SIMULA ng araw na iyon hindi na nagawang iwasan pa ni Hershelle si Edmark. Tuwing umaga na papasok siya ay inaabangan na siya nito sa gate pa lang. Pagkatapos ay sinasabayan siya nito hanggang makapasok siya ng kuwarto nila. Pagdating ng recess ay pinapadalhan siya nito ng pagkain. Ganoon din ang ginagawa nito sa oras ng tanghalian. Kaya tuloy sobra-sobra ang pagkain niya dahil may dala pa siyang baon. Kapag oras na rin ng uwian ay naghihintay na ito sa kanya sa waiting shed. Pero kahit anong pilit nito na ihatid siya sa bahay nila ay tinatanggihan niya. Natatakot kasi siyang mapagalitan ng mommy niya kapag nalaman nitong nag-e-entertain siya ng manliligaw. Kahit nga ang ibinibigay ni Edmark na chocolate sa kanya ay sa school na niya kinakain sa takot na sitahin siya ng mommy niya kap

