Chapter 28 - Adventure

2312 Words

“O, BAKIT ganyan ang mukha mo? Umagang-umaga pa lang ay nakasimangot ka na,” puna ni Edmark nang balikan nito si Hershelle sa kanilang kuwarto. Nakasimangot na tumayo si Hershelle mula sa kama. Nilapitan nito si Edmark sabay hampas ng malakas sa dibdib ng kanyang asawa. “Ouch! Ano bang kasalanan ko at nananakit ka, ha?” usisa ni Edmark habang nakahawak sa dibdib nito. “Nakakainis ka! Pinuyat mo kasi ako kagabi kaya late akong nagising. Ang taas na ng araw. Paano pa ako magsu-swimming ngayon?” Inirapan ni Hershelle si Edmark habang nakahalukipkip siya. Inakbayan ni Edmark si Hershelle. “Sorry, Hazed. Puwede ka pa namang mag-swimming pagkatapos nating kumain. Tapos mag-jet ski tayo o kayak mamayang hapon.” “Ano? Magsu-swimming ako ngayong oras na ito? Hindi kaya ako ma-sunburn? Kawawa n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD