CHAPTER 1 - "FIRST SIGHT"
GRAESON JACE
Narito ako Sa Baguio Kung saan nag co cover ako para sa Panagbenga Festival.
Bago ako pumunta sa lugar kung saan gaganapin ang nasabing Festival ay nagtungo muna ako sa taniman ng mga Bulaklak. Tama ang dating ko dahil talagang namumukadkad ang mga Bulaklak, napakaganda nilang pagmasdan, Sigurado akong Matutuwa si Heather kapag nakita nya ang mga fresh flowers na ito. Panay ang capture ko sa mga Bulaklak, buti na lamang at Konti lamang ang tao, Parang may isang Family lang na namimitas at nag papa picture din sa nag gagandahang mga Bulaklak.
Habang kumukuha ako ng larawan nakita ko ang isang babae na naglagay ng bulaklak sa kanyang tainga, saka nya itinuloy ang pag pitas habang medyo nasisilaw sa araw.
Hindi ko pinalipas ang view at ang pose ng babae kaya Kinuhanan ko ito ng Larawan.
Nag sho shots pa ako ng tawagin ako ng kaibigan kong si Mackie.
"Graeson...Graeson.!" Hinihingal na takbo nya.
"Oh bakit Mackie? May problema ba?" Tanong ko rito.
"Grae, kanina pa tumutunog itong phone mo, sinagot ko na, Tumatawag si Tita Evren, Si Heather daw sinugod sa Hospital."
Hinihingal na wika ni Mackie. Pagkarinig ko noon ay tila para akong binuhusan ng kung ano, Saka lamang ako parang natauhan.
"Mackie, ikaw na ang mag take over ng shoot, Kailangan kong bumalik ng Manila, kailangan ako ni Heather." Saad ko dito saka dali daling umalis, Sa sobrang bilis ko ay nabunggo ko pa ang isang Babae sa Taniman ng Bulaklak.
"I'm sorry Miss, Di ko sinasadya, nagmamadali ako," Paumanhin ko sa babaeng aking nabangga na hindi ko na hinintay na magsalita pa.
Habang tinatahak ko ang daan patungo sa Manila ay abot abot ang kaba ko, Sari sari ang nasa isip ko.
"Babe, No...Wag...Di ko kakayanin." Bulong ko sa loob ng sasakyan kahit ako lang naman ang nakakarinig.
"Lord please...Hwag nyo pong kunin si Heather sa akin, Mahal na Mahal ko po sya." Usal ko sa taas sabay ng pagbagsak ng Aking luha.
Hindi ko na alam kung ilang oras ang ginugol ko para makarating ng Maynila. Agad ko namang natunton ang Kwarto kung saan naka admit si Heather.
"Babe...Babe...are you Okay? Kumusta ka na? Andito na ako babe." Wika ko rito, naabutan ko kasi syang gising.
"Babe, Bakit andito ka?. Di ba dapat nasa bBaguio ka?..ba..bakit ka umuwi?, Paano ang shoot? Ang tagal mo hinintay ng Festival na to Babe." Saad nya na nakangiti ngunit ramdam ko na may masakit sa kanya.
"Syempre Babe, Mas importante ka sa akin, Hinabilin ko na lamang kaY Mackie ang mga scene na dapat nyang kunan."
"Pero Babe, dapat di kana umuwi, ayoko na ma missed mo ang event ng dahil sa akin. Alam ko kung gaano mo to pinaghandaan, i know kung gaano ka ka pursige na ilaban ang shoot mo para sa competition." Anya ni Heather na parang maiiyak.
"Babe, marami pa namang competition, maaring sa ibang event na lang ako sasali, basta ang importante, kasama kita." Kaya magpagaling ka ha, Gusto ko sa susunod na event ko, kasama ka na, Gusto ko tayong dalawa." Anya ko sa kanya saka hinaplos ang kanyang buhok.
"Thank you Babe, Napaka swerte ko dahil Ikaw ang Boyfriend ko, Wala na akong hihilingin pa. I'm sure na proud si Tita Evren at Tito Yohan, Hindi lang basta lalaki ang napalaki nila." Anya nya pa sa akin.
