KALALABAS lang nina Hershelle ng hapon na iyon nang biglang tumunog ang cellphone ni Rosaline. Agad na sinagot ito ng kaibigan niya. Habang nakikipag-usap sa phone si Rosaline ay inaayos naman ni Hershelle ang laman ng kanyang backpack. Nang matapos makipag-usap ang kaibigan niya ay bigla na lang siya nitong hinila. “Uwi na tayo. Kanina pa raw iyong sundo ko sa labas. May family affair kasi sa bahay ngayon,” wika nito habang naglalakad nang mabilis. “Okay. Pero puwede ba bitiwan mo ang kamay ko. Nahihirapan akong maglakad dahil sa iyo. Kung gusto mo ay mauna ka na,” sabi niya rito. Hindi niya masabayan ang kaibigan sa bilis nitong maglakad, kulang na lang ay tumakbo ito. “Sigurado ka ba diyan?” nag-aalangang tanong nito. Napangiti si Hershelle. “Oo naman. Mauna ka na. Baka mainip iy

