“SORRY kung kailangan kong ipagawa iyon sa iyo. Kapag ginagalit mo kasi ako ay lumalabas ang demonyng itinatago ko sa loob ng aking katawan. Kaya nga ayokong nagagalit dahil nadedemonyo ako lagi,” ani Edmark nang abutan siya nito ng towel pagkatapos niyang magsepilyo. Hindi na nagsalita si Hershelle. Pagkatapos punasan ang kanyang mukha ay inabot niya pabalik kay Edmark ang tuwalya saka nilagpasan niya ito. Dumiretso siya sa receiving area at naupo roon. “Galit ka?” tanong ni Edmark nang sundan siya nito. Hindi pa rin umimik si Hershelle. Umiwas pa nga siya ng tingin sa kanyang asawa. Umupo si Edmark sa tabi niya. Napaisod naman sa kabilang gilid si Hershelle. Halatang umiiwas siya. “Kung galit ka, galit din ako. Pareho lang tayo ng nararamdaman.” Nilingon ni Hershelle si Edmark sa