"Hmm..Ako din sobrang blessed ako dahil ikaw ang GF ko, Kaya magpagaling ka Babe, Palagi kitang Mahal." Saad ko dito saka sya hinalikan sa noo."
Pagkatapos noon ay nagpahinga na sya.
Nang makatulog sya ay tumayo ako sakto naman na dumating Si Tita Guada at Tito Hernan, kita ko sa mga mukha nila ang lungkot.
"Grae, narito ka na pala, pasensya ka na, ayaw ipaalam ni Heather sayo, dahil nasa event ka daw, kaya lang gusto namin ng Tito mo na narito ka. Bale sumalang ulit si Heather sa Test at....At nalaman na namin ang result." Naiiyak na wika ni Tita Guada.
"A..ano pong resulta Tita?" Nauutal kong tanong.
"Grae, Mas lumala ang sakit sa Puso ni Heather kailangan nya na Sumalang sa isang Operasyon."
"How about Survival Rate Tita, Okay naman na sya after Operahan? Tanong ko pa rito.
"Yun pa ang I Oobserve sabi ng Doctor, pero sabi naman nila sa tingin nila ay nasa 80% nag sigurado na magiging Ok si Heather after operation, kaya nag decide kami ng Tito mo na once na ready na ang katawan at kalusugan ni Heather ay ipapa sched na namin ang operation."
"Kayo po ang bahala Tita, basta po para sa ikabubuti ni Heather, doon po ako."
"Salamat Graeson, Salamat dahil nariyan ka para sa anak namin."
"Wala pong ano man Tito, Tita, Alam nyo po kung gaano ko kamahal ang anak ninyo." Anya ko naman sa mga magulang nito.
Nagkakilala kami ni Heather 2 years ago sa isang Youth Camp. Active kasi ako sa mga ganitong event. Simula ng Camp na yon ay doon kami nagkakilala hangang sa after ng camp ay di nawala ang connection namim hangang sa manligaw ako sa kanya. 2 taon na kaming magkaibigan at Isang taon naman kami bilang Mag Nobyo at Nobya.
Only Child si Heather, Mabait din ang Mga magulang nya, at Legal kami pareho sa Pamilya ng bawat isa.
Pumupunta ako sa kanila, at ganon din naman sya sa amin, pinapupunta ko rin sya, lalo na kapag may mga Fam gathering at kapag birthday ng mga anak ni Ate Yohanna ay naroon rin sya.
Habang naka Confine si Heather sa hospital ay naroroon rin ako at nagbabantay sa kanya. Umuuwi lamamg ako sa bahay namin sa Cavite para magpalit.
Nag paalam muna ako kina Tita Na uywi saglit para makapag bihis, ngunit sabi ni Tita ay pwede rin naman akong umuwi para makapag pahinga, kahit bukas na lamang daw ako bumalik, Ganon na lamang nga ang ginawa ko. Nagbilin na lamang ako na tawagan ako kung may problema.
Matapos kong maligo ay di agad ako makatulog kaya ninais kong maupo muna sa may terraza ng aming bahay.
Nagitla pa ako ng yumakap mula sa likod ko Si Mama.
"Anak, Malayo yata ang iniisip ng Binata ko, Alas onse na ngunit di kapa nagpapahinga." Anya nito sa akin.
"Mommy, nagpapahangin lang po ako sandali,kayo po? Bat gising pa po kayo?" Balik na tanong ko kay Mommy.
"Hmm..naramdaman ko kasi na tila may dinadala ka,kaya minabuti kong kausapin ka muna anak, kumusta na si Heather?
Tanong ni Mommy sa akin, ngunit isang hinangang malalim ang binitawan ko bago ako sumagot.
"Ganon padin po Mom, Mas malala, Heather's need to undergo operation po Mommy, Sabi nila Tita Guada at Tito Hernan, palalakasin lang at ihahanda po ang kalusugan ni Heather then saka po mag undergo ng surgery."
"Hmm.. Ganon ba anak, wala kaming ibang dalangin kundi ang kaligtasan ni Heather anak, alam ko kung gaano mo sya kamahal. Kaya nasa likod mo lang kami anak."
