Chapter V

4703 Words
Medyo madilim na ng magbalik si Maryam sa kanilang bahay… "Nasan kaya si Nanay?" tanong niya sa sarili "Ate Maryam? tao po? lola Pacita? boses ni Utoy "Utoy, oh, bakit?" "nakita nyo pu ba si Kuya Hunio? kanina pa po kase sya wala eh," "naku Utoy yang alaga mong Hunio nagbasketbol hayun may kausap na chix!" "pwede pu ba natin sya puntahan?" "Wag!" "Nag-aalala napo ako eh, ang alam ko tapos na ang basketbol..." "Wag mo sya intindihin! May isip na kuya mo dito ka na muna hintayin mo sya. Para ikaw ang masundo! dyan ka muna nood tv ka muna… hapon na oh!? Tignan mo" “sige na nga hintaying ko na lang sya!” sabi ni Utoy. “sige manood ka lang dyan at magsasalang na ako ng pagkain...” sabay punta nya ng kusina at mag-umpisang magluto. Kinagabihan. Nang matapos ang kanilang hapunan Nagpaalam muna si Aling Pacita sa anak at may mga bagong angkat na paninda daw sila. Mabilis naman kinuha ni Maryam ang kanyang damit na bagong bili wala syang ideya ngunit gusto lang talaga nya ito. "Akala ba nila sya lang ang maganda at sexy... hmmp!" sabi nya habang nakatapat sa salamin sipat dito sipat dyan! "wapak! sexy!" sabay giling-giling sa harapan ng salamin… ‘ganda Maryam!’ sabi nyang nag-iisa. Dahil sa feel at home na si Hunio na napakadiretso naman sya agad kila Maryam na puro pasa ang mukha at isa pa yun ang pinakamalapit na bahay na maari nyang puntahan ng walang pasabi… "abah! abah! ano yan! tinakpan ni Hunio ang mata pero ang mga daliri ay nakabukas. San ang lamyerda mo Miss? tapos na ang party samin ah!?" "abah! grabe! basta ka nalang pumasok dito? Wala ka ba talagang galang!” gulat na sabi ni Maryam ng magtago at nagbihis agad. “sumusobra ka na sa pananamantala mo!” “Hoy! Miss anong pananamantalang pinagsasabi mo! Ikaw itong namboso sa’kin!” reklamo ni Hunio sa dalaga. “pwede ba Hunio manahimik ka dyan! Umuwi ka na sa inyo nakakasira ka ng gabi!” sabi ni Maryam habang nagdadamit. "Dude! Bakit ba ang tagal mo dyan!? punasan mo nga ang likod ko!?" paupo nyang sabi na umaktong patay malisya nakatagilid pero bahagyang nakatingin. "Nagbasketball kase ako kanina baka mamaya hikain nanaman ako ikaw rin matitiis mo ba ako?" ‘nagbasketbol kaba kamo? Eh, Nakita kitang may kasamang babae?’ bulong ng kanyang isipan ‘pero bakit ka nga nandito? Akala ko ba di na tayo magkikita?’ "tumigil ka nga dyan kita mong bigla ka na lang nagpunta dito!" Paglabas nya ay bihis na uli ang dalaga ng damit pambahay… ’ah, may kailangan lang pala’ Pagkatapos ay hinubad ni Hunio ang suot nito heto nanaman si Maryam hindi maiwasan 'anu ba yan! kita nanaman nya yung abs!' Habang inaangat ang jersey ni Hunio na walang kamalay-malay tinitignan ang dibdib nito na kulay pula ang n*****s. Habang tinitignan ay nangingisi si Maryam napapakagat labi sya ng palihim… 'mapula ba yun?' kyuryus na bulong ng isip niya. "Abah! Miss naligo ako noh!" sabi ni Hunio "saan?! sa sapa? nung isang araw pa yun huh?! Bakit di mo hilig ang maligo Hunio anong kalinisan bang meron ang mga taga Amerikang gaya mo?" "Oi, halika! dikit ka!” Hinatak ni Hunio si Maryam sa braso sabay inumpog nito sa kili kili ng binata “o! amuyin mo pa kili-kili ko wala akong putok!" angat ni Hunio sa braso habang nakatakip ang kanyang ilong Kunway. “Heh! Ikaw talaga napakabastos! Tumigil ka dyan” Sumisimple si Maryam na inaamoy-amoy nya ang kaibigan sabay sapak sa kaibigan. “Ano?! Niwala kana? Macho diba? Haha walang putok!!” pagmamalaking sabi ni Hunio. Sa di kalayuan ang liwanag ng kanilang ilaw ay naaninag ang anino nilang dalawa sa labas. Kumuha si Maryam ng bulak at alcohol para magamot ang kaibigan “Ahh!! aray! Ansakett!! Dahan dahan naman pakiusap…" hawak ang ulo sigaw ng binata nakangiwing inda niya… "Ay, sorry bakit? napapano kaba?!" habang dinadampi ni Maryam sa noo ang bulak. "Ahh! may injury kase ako nagkarambol ang bola kanina kaya masakit ang katawan ko!" 'nagkarambol? buti nga sa'yo! kanina may kausap kang babae hindi kanaman naglalaro eh! “Eh, Nakita mo ginagamot ka na nga demanding kapa!” sabi ng isipan ni Maryam napairap tuloy siya... "Haha..." yun lang ang reaksyon na lumabas sa bibig ni Maryam... "oo! agawan bola kami pagkatapos nagpagulung gulong ako sa court..." "haha!" tawa uli ni Maryam "bakit ka natatawa?" "Ah... wala! wala! gusto mo ng masahe?" sabi ni Maryam... "sige nga? masakit talaga katawan ko eh," "abah! teka andami mong pasa baka naman kase dika naglalaro ng basketbol!" 'paimpress kase' nakangising bulong ni Maryam sa sarili. Sabay tumayo at kumuha ng panlinis sa mga pasa "konting galos lang 'to! Wag mo ako masyadong alalahanin" pagkatapos hinarap niya si Hunio habang ginagamot ng dalaga si Hunio ay nakita ni Hunio ng malapitan si Maryam... "Maryam?" "Oh," "Maryam..." nakita ni Hunio ng harapan kung gaano kaganda si Maryam. Hinawakan ni Maryam sa noo si Hunio. para gamutin ang sugat at hindi napigilan ni Hunio ang sarili na hawakan ang magandang mukha nito.. hahalikan sana ni Hunio si Maryam hindi natuloy gumitna na sa liwanag nila sa Utoy... "kuya?" nadiin tuloy ng dalaga ang bulak sa noo "kuya kamusta? puro ka sugat ah? san ka ba nag punta?" nag aalalang sabi ni Utoy... pinapanood pala sila "nandito ka pala?" Sabi ni Hunio tila gigil na sabi ni Hunio sa bata.. "opo, nakatulog po ako…" "diko nga pala nabanggit hinahanap ka nya." At sa labas ng kanilang bahay may kapitbahay silang na nanonood sa kanilang anino. Napagkamalang nag-yayakapan, naghihimasan at naghahalikan "Kabog!!" bulabog ng bubong nila Maryam sabay nagtatahulan mga aso sa kalsada... "ano yun?" sabi ng binata. "Ha?!" "tignan mo nga?" "Bog!" may bumato uli... "Tara!" sabi ni Hunio "bakit ka nag-aaya?" "tignan nga natin..." "Mas maganda kung magkasama tayo baka mamaya paglabas ko wala kana!" "Hay naku!" lumabas silang magkahawak kamay hila-hila ni Hunio sa kamay ang dalaga... "utoy! Mauna ka!" tawag ni Hunio sa bata. Naglakad silang tatlo palabas ng kanilang bakuran… “sino naman kaya ang tao na’yon?” sinilip nila at hinanap ang lokong nag “bakit mo pinauna yung bata!?” “Wala! Walang gagawa noon sa kanya!” paiwas ni Hunio. Dahan dahan silang naglalakad grupo silang nakatingin lahat sa kanilang likuran. Bigla ay nanlaki ang mga mata ni Hunio sa nabangga. “wah! Ahhhh…” tili nilang tatlo.. “Nay?” Akala nila ay kung sino na ang nabunggo ni Hunio yun pala ay si Aling Pacita. “Bakit mga anak? Anong nangyari?” “Ah wa-wala po!” iwas nilang tatlo “aabangan po sana namin kayong uuwi sa harap ng bakuran kaso po ay napakadilim Nay,” sabi ni Maryam. “Eh, ano pa bang ginagawa natin tara sa loob ng bahay at ng tayo’y makapagpahinga...” Kinabukasan ng umaga para bang habit na ng mga kapitbahay sa barangay mahusay ang magchismis. May panibago nanaman kaseng kalokohan ang naibalita sa kanilang buong barangay. Sa buong baranggay kumalat ang usap-usapan na