“ROSALINE, halika, dali!” Halos hilain ni Hershelle ang kamay ng kaibigan sa sobrang excitement. “Aray! Ano ka ba naman!” Napasigaw si Rosaline dahil bigla niya itong hinila. Agad na binitiwan ni Hershelle ang kamay ng kaibigan. “Ay! Sorry! Excited lang kasi ako.” Napakunot ng noo si Rosaline. “Excited saan?” Sa halip na sumagot, binuksan ni Hershelle ang backpack niya at ipinakita ang laman nito sa kaibigan. “Wow! May Toblerone ka! Saan galing iyan?” Isinara muna ni Hershelle ang backpack bago ito isinukbit sa balikat. “May nagbigay sa akin,” sagot niya. “Sino?” Napangiti si Hershelle. May biglang pumasok na ideya sa isip niya. “Hulaan mo kung sino. Kapag nahulaan mo, hati tayo sa chocolate. Pero kapag mali ang hula mo, one fourth lang ang ibibigay ko sa iyo. Tutal sa akin naman