"Thank you Mam, sa palaging suporta ninyo ni Daddy, Salamat po dahil kahit na malaki na kami ay palagi parin kayong nakaalalay sa amin."
"Wala iyon anak, alam mo naman kung gaano kami ka support sayo, pati sa propesyon mo, Natuto na Ang daddy mo sa pinagdaanan ng ate mo, kaya naitama na nya sayo hangang sa iba nyo pang mga kapatid." Dagdag pa ni Mommy.
Napaka blessed ko dahil may mga magulang ako na tulad ni Mommy at ni Daddy. Naka suporta sila sa akin.
Labis din silang nag aalala kay Heather, legal din kasi kami sa aming mga Pamilya.
Walang araw na pumapalya ako ng dalaw kay Heather. Palagi akong dumadalaw sa kanya sa Hospital, Minsan din ay ako ang nagbabantay sa kanya. Sa ilang taon naming magka relasyon ay masasabi ko na sya talaga ang babaeng mahal ko at gusto kong pakasalan balang araw.
Pero kapag naiisip ko na pwede syang mawala sa akin ano mang oras ay tila winawasak amg puso ko. Hindi ko maiwasan na palihim na lumuha.
"Babe...Babe.." hindi ko namalayan na tinatawag nya ako.
"Ye..yes babe, Bakit may kailangan or gusto ka ba?"tanong ko dito.
"Hmm .wala naman, parang natutulala ka kase hehe." Anya nya sa parang malumanay na paraan ngunit hirap magsalita, dama mo na may masakit na iniinda.
"Ah, hehe wala Baby naisip ko lang yung sa Baguio, kapag magaling ka na, dadalhin kita dun sa Flower fields na pinuntahan ko, ang ganda ganda."
"Talaga Babe? Sana nga mapuntahan ko pa ano? Sana gumaling pa ako."
"Oo naman, bakit hindi, kaya kailangan mo magpalakas nang sa ganon ay handa na ang katawan mo sa operation." Bilin ko sa kanya.
Halos ganon ang routine namin sa araw araw. Minsan ay di ko ma take lalo na kapag may kailangan gawin sa kanya at naririnig ko ang pag iyak nya, sobra akong naaawa.
Samantala isang araw ay nasa bahay ako at tinitingnan ang mga shoot na kuha namin ni Mackie sa Baguio. Hindi ko na pala ito nabibgyang pansin ng isang lingo dahil sa kaabalahan ko sa pagbabantay kay Heather. Inisa isa ko ang mga picture at natuwa naman ako sa mga resulta. Magaganda ang mga Kuha, hangang sa sumapit ako sa Dulo. Nakita ko ang larawan na nakuhanan ko, isang masayang Pamilya sa may fields at sa huli ay ang isang babae na masayang namimitas ng mga Bulaklak sa flower fields. Ibat iba na angulo ang nakuhanan ko, napangiti ako, hindi ko sya kilala at hindi din sadya ang pag picture ko sa kanya. Ngunit base sa larawan ay tila ba isa syang modelo na napakaganda ng bawat angulo. Napangiti na lamang ako dahil sa magagandang resulta ng larawan.
Samantala
3RD PERSON
"Ma, gusto ko po sana magpa alam sa inyo, Ang tagal ko na po kasi silang hinihintay. Gusto ko po kasi manood ng concert nila." Paalam ng dalaga sa kanyang Mama.
"Ha? Concert ng ano anak?
"Nung K-pop ko pong idol Mommy, minsan lang po kasi sila pupunta sa pilipinas Mommy, kaya gusto ko po sila mapanood, don't worry po Mom may naipon naman po ako para sa concert ticket." Paliwanag ng dalaga dito.
Isang malalim na buntong hininga naman Ang pinakawalan ni Tori bago magsalita.
"Hope Anak, Alam mo , syempre gusto ko naman sana na payagan ka, pero Anak iba na kasi ang panahon ngayon, mas pasama ng pasama. Hindi ko kakayanin kapag may nangyari na masama sayo. Saka gabi yan diba tapos sa Bulacan pa. I'm sorry Anak, kung hindi ako papayag. Ikaw lamang ang iniisip ko." Anya ni Tori saka nilapitan at hinawakan ang kamay ng anak.
