PRESENT TIME “ARE YOU sure, you want to go through this? Puwede ka pang mag-back out. Kakausapin ko si Edgardo na huwag na lang ituloy,” wika ng daddy ni Hershelle. Napangiwi ang dalaga. “Dad, I’m sure of this. Nakapagdesisyon na akong tutulungan kita. Hayaan na ninyo ako. I’ll be okay,” may kumpiyansang sabi ni Hershelle. Bagaman may alinlangan sa puso niya, wala na siyang balak umatras. Nandito na siya kaya wala nang atrasan. Ilang oras na lang ay magiging legal na siyang Mrs. De Castro. Kung naiba lang siguro ang sitwasyon, matutuwa siya na maging legal na asawa ni Edmark. But they were marrying for different reasons. Magpapakasal siya rito para matulungan ang daddy niya at makaganti rin sa panloloko ni Edmark sa kanya noon. Kung tutuusin ay wala na siyang dahilan para gumanti pa.

