HOPE
Maaga akong nag asikaso ngayong araw dahil sasabay ako kay Dadda. Ayoko naman na paghintayin si Dadda Kael dahil alam ko kung gaano sya ka typical na magpahalaga ng oras. Kaya naman dali dali akong kumilos at sumabay na rin sa Breakfast nya.
"Good Morning Mama, Good Morning Dadda." Bati ko sa kanilang dalawa ni Mama.
"Good Morning anak, ang aga mo naman yata gumising today?' Bati nito sa akin.
"Ah ok lang po Dad, makikisabay po Kasi ako sa inyo hehe, e ayaw ko naman po na kayo ang mag adjust para sa akin." Sagot ko pa dito.
Nataw naman sya saka napatingin sa akin.
"Hay Naku Anak, Ikaw talaga, syempre naman ok lang din na mag adjust ako, pwede naman din kitang hintayin." Sagot nito sa akin.
"Ok lang po yon Dadda Hindi na rin naman po ako makakatulog kaya ayos na po." Sagot ko saka napangiti.
"Hay naku kayo talagang Mag Ama, pareho lang naman kayo mapahalaga sa Oras. Mukang namana sayo ni Hope ang pag sunod sa Time is Gold."
"Hehe..Mukha nga Mommy, Pero ayos yan at least mapagpahalaga din sa oras itong anak natin." Sagot pa ni Dad.
Matapos kumain ay naligo na rin ako saka ko inayos ang sarili at dali dali naring bumaba.
Dahil pasado ala sais pa lamang ay maaga akong nakarating sa University. May mga ilamg student na rin ang naroroon bago ako bumaba ay yumakap muna aki kay Dadda saka nya naman ako hinalikan sa ulo. Ganito ang ginagawa nya sa aming magkakapatid.
"Oh anak mag iingat ka ha, Eto ang baon mo." Anya ni Dad saka bumunot ng isang libo sa wallet.
"Dadda No.. May allowance pa po ako yung binigay nyo ni Mommy. Kasya na po iyon baka lumabis pa." Nakangiting wika ko kay Dadda. Aside kasi sa Cash na allowance na bininigay nila sa amim ay meron parin silang inissue na debit Card. Bigay iyon sa akin ni Dadda. Para daw kapag may gusto akong bilhin ay meron akong gagamitin. Pero ang bilin sa akin ni Mama ay sa mga importanteng bagay ko lamang iyon gagamitin. Masinop ang Mama sa Pera, Ang lagi nya pinaaalala sa aming magkakapatid na gumastos lamang sa mga kailangan at hindi sa gusto lamang. Kapag naman gumagala kami ay tinatanong naman nila kami Kung anong kailangan at Gusto namin, pero hangat maaari ay hwag daw kami gumasta sa wala namang mapapala. Tama naman si Mama dahil nga naman hindi pinupulot lamang ni Dadda ang pera na binibigay sa amin, na kahit si Dadda ang may ari ng company ay di namin dapat abusuhin.
"Sige na po Dadda, Ok na po ito ingat po kayo Dadda, Thank you po and I love you." Anya ko saka muling yumakap kay Dadda.
Kumaway naman sya noong makababa ako ng sasakyan.
Habang naglalakad ako papasok sa University ay kita ko na nag uumpukan ang iba kong ka klase na naroroon na din. Pag upo ko palang sa bench ay nagtinhinan sila sa akin.
"Eto na pala Oh, Si Hope na lang ulit ang ilaban para tapos ang usapan." Anya ni Anjie isa sa mga ka eskwela ko na naging close ko agad noong pasukan.
"Eyy para saan yan Anjie?" Nagugumihanang tanong ko
"Ah dyan sa product naghahanap kasi ng pwede maging representative mamaya. Ikaw lang naman ang tingin namin na pwede dyan hehe dahil bukod sa Maganda na, Makinjs Sexy at mabait pa. Sabi nga ni Daniel Padilla nasayo na ang lahat hehe." Wika ni Anjie kaya nagtawanan kaming naroroon.
Hangang sa magsimula na ang klase. Gaya ng mga nakaraang araw ang sumunod na subject ay subject kung saan classmate ko si Arden ang isa sa mga naging malapit sa akin na transfer.
Hindi ko lang sya basta classmate. Katabi ko rin sya sa sumunod na subject dahil Armani ako at Brooke naman sya, Half American ang Daddy Ni Arden kaya kuhang kuha din nito ang Features ng Daddy nya.
"Hi Hope Good Morning" nakangiting bati nya sa akin.
"Good Morning din Arden."
"Balita ko ikaw ang sinali nitong batch nyo para dun sa pa contest mamaya ah." Anya nito.
"Haha..naku ewan ba dyan sa kanila sinabi lang din naman sa akin kanina."
"Basta Good Luck sayo, alam ko na kaya mo naman yan." Anya nito saka ngumiti.
Nag lecture at nag discuss lamang si Mam Conchita sa amin at pagkatapos ay pinapunta na rin kami sa may Auditorium ng school dahil magsisimula na daw ang activity.
May mga Gamit din na makikita doon na tila ginagamit sa modeling May mga Photographer din na naroroon.
Maya maya pa ay tinawag na ang mga kasali. Akala ko talaga ay nagbibiro lang sila ngunit ako pala talaga ang ginawa nilang representative.
Nakakatuwa lang dahil super supportive ng mga classmate ko. Nakakatuwa din dahil meron ding mga pa games para sa aming mga kasali.
Mga halos Dalawang oras ang program at sa huli ay ibinigay din sa amin ang mga pictures namin na kuha sa event. Ang iba naman daw na details at ganap sa event ay bisitahin nalang namin sa Page nila kapag na edit na nila.
"Ms.Hope heto ang sayo, un fairness ah, Pwede ka talaga pang modelo." Nakangiting wika ni Sir Mackie habang iniaabot sa akin ang kopya ng mga larawan.
"Nako Sir, hindi naman po hehe pang dito lang po ako sa loob ng University." Sagot ko sa kanya at nginitian din sya.
"Hehe..hmmm ikaw kas yung pinaka very natural. Kaya natutuwa ako dahil magaling ka, at pati ang attention ng Audience ay nakukuha mo."
"Hehe...well kung totoo man po iyan ay salamat sa inyong Papuri." Muli kong sagot sa kanya.
"Hmm..Familiar ang Surname mo, You are an Armani right?"
"Opo Sir Mackie."
"Hmm..are you related sa isa sa magaling na CEO na si Mr.Yezekael Armani?" Tanong niya sa akin. Ayoko man sana sabihin pero proud ako na Anak ko ni Dadda Kael, kaya naman sumagot ako sa kanyang tanong.
"Yes Sir Mackie, He's My Dad, Ang super bait kong Dadda, Si Dadda Kael." Nakangiting sagot ko.
"Ah..kaya pala, Nakita ko na sila Before sa isang event, May Photo ako ng Mom and Dad mo, Maganda at Gwapo ang mga parents mo, di nakapagtataka na maganda ang result." Anya nya saka ngumiti saka kami natawa sa isa't isa.
"Pero alam mo bang paranf Pamilyar ka? Para bang nakita na rin kita sa kung saan, di ko lang maalala."
"Naku, baka hawig ko lang po, yan din po madalas sabihin ng iba hehe."
"Hmm..siguro nga, pero basta, parang nakita na kita sa isang picture, o baka nga hawig mo lang." Sagot pa nito.
Nagpaalam na rin Ang Team nila Sir Mackie, at kami naman ay palabas na rin ng University.
Pero Bago umuwi ay nagkayayaan muna na dumaan kami sa isang Coffee Shop sa Hug A Mug Cafe. Matagal na rin daw kilala ang Store na ito, pang ilang Branch na raw itong bagong shop na itinayo malapit sa eskwelahan.
Pagpasok namin ay Simple pero Cozy ang loob. Sakto at kalalabas lamang ng isang Grupo ng mga student sa kabilang eskwelahan kaya kami naman ang pumalit.
Pag pasok namin ay sinalubong kami ng isang Magandang babae kasunod nya ay Isang Babae at Lalaki rin na halos magkamukha magka iba nga lang ng kasarian.
"Xavia, Xerxes, Mauuna na ako mga anak, kayo na muna ang bahala dito. Cut off nalang kayo ng 9:00PM. Pag may problema tawagan nyo ako ha."
"Yes Po Mommy, Ingat ko kayo ni Dad" sagot naman ng babae na ang ngalan ay Xavia.
Saka naman pumasok ang isang lalaki na Matangkad, at Gwapo saka kinuha ang hawak na paper bag ng Babae na marahil ay mga magulang ito ng dalawa.
"Bye Kids, ingat kayo, i ask Mang Garry na sunduin kayo later." Anya pa nito saka sila muling nagpaalam. Nakakatuwa sila. Ang mga anak nila ang nag ma manage ng Coffe Shop.
Nang nasa counter na ang Babaeng Anak ay lumapit na ako para umorder. Sumunod naman sa akin si Arden para tumingin mg flavors.
"Hello...Ma'am, Sir..Ano pong order nila? Nakangiting wika sa amin ng babae sa counter na nagngangalang Xavia.
"Ahm..hello din Hmm..1 oreo cheesecake, 2 Java Chip , 1 White Choco and 1 Americano." Sagot ko at agad nya naman itong tinype.
"Medium po ba lahat."
"Yes po Medium lahat." Sagot ko dito.
"Ok po, i serve nalang po sa table nyo. 620 pesos po lahat."
"Eto po." Anya ko saka inabot ang aking bayad.
Sa tingin ko ay hindi nagkakalayo ang edad namin. Baka matanda lang ako ng ilang taon sa Kanila.
Habang naghihintay sa inorder naming kape ay abala kami sa pag kwe kwentuhan.
Dahil nakaramdam ako na maiihi ay nag excuse muna ako para mag banyo. Nag retouch na rin ako at inayos ang aking sarili.
Matapos iyon ay saka ako lumabas. Sakto naman ang Pagpasok ng isang Customer na naka Itim na Hoodie, matangkad ito at nakasuot ng salamin. Hindi ko masyado tinitigan ang kanyang mukha pero kita ko na nakasalamin sya. Pinawi ko rin agad ang aking tingin saka bumalik sa pwesto na inookopa namin.
Ngunit napansin ko na dire diretso ito sa counter kung saan nakipag Appear pa sa lalaki na naroon.
"Oh Kuya Grae, kumusta? Kumain ka na ba? Kain ka muna, may pagkain dito nagdala si Mommy at Daddy." Anya ng lalaki na nagngangalang Xerxes.
"Salamat Xerxes, kumain naman na ako, mag kakape nalang ako."
"Kumusta si Heather Kuya?"
"Ayon, nasa ospital parin, Makakalabas tapos ilang araw lang confine na naman."
"Aww, pero sana gumaling na sya Kuya Graeson, pati kasi ikaw namamayat na rin."
"Wala eh, di rin kasi ako mapakali sa karamdaman nya. Kung pwede ko lang saluhin yung sakit na nararanasan nya kapag kailangan nyang turukan at sumailalim sa ibat ibang Test, sana ĺang ginawa ko na." Anya pa nito.
"Hayst..pero sana gumaling si Heather Kuya, ilang taon na rin kayo magkasintahan diba?"
"Yup, 2 years." Sagot pa nito.
Napaka swerte naman ng Nobya nya na sobrang Mahal nya, sana dumami ang tulad nya, kung sino man sya.Kung lahat ng lalaki ay magiging gaya nya magmahal wala na sigurong babae na malulungkot." Anya ko sa aking isip.