PABABA ng hagdan si Hershelle nang masalubong niya si Nanay Anita. "Magandang umaga po, 'Nay," nakangiting bati niya rito. "Magandang umaga rin sa iyo, iha," tugon ng matanda. "Kakain ka na ba?' "Opo,'Nay. Si Edmark po nakita ninyo?" "Nandoon siya sa garden. Inaasikaso niya iyong kanyang bisita." Kumunot ang noo ni Hershelle. "May bisita po siya?" "Oo, iha. Iyong bestfriend ng asawa mo ay naisipang dumalaw dito." "Sino po ang bestfriend na iyon ni Edmark?" interesado niyang tanong. Nakarating na sila sa dining room. Naabutan niyang may nakahanda ng pagkain sa mesa. "Si Raiden iyon, iha." Tumango-tango si Heshelle. "Ako lang po ba ang kakain, 'Nay? Hindi po ba sasabay sa akin sina Edmark?" Umiling ang matanda. "Hindi, iha. Naghatid na ako ng pagkain nila kanina pa. Kaya ikaw na