may nakahuling may nangyayari ng kababalaghan sa bahay nila Aling Pacita... At bukod pa doon ay naghahalikan daw sila dahil nakitang dumidikit daw ang nguso ni Maryam sa pisngi ni Hunio. At napatunayan dahil nakita silang lumabas na dalawa. "magandang araw po Mrs. Celeste…" kinaumagahan "Hmm… magandang araw rin naman ano pong sadya nila?" "naparito lang po kami sa inyong bahay... dito pu ba nakatira si Hunio Kline? "Oh, anong ganap sa anak ko?" "Parang may nakakita po sa kanya kagabi may kahalikan?" sabi ng kanilang kapitbahay ang magulang naman ni Hunio ay nagkatinginan.. "ano? eh, normal lang sa anak ko ang mambabae! lalake sya eh," "Ah, ganoon po ba?" "saan po ba ninyo nalaman ang kwento na'yan? "sa Baryo Mahusay po!" mabilis nilang sagot kay Aling Celeste. ‘Mahusay talaga sa chismis! Alam nyo naman po ang karatig barangay na ‘yan mula pa ng ako nauwi muli ng ‘Pinas’ bulong ni Celeste sa sarili. "nakita po namin sya may kausap na chix sa basketbol court..." "Ah, may kausap lang naman pala eh, walang problema sa ganoon kayo naman!" seryoso pero pataas na ang boses ni Aling Celeste… "Mrs. Celeste ang mga Amerkano po ba ay nag- aalmusal?" "oo, naman!" "ano po kase…" hindi masabi na gusto makikape nagbubulungan ang kapitbahay tinitignan ang bahay nila Hunio.. malaki! nakaramdam naman si Aling Celeste… "Hali napo kayo sa aming likod bahay…" aya ni Celeste sa mga bisita. Naglakad sila at humanga naman ang mga kapitbahay sa magandang hardin ng pamilya... “heto na po ba ang hardin ninyo noong mag-selebrayt kayo ni Mister Maddame?” “Ay opo!” magalang na sagot rin ni Aling Celesete. “Kay ganda po pala nireng inyong lugar lalo’t umaga ay kay bango-bango po ng halimuyak ng hardin ninyo!” "Ay salamat po kung gay on at napakamaalaga po pala ng aming hardinero. Kilala nyo ba si Pablo na aming hardinero? sya ang napangasawa ni Loring na aming kasambahay..." hinanda ni Aling Celeste ang mga kape at tasa para sa bisita "Pablo! halina kayo't mag-almusal…" tumayo si Pablo at nakisabay sa almusal nila... " …at sinong babae po yung kahalikan ng anak ko?" tanong ni Aling Celeste. "Si Maryam po!" "Ha?" gulat na reaksyon ni Celeste "sinong Maryam?" "Aling Celeste sya po ay ang nobya ho ng anak nyo..." "sya po ang anak ni Aling Pacita yung nagtitinda ng gulay sa bayan…?" "ganoon ba? Kila Maryam ang mga halaman na ‘yan? Itinanim ng batang ‘yon ang mga halaman at mababangong rosas sa hardin ko nung nasa states pa kami… hindi nyo kase alam sya ay kababata ni Hunio..." nagkatinginan ang mga nakikiusyosong kapitbahay “ah, gayon puba? Maayos naman po pala kung gayon?” Nakapameywang si Aling Celeste “Opo! Si Hunio na anak ko at si Maryam ay magkaibigan…” pagdiin ni Aling Celeste. Pagkaraan pa ng ilang araw ng may mga kapitbahay na namasyal kila Hunio ay tila nagtataka naman si Aling Celeste kung bakit di pa nauwi si Hunio. Kinaumagahan nakaupo sa isang sanga ng puno nila Maryam si Hunio hayahay nanaman ang buhay ng binata. "Hunio umuwi ka nga!" sigaw ng ama ni Hunio sa kanya sa harap ng bahay nila Maryam na may kasamang kapitbahay. "halika!!" sigaw na sugod ng mga magulang ni Hunio na katabi ang mga kapitbahay. "ilang araw ka ng hindi umuuwi!? what's going on with you?" parang batang pinapagalitan. "Dad! bakit nandito lang naman ako kila tita Pacita ah? she's like mom…" "Dad, Mom please come with me here..." kumakaway nyang tawag nya sa mga magulang... "No! hindi