SERENITY HOPE
Sinubukan ko magpaalam kay Mommy para manood sana sa Concert ng Paborito kong KPOP na Seventeen ngunit hindi nya ako pinayagan. Nakakapanghinayang dahil pinag ipunan ko ang sanay pambili ko ng Ticket, pero wala eh, ayaw ni Mommy dahil delikado at sa Bulacan pa gaganapin ang Concert. Ganon pa man hindi naman ako nagtatampo sa kanya, nauunawaan ko naman sya dahil concern lamang sya sa akin.
Noong araw na iyon ay nanatili lamang ako sa aking kwarto.
Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako at nagising na lamang ako ng gisingin ako ng aking kapatid na si Rhygel.
"Ate Hope, Gising na, Ate.Ate." anya nito saka ako bahagyang tinapik sa Balikat.
"Rhygel..."
"Sorry Ate, pinagigising ka kasi ni Mommy at Daddy, kakain na tayo."
"Salamat Rhygel, Sige mauna kana, susunod na ako." Anya ko saka tumayo sa aking kama. Nagsalamin muna ako bakas na galing ako sa tulog.
Nang maayos ko ang aking sarili ay agad din akong Bumaba.
Pagkababa ko ay naroroon na silang lahay nakatingin si Dadda sa akin at Si Mommy naman ay ganon din. Bahagya akong ngumiti sa kanila. Ayaw ko sa lahat ay ang nag aalala sila sa akin, hangat maaari ay ayoko bigyan ng alalahanin ang mga magulang ko.
"Buti at gising kana anak, nakatulog kana daw sabi ng Kapatid mo." Wika ni Dadda.
"Opo Dadda, nakaidlip po pala ako."
Wika ko saka umupo sa pwesto ko.
"Hope anak, heto ang pagkain, damihan mo kumain, di ka naman tumataba kaya di mi kailangan magbawas ng pagkain." Anya ni Mommy saka nya ako nilagyan ng soup sa isang lalagyan.
Nagpasalamat naman ako at bahagyang ngumiti kay Mama. Tahimik lamamg kami na kumakain.
"Anak, balita ko ikaw daw ang kinuhang representative ng course nyo para sa isang Event?
"Ah Yung sa Exhibit po ba dad? Opo isa po ako sa napili Dad. Na remember ko dad di po ba naroon din po kayo?
"Yes anak, May Entry don ang Armani Corp at Ang Armani IT Solution, I'm Sure na naroon din ang Daddy mo kaya lang baka mga Day 2 na sya at nasa Malaysia pa pala sya." Anya ni Dadda.
Ok naman kami ni Daddy Zael, Hindi nga lang kami sobrang close na tulad ng kay Dadda dahil simula't sapul ay si Dadda Kael na ang Tumayong ama ko. Sya ang sumagip sa amin ni Mommy, sya ang dahilan kung bakit nabubuhay parin ako hangang ngayon. Kung wala si Dadda Kael ay baka hindi parin ako na ooperahan hangang ngayon. Minahal at tinangap kami ni Dadda Kael ng buo. Kahit hindi nya ako tunay na anak ay never nyang pinaramdam sa akin iyon.
Matapos naming kumain ay ako na ang nag presinta na mag ligpit ng mga Pingan.
Nagulat pa ako ng magsalita si Mama mula sa likod ko.
"Ayos ka lang anak? Pasensya kana talaga ah kung di kita pinayagan, alam mo naman diba? Sana ay maunawaan mo anak."
"Wala po yon Mommy, ayos lang po no worries po." Sagot ko naman dito saka nginitian sya saka ako muling nagpatuloy sa pagliligpit.
Hindi nagtagal matapos ko magligpit at tumambay saglit sa sala ay nagpaalam narin ako Kina Mommy at Dadda na mauuna na sa kwarto.
Aakyat na sana ako ng Humabol si Mommy ng tawag sa akin.
"Anak, nariyan na nga pala yung Pictures mo nung Debut. Hinatid kanina. Humingi ng pasensya at na delay ng ilang araw.
