“WOW! ANG ganda natin, ah!” bati ni Rosaline kay Hershelle nang sunduin siya nito sa bahay nila ng gabing iyon. JS Prom sa Saint Andrew ngayong gabi. Kakaunti lang ang bilang ng mga juniors at seniors kaya pinayagan ang mga sophomore na sumali basta ang kanilang escort o kasama ay manggagaling sa mga upper classmen. Ginaganap ito taon-taon sa mismong gym ng eskuwelahan. Pero ngayong taong ito ay gaganapin ito sa grand ballroom ng Glorious Hotel. Kasali si Rosaline dahil ito ang partner ng pinsan nitong nasa third year. Samantalang siya naman ay partner ni Edmark. Noong malaman nitong kasali sila sa prom ay halos lumundag ito sa tuwa. Ayaw sana niyang um-attend dahil wala siyang pang-renta ng gown. Pero ang sabi ng nobyo niya ay ito na raw ang bahala basta um-attend lang siya. Kahapon ay d