pwede di tayo pwede makipagfriend sa mahihirap na'yan!" sigaw ni Aling Celeste sa anak na tila nag-I iskandalong sa harap ng bahay nila Maryam. “Kayo po bahala…” sabay nahilata sa duyan di pinansin ang mga magulang sa harap ng bakuran nila Maryam. "Oh, Hunio, heto breakfast mo.." abot ni Aling Pacita sa pagkain ng binata..." tita, si mom at dad..." "magandang araw po nandyan po pala kayo?" bati ni Aling Pacita. "Mr. Kline ano pong biglaan ay napasyal kayo?" nakangiting sabi ni Aling Pacita... "kinukunsinti mo ba anak mo!?" sabi ni Aling Celeste na nasa harap pa rin ng bahay nila Maryam. "ano hong ibig nyo sabihin?” "syanga naman Aling Pacita..." "Gusto nyo pu bang tumuloy muna sa aming munting tahanan ng tayo ay makapag-usap hindi ko po kase maintindihan…" "Pacita matagal ko ng sinabihan ang anak mo na wag mag-aambisyon na makatuluyan ang anak ko!" Lumabas si Maryam may sasabihin lang sana ng bigla naman ay dumating ang kapitan ng kanilang barangay. "magandang araw po Mrs. Kline may kaguluhan pu ba dito?" tanong ng kapitan "wala naman ho, pinauuwi ko lamang ang anak ko dahil isang lingo na ay di pa po sya nauwi..." nakataas kilay na sabi ni Aling Celeste. "Hunio kakabakasyon mo lang dito anak umuwi na tayo!" sabi ni Aling Celeste "Mom! I don’t understand what is going on here?" "bakit po ninyo tinawag si Kapitan wala naman po kaming ginagawang masama?" nagtatakang sabi ni Aling Pacita... "sandali po lamang Misis tayo po ay maari naman pumasok muna sa bahay ni Aling Pacita ng magkaliwanagan…" walang nagawa ang mag-asawa kundi ang pumasok sa bahay nila Maryam. Naupo sila sa sala at tila relaks na sumandal sa kanilang balkunahe nagandahan ang Amerkano sa bahay nila Maryam. Nagtathumbs up pa ito dahil sa maaliwalas na paligid. “tumayo ka nga dyan Hunio…” pinaalis ni Mr. Kline ang anak sa duyan. Madami ang nakasunod sa kanila nakikiusyoso palibhasa ay may Amerikano "Tutuo ba ang balita? ang kwento ng mga taga Barangay Mahusay? na ginalaw mo itong si Maryam?" sabi ng kanilang kapitbahay. "Ang tutuo po kase nyan…" sagot ni Maryam ‘gusto sana sabihin ni Maryam na naaksidente si Hunio nabugbog sa basketball. Pero hindi sya pinagsalita. "Mr. Kline kailangan pa ba itanong yan?" sabad ng kapitbahay na tila nanggugulantang... "nahuli na nga eh, may nangyari na! ibig sabihin may nanalo na! hay kayo talaga oo, palibahasa iba ang kultura ninyo sa Amerika hindi nyo kase naiintindihan ang pagiging dalagang Filipina… hindi porket mahirap ang dalaga naming ay hindi na namin kayo mapagsisilbihan…" Napapahiya naman ang tatay ni Hunio pero hindi makaimik si Aling Celeste... "pero teka.." sabad ni Aling Celeste tutol sana nya.. "Oh, paano na yan anak! mag-aasawa kana? dapat kase di mo agad pinasok si Maryam ni hindi ka man lang daw kumakatok sa kanilang bahay? “Ano na ba 'tong problemang pinapasok mo anak? Hunio sumagot ka!?" nahahighblood na ang Mama ni Hunio. “Halika nga rito muna?!” Naglakad silang mag-ama sa likuran ng bahay nila Maryam. Pero nakathumbs up pa rin si Mr. Kline "your house is cool!" tumayo ang matanda kaya ang mga kapit bahay ay nabubulungan. Maski din pala ang ama nya ay may hitsura... "Sa matanda na lang ako! mas madaming pera yun!" ang sabi ng isang chismosa "ilang taon na kaya yung tatay?" "ssshhh! marinig kayo ni Aling Celeste..." "Hunio, heto ang tanong ko ay ganito kaya mo bang panindigan ang dalaga namin?" sabi ng kanilang Kapitan… "Oo, naman po ppe-ro?" nagdadalawang isip si Hunio parang may mali?" "Kung gayon tapos na ang usapan mag-ayos na tayo ng mga dapat ayusin... kung tatanggi ka pa baka makasuhan ka! ikaw rin!" madami pa rin ang nagbubulungan… "tiyo, matalik po kaming magkaibigan ni Hunio!" "Oh, kita mo na? nagtalik! tatanggi ka pa ba?" sabay maingay ang bulungan ng mga nagsisipag-usyosong mga kapitbahay… Pakiramdam ng pamilya ni Hunio ng araw na iyon nagtake advantage sila Maryam hindi kase sila gaanong nakakaintindi ng tagalog. Ni hindi nakapalag si Aling Celeste sa asawa lang naman sya nakasunod. "Sige! mga kapitbahay nagkasundo na ang magkabilang panig si Hunio at Maryam ay engage na! palakpakan po natin sila." Sabi ng kanila Tserman. "Saglit lang Mr. Kline baka may state side kang jacket dyan pasalubong naman? Hehe..." "tiyo wag na po muna ngayon! nakakahiya po sa kanila..." sabi ni Maryam. "Biro ko lang 'yon iha hindi naman tayo gaanong ganid dyan eh, sinubukan ko lang…" bulungan nila. "sige na… relax ka lang dyan!" sabay kindat pero lingid sa kaalaman nila nakatingin lang si Aling Celeste kay Maryam at si Aling Pacita man ay di makapakali... "Oh, Aling Celeste heto napo ang listahan ng mga magagastos sa kasalan may catering naman po kami hihingi lamang kami ng permiso sa Donya ng bayang ito…" "Pacita halika nga dito!?" tawag ni Aling Celeste sumenyas pagtawag sa nalilitong si Aling Pacita humakbang ito patabi sa kanila... "pag-usapan natin isusuot natin sa kasal ng mga anak natin alam mo naman na once in a lifetime lang ang kasal diba Kapitan!?" "Oo, naman po Aling Pacita tutal mayaman si Aling Celeste malamang ay sya ang gagastos ng para sa'yo hehe..." nakangiting sabi ng kapitan. "…at Siguradong masaya ang kasalang ito..." sabi ng tserman. Pagkaraan ng isang lingo naganap ang biglaan at maagang kasalan nina Hunio at Maryam. Simpleng seremonya sapagkat ang naturang kasal ay pila-pila ito ay ang kasalang bayan. Ang kasalan ay parang graduation day may mahabang lamesa sa entablado at upuan para sa punong rehistrado may banda sa isang sulok at may MC. Lahat ay may kanya kanyang trahe na suot nakaharap sa mga rehistrado. Walang singsing sila Maryam at Hunio nakalimutan nila bumili wala din naman silang ibibili... "’Di palang kase unahin ang kiss the bride! hay nakakainip!" reklamo ni Hnagsipunio. “Ang init!” reklamo ng mga nakatayo sa likuran ang mga ilang sponsor at mga magulang na panay ang paypay… "mainit! natutunaw na ang make up ko!" sabi ng ilan. Kaya naman bigla nilang sinindihan ang mga electricfan sa court nagsipag liparan mga damit at ibang gamit ng mga abay at sponsor sa kasalang bayan. May mga ilang nakakatawang pangyayari kamuntikan pang hindi matuloy ang kasal dahil halos lahat ng opisyal sa Munisipyo ay matatanda na nakakayamot at nakakaantok ang malumanay nilang kasalan mainit pa ang panahon. Nariyan ang kanilang kapitan bilang ninong mga magulang ni Hunio, Nanay ni Maryam ang mga sekretarya ng Munisipyo at ang Registrado nag-assist sa kanilang kasalan. Di man sya ganon kasaya tulad ng kanyang pangarap na hindi na matutupad ang magpakasal sa simbahan. Sa kasalang iyon ay napakasimple syempre imbitado ang mga kapitbahay. May handaan na sobrang madaming handa din na bahagi ang kanilang buong barangay. Maraming pagkain at inumin dahil bukod sa mga sponsor ng ama ni Hunio ay may dumating din na sponsor galing kay Lucresia