"Sige po Mommy, i check ki po, Thank you po Mom, Akyat na po ako." Sagot ko dito saka ako humalik sa kanya.
At sa kwarto ay tiningnan ko din ang aking mga larawan noong debut. Sobrang satisfied ako sa result. Magaling talaga yung Team na kinuha nila Mom and Dad.
Nang patulog na ako ay bigla nag beep ang phone ko.
Nakita ko na may Chat si Arden bagong Transfer sa school, At Isa sa mga classmate ko sa 2 subject. Ahead sya sa akin ng isang taon, Dahil may 2 subject sya na hindi na Credit ay kailangan nya itong habulin at balikan, kaya naman sa subject na iyon ay magka klase kami. Isa ako sa mga nakausap nya sa school.
Galing din sa kilalang pamilya si Arden. Sa 3 months naming pagiging magka eskwela ay nagkasama narin kami sa mga groupings kaya naman nagka bigayan narin kami ng mga accounts sa isat isa. Hindi lang naman sya pati na rin ang ibang ka klase namin.
Binuksan ko ang message nya, wala naman kasi kaming Agenda sa Isa't isa kaya nagtataka ako kung bakit sya nag message.
Nang mabuksan ko ito ay nakita ko na bumabati sya ng Magandang Gabi at tinatanong kung kumain na ako.
Sinagot ko nalang sya at sinabi ko rin na matutulog na ako.
Nagulat ako ng bigla syang tumawag. Kaya sinagot ko na rin.
"Hey Hope, Ang aga mo namang matulog, hehe kami nga di pa kumakain eh hehe."
Wika nya sa kabilang linya.
"Eh maaga kasi kami kumain, Bat ka pala tumawag?"
"Wala naman, kumusta yung sa isang subject mo? Na gets mo na ba?' tanong nito sa akin. Saka ako napaisip at inalala yung isang subject na medyo nahirapan ako.
"Ah, yun ba, naunawaan ko na pero medyo mahirap parin." Saad ko naman ng maalala ang isang subject namin.
"Don't worry, kung may time ka tomorrow after mg isang subject i will show you yung pinaka easiest way." Sagot pa nito.
"Salamat Arden, oo nga pala Forte mo yon. Sige explain mo nalang bukas, kailangan ko na magpahinga." Wika ko dito saka tuluyang nagpaalam.
Samantala
GRAESON JACE
Ilang Lingo na si Heather dito sa ospital. Wala pang isang buwan noong sinugod namij sya ngunit after 1 week sinugod na naman at until now ay nanatili parin sya roon.
Awang awa ako kapag nakikita ko sya. Alam ko na masama anf nararamdaman nya ngunit kapag naroon ako ay pinipilit nyang ngumiti. Ayaw nya ipakita sa akin na nasasaktan sya. Pero kapag siguro sobrang sakit ay wala syang magawa kundi umiyak. At kapag ganon ay di ko rin mapigilan ang sarili ko na di masaktan at maiyak sa sitwasyon.
Bago ako umalis kanina ay hinayaan ko muna syang makatulog. Dahil kagabi ay halos hindi sya makatulog dahil aa sakit na nararamdaman.
Pagdating ko sa bahay ay sakto na naabutan ko si Mama and Papa na nag aalmusal.
"Good Morning Ma, Pa."
"Oh..magandang umaga anak, kaawaan ka ng Dyos.' Sagot nila matapos ko mag mano.
"Salamat Po Mama."
"Kumusta si Heather anak?"
"Tulog sya kanina Pa noong iniwan ko."
"Haist..Sana gumaling na sya anak no, kawawa naman si Heather sobrang bagsak na ang katawan."
"Opo nga, Pati po ako nasasaktan kapag may ginagawang Test sa kanya.
"Basta anak Pray lang, pasasaan ba at maaayos din ang lahat, remember ang Kuya Ae mo noon, Cancer Suvivor din yon. Grabe din yung sakripisyo at niluha ng Ate mo noon para kay Ae." Wika ni Mama saka naman ako tinapik sa Balikat.
"Tama ang mama mo anak, magiging ok din ang lahat, kaya dapat hwag ka panghihinaan ng Loob." Anya naman ni Papa.
Sa totoo lang nanghihina rin talaga ako, pero pasalamat ako dahil narito ang mga magulang ko. Salamat dahil palagi silang nasa tabi naming magkakapatid. Wala akong ibang hiling para sa kanila kundi Humaba pa ang buhay nila. Nagpapasalamat ako dahil malakas parin ang Papa. Hindi mo aakalain na Senior na sya dahil malakas parin sya, alagang alaga kasi sya ng Mama sa mga pagkain. Hindi talaga pwede kapag bawal kaya naman talagang Makisig at Matikas parin sya.
Matapos nila ako kausapin ay umakyat na rin ako sa aking Silid.
Nakatangap naman ako ng tawag kay Ate Yohanna, kinukumusta nya ang lagay ni Heather. Tulad ni Mama at Papa ay Si Ate Yohanna rin ang nagpapagaan ng loob ko. Palagi nya ako pinapayuhan at sinasabihan na wag mawalan ng Pag Asa dahil tulad ko ay Pinagdaanan nya rin ang ganitong sitwasyon noong nalaman nya na may Cancer si Kuya Ae kaya pala sya iniwan nito at di na bumalik. Grabe ang pinag daanan ni Ate noon. Doon nya nilaban si Kuya Ae kina Mama at Papa. Sa pagkakataong iyon at di tumutol ang Papa at hinayaan na si Ate Na Sundan si Kuya Ae na noong panahong iyon ay nasa bingit na mg kamatayan at nikikipaglaban mag isa sa nasabing sakit. Pero tulad ng sabi ni Ate Napagtagumpayan nila iyon ni Kuya Ae, inalagaan ito ng ate hangang sa gumaling ito at maging Cancer Free. Sa ngayon ilang taon na silang nagsasama bilang mag asawa kasama ang kanilang mga Anak.
Dahil na rin sa pagod after ko kausapin si Ate pag higa ko ay nakatulog na rin ako.
Hindi ko alam ngunit nanaginip ako ngunit di ko alam ang ibig sabihin.
Naoanaginipan ko na nakaupo ako sa malawak na kaparangan. Habang hinihintay ang papalubog na araw. Maya maya ay may yumakap na babae sa likod ko. Kinuha ko ang kanyang kamay saka ko hinagkan iyon. Maya maya ay tinangal ng babae ang laso sa kanyang buhok saka patingkayad na tumakbo na tila nagpapahabol sa akin. Tumayo ako at napangiti habang nakipaghabulan sa kanya. Malapit ko na syang abutan hangang sa Mahawakan ko ang kanyang kamay saka ko sya Kinabig papalapit sa akin ngunit ng Sambitin ko ang pangalan ni Heather nagulat ako ng ibang babae ang nakakulong sa aking bisig. Hindi si Heather iyon. Hindi ko masyadong malinaw na makita ang kanyang Mukha pero sugurado ako na hindi iyon si Heather. Nagising ako ng akma ako nitong hahalikan.
Pawisan akong napabalikwas, sakto naman na pagpasok ng Mama kaya nagulat pa sya.
"Anak ayos ka lang ba? Bat parang nanaginip ka ata?" Tanong ni Mama saka lumapit sa akin.
"O..Opo Mama, Nanaginip po kasi ako na tumatakbo kami sa Malawak na kaparangan. Pero nung maglapit kami Mama, hindi po si Heather yung babae." Kwento ko kay Mama.
Napakunot naman ang noo nito
"Hmm..ganon ba anak? Baka isa sa mga naging kaibigan mo ganon."
"Hindi ko po Alam Mama, Basta po hindi si Heather. Ang ipinag tataka ko po ay napakabait nya sa akin at magaan din ang loob ko sa kanya." Kwento ko pa kay Mama.
Hangang sa Pag punta ko sa Hospital ay Di ko parin makalalimutan ang aking panaginip. Sino ang babaeng iyon? Ano ang ganap nya sa Buhay ko?" Sunod sunod na tanong ko, na di ko parin naman alam ang sagot.