"Ganon po Ba Mommy? Si..sige po. Nagbakasakali lang naman po ako na payagan po ninyo, pero kung hindi po kayo papayag, ayos lang po." Anya ni Hope saka bahagyang ngumiti. Kita mo ang pagngiti nya ngunit dama mo rin ang lungkot doon.
Hindi naman nagtatampo si Hope sa kanyang Mommy Tori, pero ramdam at halata mo ang lungkot sa kanyang mata.
Hindi naman iyon nakalusot sa kanyang Dada Kael nang sinalubong nya ito pagkagaling sa Opisina.
"Hi Anak, nasan ang Mommy?"
"Hi Dada, nasa Kitchen po si Mommy." Sagot nito saka Yumakap at nagmano sa Kanyang Dadda Kael.
Pansin naman ni Kael ang matagal na pagyakap ng anak. Nang tingnan nya ang mata nito ay dama nya ang lungkot doon.
"Ok ka lang ba Anak ko? Bakit parang matamlay ka?" Tanong nito.
"Ok lang po ako Dadda, na mis ko lang po kayo." Sagot nito saka bumitaw ng yakap sa kanyang Dadda Kael.
"Hmm.. Ganon ba, miss ko rin ikaw at ang mga kapatid mo. Punta lang ako sa Mommy mo ha."
"Sige Po Dadda." Magalang na sagot ni Hope.
Pagdating sa kusina ay agad naman nitong binati ang asawa.
"Hi Mommy Tori, ang bango naman ng niluluto mo."
"Oo Dadda, isa ito sa paborito mo diba?"
"Yup, paborito namin ni Hope." sagot nito.
"Nga pala bat parang malungkot ang panganay natin?
"Naku Dadda, nagpaalam kasi na gusto manood ng Concert, kaya lang hindi ko pinayagan, alam mo naman ang Panahon ngayon, napakagulo na, nag iingat lamang ako para sa kanya.
"Anong sabi ni Panganay?"
"Naunawaan nya naman, pero alam mo naman si Hope, parang ikaw, napaka mauunawain pero deep inside alam ko na medyo malungkot sya." Anya ni Tori habang nakatingin sa asawa saka binalik ang mata sa niluluto.
Maya maya lamang ay may kinalikot si Kael sa Cellphone nito. At maya maya ay meron na itong kausap.
"Sige...Yes ..dalawa VIP. Salamat Janine." Wika nito sa kabilang linya. Napatingin naman si Tori dito.
"Ano Yon Dadda?"
"Hmm..Alam ko na gusto ni Hope na pumuntang Concert, Mataas ang grades ng anak natin, matalino at mabuting Bata. Hindi naman siguro masama na Payagan natin sya manood."
"Wala naman masama Dadda, kaya lang syempre dalaga na ang anak natin, nag iingat lang ako." Giit ni Tori.
Kaya nilapitan sya ni Kael saka niyakap mula sa Likod.
"Alam ko Mommy Tori, Nag iingat lang tayo para sa Anak natin, Saka sino bang may sabi na hahayan natin sya mag isa, e dalawa yung Ticket na inorder ko."
"Dalawa? Sino ang isa?"
"E di para sa aming Dalawa, Sasama ako sa Concert ng Kpop na yan hehe " anya ni Kael, kaya napatingin si Tori dito.
"Huh? Hahaha anong kinalaman mo sa Kpop na iyan haha e puro alternative love songs nga ang mga Tipo mo." Natatawang wika ni Tori sa asawa.
"Hehe..Hmm...Basta para sa ikasasaya ng anak natin handa akong magpaka KPOP ng ilang Oras hehe" anya ni Kael saka sila nagtawanang mag asawa.
Ganon kamahal ni Kael si Hope, hindi nya man ito Tunay na Anak, ay mas higit pa ang pag mamahal nya para dito. Tinuring nya si Hope na kanya.