ang pinsan ni Maryam pabonggahan ang kanilang handa. Ang pinakamababa nilang regalo ay isang case ng alak. Marami rami rin ang bisita na tila hindi mauubos ang handaan. Maraming umiiyak ang para kay Hunio at si Maryam ay pinaglalasingan na ng kanyang mga tiyo. Dumating ang mga pinsan ni Hunio na nagbabakasyon. Napakasimple ng kanyang suot sa sapilitang kasalan basta nakadamit puti lang. Sinuwerteng Hunio nagsasamantala umiiyak na si Maryam dahil mag-aasawa na sya ng biglaan? "kumalma ka anak wag ka na mag-alala anak kase kami ang bahala sa'yo." at walang ibang reaksyon si Hunio kundi tuwang-tuwa.. "ikaw naman mahal ko ako lang 'to wag kang umiyak…" "tumigil ka nga bakit naman ako matutuwa!? Huhuhu…" nag-iba tuloy ang tingin ni Maryam kay Hunio pakiramdam ni Maryam na tila sya ang nahulog sa sarili nyang paglalaro. Pero sa loob nya ay maligaya sya... Walang nagawa si Maryam kundi tulungan na lang ang kaibigan at isa pa ayaw na nya ng mahabang diskusyon. Di na rin niya maisip na tila ba isang trap ang pangyayaring kanyang kinalalagyan ngayon. Wala man syang alam inuunawa na lang ni Maryam ang kanilang pagkakaibigan at ang lahat ng iyon ay pagpapanggap lang... Ang kanilang kasalan ay tutuo lahat naman ng proseso ay nayari ng maayos yun nga lamang ay mabilisan na kung may tutol man sa kasalan na iyon ay maaring wala. Kaya naman medyo nakahinga na sila ng maluwag ng matapos ang mahabang oras at mga araw ng kanilang kasal at opisyal na legal sya ay kasal sa isang Amerikano. Naroon sa pagdaramdam ni Maryam na hindi naman sya interesado sa ganoon basta magkaibigan sila ni Hunio at sapat na iyon. Kung anumang antas sa buhay ni Hunio ay sapat na pero hindi pala dun magtatapos sapagkat sila ay mag asawa na.. Isang umaga naabutan ni Hunio si Maryam na nakahiga pa rin sa kanyang higaan. Binuksan ni Hunio ang aparador. Sinusundo na nya si Maryam para umuwi binuksan ang aparador inayos ang mga damit… "Maryam gising na…" tapik nya sa braso ni Maryam. Pero ayaw gumising ng dalaga "Maryam!" "tanghali na ano kaba!?" sabi ni Hunio na nagaayos ng damit "oo, ano bang paki ko?!" ungol nya habang nakapikit pa... Kinakailangan ni Hunio ng kanyang pagsisilbi bukod pa don ay kailangan nyang ipagluto, ipaglaba at pagsilbihan ng buong buo ang binata na ngayon ay kanya ng asawa... "Gisengggg! hoy!" gising ni Hunio kay Maryam "bakit ba san ba tayo pupunta!!?" nakangiti pero nakapikit pero tumagilid sya sa pagkakahiga naalala nya may asawa na pala sya. Idinikit ni Hunio ang nguso sa tenga saka bumulong si Hunio sa tenga ni Hunio "iuwi nakita!" biglang napabangon si Maryam na tila naalimpungatan. "Huh!? ayoko!" sigaw ni Maryam nakita ang bag na puno ng damit. Hinila nya ito pero nahablot din ni Hunio ang bag "kailangan kase kita" sabi ni Hunio bukod pa doon ay kailangan nyang ipagluto, ipaglaba at pagsilbihan ng buong buo ang binata na ngayon ay kanya ng asawa... "bakit? hindi mo ba kaya? mag-isa ano ba yan!? matanda ka na Hunio kaya mo na yan!" sabi ni Maryam. "o, bakit ano ba ako? akala ko ba mahal mo ako" sabi ni Hunio "bakit tinanong mo ba kung mahal kita? Saka hindi naman sa ganun hindi pa kase ako handa!" "ayoko!" muli nyang tanggi na sabi ni Maryam at gusto humiga… "ayoko nga sabi! eh…" hila nya ng malakas hanggang sa tuluyang masira ang bag "grabe! hindi pala matibay ang bag mo!?" nag-aalala ng maagaw ang bag kaya niyakap ni Hunio ang dalaga "sorry…" sabi nya sa dalaga at sabay tumatawa silang dalawa... "palitan mo yung nasira kong bag!" bulong ni Maryam "pero kailan? kelan ka nga uuwi sa amin?!! umuwi kana!? magtatrabaho na ako..." malumanay na bulong ni Hunio. "natatakot kaba ke Mommy?" tanong uli ni Hunio "hindi, ah!" "pero sige ganito... dito na lang dito nalang ako sa tabi mo…" sabi ni Hunio pagkatapos nun ay kumalas sya sa pagkakayakap "hay ang sarap mo pala yakapin…"sabi ni Hunio "Hah!? ano ibig mong sabihin first time?" nakangiting sabi ni Hunio. Nagtataka naman ng makita ni Aling Celeste nakatayo naman si Aling Celeste na katatapos sa pagwawalis ng kanilang bakuran. Nakita niyang lumabas si Hunio ng kwarto nila... Pumasok si Aling Pacita sa bahay "heto anak payong magulang lang anak tinutupad na ni Hunio ang tungkulin nya sa'yo. Nagpakasal na kayo ibig sabihin ay magsasama na kayo! sa iisang bubong!" masayang sabi ni Aling Pacita "Nay, hindi! po! ayoko po dun!" nakangusong sagot nya sa kanyang nanay "hayaan nyo lang po sya sa bahay nila..." "anak sana inisip mo ang gulo na pinasok mo bago ka nagbalak na magpakasal? hindi mo na ito mababawi kahit ano pang gawin mo tanggap ka nya maski na mahirap tayo..." tanging pagbuntong hininga lamang ang sagot ni Maryam. "...kailangan mo ng tumira sa kanila anak!" pagpupumilit ni Aling Pacita... Kinatanghalian pagkagaling ay humahangos na umuwi si Hunyo sa kanilang bahay kinuha niya ang isang bag para mag-empake. Naisip nya na ang paglipiat sa tahanan ng napangasawa ay mas makabubuti. "anak anong ginagawa mo?" tanong ni Aling Celeste sa kwarto ng makita ang anak "saan ka pupunta?" "Mom, don't you remember I am already married I have to live and stay with my wife…" sagot ng binata habang naglalagay ng mga damit sa isang bag… "Wife?!" nakakunot noong sabi ni Aling Celeste nabigla sa narinig... "No! kalokohan you are still young anak! you don't know what's the meaning of being married." "Yeah! I must go, and stay wherever my wife is... "don't you dare to go I warn you!" "Why? Mommy? please any problem with that...?" nagtatakang tanong ni Hunio "No! anak I won't allow you to do this bakit ka uuwi doon eh, ikaw ang lalaki baka underin ka lang ng mahirap na yun!??" "mommyy! could you stop saying mahirap!! mahal ko si Maryam kahit anong status nya sa buhay…" "Celeste wag mo ng pigilan ang anak mo he is already married let him decide what he want to do..." "Mommy I can't live without my wife… don't you dare to go I warn you! Ang tigas talaga ng ulo mo!!" “...go ahead! umalis ka! tignan natin kung hanggang kelan ka sa babae na yan! sige tumira ka don! pero wala kang x sa'kin!" "Mommy please let me go...!" Simula ng paglayo ni Hunio sa kanyang pamilya ay palagian naman ang pagbisita ni Celeste sa bahay nila Maryam. Noon ay hindi pa ito nagsisimulang tugunan ni Maryam ang pagiging asawa niya nang biglaan naman ay nakahiligan naman ni Celeste ang bumisita sa bahay ng manugang. Iniisip naman ng kanyang byenan na maaring puntahan ang anak nagdadala ito ng mga pagkain. May mga oras na bumibisita ang byenan ni Maryam sa bahay nila para turuan ang manugang. Pagturo nga kaya ito? kada bisita niya ay may nasasabi ito sa pagluluto nito. "sa tutuo lang Maryam hindi panaman ako nasisiraan ng ulo para magpunta dito para maging malapit tayo. Naaawa lang ako sa anak ko please naman Maryam alagaan mo si Hunio sa tutuo lang hindi kita gusto!" eksaheradong sabi ni Aling Celeste. Hindi kumikibo si Maryam sa pero anupa mga iyon ay inuunawa na lamang nya na ayaw talaga sya ng byenan na alam nyang napakaaga para iwanan ito ng anak... “Hindi ko naman maikakaila na napakaganda mo kaya nagustuhan ka ng anak ko.” "sinabi naba sa'yo ng anak ko na malapit na kaming umalis?" "tama ba narinig ko Mommy?!" "Oh, anak nandyan ka pala?" patay malisya nyang sabi ng makita ang anak. “anak hindi kase kita kayang tiisin ayaw kong makita na nahihirapan ka…” hinawakan ni Aling Celeste ang kamay ng anak. “anak, pwede bang umuwi ka na lang? I’m sorry pangako hindi na akoi makikipagtalo sa’yo." Pagmamakaawa na sabi ni Celeste habang natagpuan ni Hunio na silang dalawa ang nagluluto. "Mom, please leave us alone lalong napripressure ang asawa ko…"kaya naman pala hindi magustuhan ang pagkain kase putahe ni Celeste ang niluluto… "Anak look at you ang payat mo na… do you still eat? I miss you anak I miss our time together nung bata kapa please anak! umuwi ka na miss ka na namin ng Daddy mo. Anak heto ang pera. Alam kong hindi nakakahawak ng ganyan kalaki si Maryam…" abot sa kamay ni Hunio. "No, Mom I don't need this… I am so much content mommy please I love my wife… trust me mommy nag-uumpisa pa lang kami Maryam and I are so much happy…” akbay niya kay Maryam. “saka baka san nanaman ba galing ang pera na..." pakiusap ni Hunyo sa ina nya hinawakan nyang muli ang kamay ni Celeste sabay sauli sa pera... "Anak, please I know you are already married but I am still your mom please comeback son I promise magbabago ako...” “Mom, please… nadyan naman si Dad…” pinigil ni Maryam ang kamay ng asawa. Punas punas ni Aling Celeste ang luha “ok, kung ayaw mo it’s okay besides napakalapit lang naman ng bahay nyo I can still visit you right Maryam? saka anak your just 19 lalo pa at wala ang daddy mo ngayon… I will help your wife. “ “Mommy don’t think that mag-iisa ka we are still here don’t worry...” naawa si Hunio sa Mama nya. Hindi tumigil si Celeste pinadadalhan nila ng mga pagkain si Hunio hindi daw sila tiwala sa pagkaing mahihirap… ‘eh, kaya naman pala wala pala ang ama ni Hunio kaya nagwawala nanaman si Maddame…’ maddame ang tawag ni Maryam sa babaeng byenan kase sabi nito ay di sya tanggap na maging manugang. Kaya naman lalong nagagalit si Maryam sa panlalait sa kanya ng byenan... Simula naman ng sila ay ikinasal tuluyan ng tumira si Hunyo sa Baryo Mahusay. Gusto nya bumarkada subalit pinagbibigyan na lamang ito ni Maryam Isang araw habang sa sya ay naimbitahan sa inuman "Brad! wag ka sana magagalit ha matanong lang kita ng personal. Naghoneymoon na ba kayo ng Misis mo?" tanong ng kainuman ni Hunio. "Oo, naman brad!" natatawang pagsabi nya "Brad may aaminin sana ako sa'yo... sana ay wag ka magagalit" "ano yun brad? ako kase yung bumato sa bahay nyo nung gabing lumabas na may ginawa kayong Milagros..." "Ah, wala yun brad nangyari na eh, kasal na kami..." "ibig mong sabihin brad doon palang may nangyari na sa inyo?" "hahaha... cheers brad!" paiwas nyang sabi "Salamat brad..." "Congrats!" "wala ‘yon brad! inuman na tayo! nagkakantahan sila ang saya saya ni Hunyo... Naiilang si Hunio sa mga personal na tanong ng kainuman… Dahil sa kasal na sila yun ay dahil lamang sa chismis at araw-araw pang lasing si Hunio natutong makibarkada. Masama ang loob sa di magkasundong asawa at ina...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD