KINABUKASAN ay nagpunta nga sina Hershelle at Edmark sa isang OB-Gyne. Nalaman nilang five weeks na ang bata sa sinapupunan niya. Hindi aware si Hershelle na buntis siya dahil thirty-six days ang normal menstrual cycle niya. Kaya hindi monthly na dumarating ang menstruation niya. May mga buwan na wala siyang menstruation kaya akala niya ay normal lang na hindi siya dinatnan noong nakaraang buwan. Nakalimutan niyang magdadalawang buwan na pala siyang walang menstruation. Niresetahan siya ng mga vitamins at pinayuhan siyang uminom ng gatas at kumain ng mga gulay at prutas. Pinayuhan din siya na kung makararanas siyang pagsusuka, pagkahilo, at cravings ay normal lang daw iyon sa mga naglilihi. Kaya wala siyang dapat na ipag-alala. Nang sumunod na mga araw ay maayos naman ang lahat. Nagin

