya. Pero nakita ko na hindi siya naniniwala sa sinabi ko. "Yeah. So how do you explain this?" tinapon niya ang isang newpaper sa harapan ko. "May kinalaman ang issue na to sa paglantad ng Ama mo. Am I right Hannah?" seryosong tanong sa akin ni Mrs. Julianna. Tumango naman ako sa sinabi niya. "We can do something about this issue Mr. Donald, I know Hannah very well and for the past years she already proven to you and to us na kaya niyang paangatin ang kompanyang ito, and Hannah?" she called me with a worry face. "I hope you can overcome that problem. Ako na ang bahala sa media and I will file a case against sa media corporation na to. Continue finding the solution sa kompanya and handle your father." seryoso niyang sabi sa akin. napakuyom naman ako dahil sa galit ko. That man returned and act like nothing happened and he is now ruining my hardworks. "The meeting is now adjourned and Hannah, kakausapin ko ang Mommy mo dahil mukhang hindi maganda ang mga susunod na mangyayari. Ngayon pa Hannah na nakabangon na iyong kompanya mula sa pinsalang ginawa ng Daddy mo noon." seryosong turan ni Mrs. Julliana sa akin. "Kung nakikinig lang po sana si Mommy sa akin, hinding hindi mangyayari ang lahat ng to." Tulala akong nakatingin sa ceiling ng opisina ko, Hindi ko pa masyadong naabsorb ang mga nangyari kahapon at kanina. Hindi pa ako umuuwi dahil sa eskandalong ginawa ng tatay ko. "Ma'am?" nabalik naman ang ulirat ko nang tawagin ako ng sekretarya ko. "May phone call po kayo, Tatay n'yo raw maam?" nag aalangan niyang sabi sa akin. Ano na naman ba ang kailangan nang taong ito? "Wag mong sagutin. I have no time for his chitchats!" galit kong sagot sa kanya. Binalik ko na lamang ang atensyon ko sa laptop na nasa harapan ko. Maraming investors ang nagbabalak na iatras ang kanilang investment sa kompanya ko, at hindi ko kakayanin na umatras sila dahil maraming projects ang maantala. Malaki ang mawawala sa kompanya ko kung mangyayari iyon. Habang binabasa ko ang mga folder na nasa harapan ko ay may narinig akong nagkakagulo sa labas ng opisina ko. "What the hell going on again?!" Malakas kong binagsak ang mga folder sa lamesa ko at marahas na tinahak ang pintuan ng opisina ko. pagkalabas ko ay bumungad sa akin ang isang malakas at pamilyar na sigaw. "MY DAUGHTER OWNS THIS COMPANY! WALA KAYONG KARAPATAN NA PALABASIN AKO DITO! MGA HAMPAS LUPA!" "What do you think your doing here?" I coldly said to him. He stared at me suprisingly at inayos ang kanyang suit? ang kapal naman ng mukha nitong mag suot ng suit? empleyado ko ba siya dito? "Anak, kindly tell your fvking employees kung sino ako? hindi na ata nila alam ang kanilang lugar sa kompanyang ito." mayabang niyang usal. Tumawa naman ako ng pagak sa sinabi niya. "Sino ka ba para ipakilala ko?" natatawang tanong ko. Nakita ko naman ang mukha niya na napahiya sa sinabi ko. Pero he composed his self and confident na humarap ulit sa akin. "Tell them that I am your father and hindi nila dapat ako binabastos ng ganoon." I smirk. "Talaga ba? Since when did you become my father? and please, stop harassing my employees and stop insulting them. Walang kang ambag sa sweldo nila kaya wala kang karapatan na pagsabihan sila na bastos." "Wag mo akong ginaganyan Hannah Vanidestine! I am still your father. Balik balitarin mo man ang mundo, Dugo ko pa rin ang nananalaytay sayo." seryoso niyang sabi sa akin. Hindi naman ako nagpatinag sa sinabi niya. "Nakakahiya nga dahil dugo mo ang nananalaytay sa akin. And drop the drama, answer me. What the fvck are you doing here?" "I want to help you." direktang sagot niya. Halos lumuwa ang mata ko dahil sa sinabi niya. "You want to what me?!" "Yes, I want to help you sa problemang dinulot ko." seryoso niyang sabi sa akin. Napatawa naman ako sa sinabi niya. "Stop pretending like you care and get the hell out of here." I said with mockery. "Alam kong Billion ang nawawala sayo," panimula niya "And I want to propose something sayo, If you allow me to speak." I just smirked at him. Napatingin ako sa paligid namin at doon napagtanto ko na nagsasagutan pala kami ng magaling kong ama sa harap ng mga empleyado ko. "Okay, let hear it sa office ko," natatawang sagot ko sa kanya. Nauna na akong pumasok sa opisina ko, at hindi porket na binigyan ko na siya ng pagkakataon na magsalita ay pakikinggan ko na siya. Hell no. Sino ba siya para pakinggan ko? Matapos ang lahat nang ginawa niya sa kompanya ko, sa pamilya at mga kaibigan ko? Sino siya para pakinggan ko? "Thank you for giving me a chance anak. Hinding hindi ka mag-sisisi na binigyan mo ako ng pagkakataon na tulungan ka," buong pagkukumbabang usal niya. Umupo na lamang ako sa swivel chair ko at hinarap siya, disinterested, "So?" "I want to help you, hindi na ako makakapayag na ikaw ulit ang maglilinis ng mga gulong ginawa ko--" I stopped him. "Ako? Maglilinis ng gulong ginawa mo? Ano ang tingin mo sa akin? yaya mo? nagpapatawa ka ba?" sunod sunod na tanong ko sa kanya. nakita ko naman na natigilan siya sa mga tanong na binato ko. "Just go straight to the point, don't waste my precious time just for that lousy drama. Hindi ka ba nagsasawa?" umubo naman siya at naghahanda na para sa sasabihin niya. Mukhang mahaba at pinaghandaan niya na talaga ang lahat ng to. "Anak, I want to propose to you to get married." direktang sabi niya sa akin. Halos maibuga ko naman ang kape na ininom ko dahil sa sinabi niya. "Ano na naman ba ang pumasok sa kokote mo ha? Marriage?" sunod sunod na tanong ko sa kanya. "I know it may sound crazy but it will save you and your company. I will introduce to you to a famous tycoon, for sure matutulungan ka niya--" before he can finish sa kung ano ang sinasabi niya, I slammed my table very hard. "Stop! alam mo minsan ka na nga lang mag isip, napakawalang kwenta pa," Nagulat naman siya sa inasal ko, galit na galit ko siyang tinignan. "I have many things to do, Marami akong dapat ayusin sa kompanya ko na ngayon ay sinisira mo. At yang marriage mo? saksak mo sa baga mo." inayos ko na ang sarili ko at hindi na siya pinansin. Nilunod ko ang sarili ko sa mga nakatambak na folders at papeles na nasa lamesa ko, huli ko nang marealize na gabi na pala at nakaalis na siya. Mukhang dito ulit sa opisina matutulog. "Kailangan ko na talagang palagyan ng kwarto ang opisina ko," bulong ko sa sarili ko. Pinagmasdan ko naman ang paligid ko. Sobrang dilim na sa labas hudyat na wala na ang mga empleyado ko, tanging tunog ng aircon ang naririnig ko at dim lights ang naaaninag ko sa loob ng opisina. Tumayo na ako at pumunta sa hidden pantry ko, napangiti naman ako dahil sa mga stash na nakalagay doon. "After all may magandang nangyari sa araw kong to," I took a deep breath at kumuha ng mga paborito ko. Although minsan lang ako kumain ng mga junkfoods, This foods really saves the day. Bumalik na ako sa lamesa ko at binuksan ang isang bag ng Cheetah's at isang can ng Softdrinks. Inikot ko ang Swivel chair ko para humarap sa isang malaking bintana sa likuran ko. Pinagmasdan ko ang kalakhan ng syudad ng Amsterdam. "This place is a perfect place to build everything, pero bakit ganun?" mahinang usal ko. Tahimik kong pinagmasdan ang view at ninanamnam ang kinakain ko nang biglang nag ring ang cellphone ko. Pinagmasdan ko ang caller ID at nakita ko na hindi it nakarehistro sa sa phonebook kaya sinagot ko nalang ito. "Hello?" "Hello, Ms. Vanidestine."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD