GRAESON JACE
Matapos ko makagaling kay Heather ay dumaan muna ako sa Coffee Shop nila Kuya Xylas. Nagbabantay doon ay ang mas nakababatang mga Kambal na kapatid nila sila Xerxes at Xavia.
Pagpasok ko ay may mangilan ngilang customer akong natanaw pag pasok ko ay muntik ko pa makabungguan ang isang babae na sa tingin ko ay galing sa banyo, nakaiwas naman sya agad.
Natanaw naman ako nila Xerxes kaya naman inalok nya ako kung kumain na ako.
Binigyan namam nila ako ng pagkain na meron sila na dala daw na Tita Eris at Tito Xav. Tahimik lamang kaming kumakain ni Xerxes, habanh si Xavia naman ay abala sa customer na rider na nag te take out.
Nagawi ang tingin ko sa grupo na naroroon. Sa tingin ko ay magka klase at magkakaibigan ang mga ito nakasuot pa ang mga ito ng uniforme. Nakita ko na nagtatawanan sila.
Hindi ko naman makita ang mukha ng isa dahil nakatalikod ito sa akin. Ilang sandali pa ay umalis na rin ang mga ito. Napatingin pa ako sa paglabas nila. Naalala ko na naman si Heather ganon din kami dati. Dinadala ko sya sa isang resto or coffee shop then kwentuhan, tawanan, minsan ay kasama rin ang mga kaibigan nya.
Ilang sandali lamang din ako nagtagal sa Shop nila Xerxes at nagpaalam din ako dahil kailangan ko pa ulit bumalik sa Hospital. Bukas na lamamg ako uuwi sa bahay. Sa hospital na muna ako magpapalipas ng gabi. Habang naglalakad lakad ay naisipan ko muna maupo sa bench malapit sa park. May mangilan ngilan pang tao roon. Hindi ko maiwasan na di mapaisip, noon kasi ay madalas ko dalhin sa ganito si Heather. Nauubos ang oras namin sa kwentuhan habang nakatanaw sa buwan. Simple lang din naman kasi si Heather. Si Heather yung babae na madaling pasayahin, mababaw ang kaligayahan. Isa iyon sa nagustuhan ko sa kanya. Habang nakaupo ako ay dahan dahan palang pumapatak ang ulan kaya sumilong muna ako sa Bench na naka pwesto sa malapit sa mayabong na puno. Upang d masyadong mabasa. Hangang sa lumakas ito, mabuti at nasa may puno na ako bago pa ito lumakas. Ilang sandali pa ay may natanaw akong babae. Nakasuot ito ng uniforme habang nakahinto sa tabing kalsada na tila may hinihintay. Dahil lumalakas ang ulan ay patakbo itong lumapit kung saan ako naka pwesto, may ilan ilan ding tao na nakisilong sa pinag pwestuhan ko. Dahil biglang lakas ng ulan ay inabutan ang Babaeng naka uniforme. Parang same ito ng uniforme ng mga Estudyante na nagkape sa Shop nila Xerxes.
Nakisilong na ito kung saan ako naroroon. Kita kong nabasa ang Suot nyang uniform pati ang bag nya ay medyo nabasa rin. Dumukoy sya ng panyo saka pinunasan ang basa sa kanyang braso. Ngunit hindi iyon sapat dahil pati damit nya ay basa din.
"Hala ineng nabasa ka na" anya ng Ale na nagbebenta ng Cany at Sigarilyo na nakisilong din.
"Opo nga eh, nakalimutan ko po pala yung payong ko sa room" sagot nito saka bahagyang ngumiti sa ale na nagsalita. Kahit na basa ito ay nagawa pa nito ngumiti.
"Kaya nga Ineng, maligo ka na lang pagdating sa inyo para di ka sipunin." Dagdag pa ng Ale malapit sa Tabi ko."
"Salamat po" sagot ng Estudyante saka bahagyang ngumiti.
Hindi parin tumitila ang ulan at tila mas lumalakas pa ito. Nasakay na ang ilang Tao na kasama namin ngunit sya ay tila may hinihintay. Pansin ko na tila giniginaw na sya.
Hindi ko naman inaasahan na lilingon sya kung saan ako naka pwesto kaya nahuli nya akong nakatingin sa kanya.
Nagkatitigan ng ilang segundo ang mata namin ngunit mabilis akong nagbawi ng tingin. Tila ba nakita ko na ang matang iyon. Mas lumakas pa lalo ang ulan dahilan para mas umusod sya sa pwesto malapit sa akin kung saan hindi masyadong nauulanan dahil mayabong ang puno at may maliit pang bubong.
Hindi ako nakatiis hinubad ko ang suot kong Hoodie saka ako lumapit sa kanya.
"Miss Isuot mo na to, giniginaw ka na" anya ko saka itinalukbong sa balikat nya ang Suot kong Hoodie. Medyo nagulat pa sya sa ginawa ko.
"Huh? Pero Kuya sayo to, Ikaw naman ang mababasa." Wika nya sa akin.
"Mas kailangan mo yan" dagdag ko pa saka sinuot ang hood sa ulo nya. Saka ako nagpaalam at umalis at nagpakabasa na sa ulan. Maliligo na lamang ako sa Hospital, meron naman akong damit doon.
Hindi ko na nilingon pa ang babae. Siguro naman ay parating na ang sundo nya. Binilin ko na lang din sya sa ale na nagtitinda ng candy.
Pagdating ko sa Hospital ay nadatnan ko pang gising si Heather.
"Baby, ang lakas ng ulan bat sumugod ka sa ulan ha, baka ikaw naman ang magkasakit nyan." Wika nito habang nakatingin sa akin.
"I'm ok babe, maliligo nalang din ako saglit." Sagot ko saka ngumiti sa kanya. Inilagay ko ang pastries na binili ko sa shop nila Xerxes kanina nag request kasi sya na gusto nya ng cheese cake kaya binilhan ko sa shop.
"Wow, binilhan mo pala ako buti nalang may naabutan ka pa hehe."
Masayang wika ni Heather habang binubuksan ang pasalubong ko sa kanya.
"Oo pina reserve ko na yan kina Xerxes kanina kaya ayan, alam kong paborito mo yan, pero siguro Baby half lang muna kainin mo ah. '
"Ok Baby, di ko rin naman talaga ito mauubos, ikaw din ang kakain ng half nito hehe." Dagdag nya pa saka sinimulan na kainin ang dala kong cheese cake.
Sa ilang buwan namin dito ay halos pabalik balik nalang kami sa Hospital. Gagaling sandali, ilang araw babalik na naman dahil meron na namang masakit halos dito na manirahan si Heather sa Ospital. At tulad nga ng sinabi ng Doctor sa amin Hindi naman sa tinatakot kami pero ihanda na daw dapat namin ang aming mga sarili dahil maaaring isang araw ay hindi na babalik si Heather. Baka di na ito magtagal. Kahit na ganon pa amg sinabi ng doctor wala parin namang nakakaalam kung hangang saan ang buhay ni Heather, kaya hangat humihinga sya, hangat nakikita ko syang lumalaban, hindi ako susuko.
Nagpapasalamat ako sa Pamilya ko dahil nariyan sila. Pinalalakas nila ang loob ko. Lalo na si Ate, Survivor din kasi si Kuya Ae ng Cancer.
Nang gabing iyon ay doon din ako natulog sa ospital. May sofa naman kasi doon na pwedeng Tulugan. Bukas na lamang ako uuwi ng maaga. Pinauwi ko na rin muna sila Tita sinabi ko na ako na muna ang magbabantay. Babalik na lamang daw sila bukas ng maaga. Kaya naman walang kaso sa akin iyon.
Nang mahimbing na ang tulog ni Heather ay saka ko rin naman pinikit ang Mata ko.
Medyo pagod rin ako kaya sinamantala ko na rin makapag pahinga.
Samantala
SERENITY HOPE
Narito ako at nakasilong sa Lilim ng isang Puno. Habang hinihintay si Mang Gaston. Ang driver namin. Malakas ang ulan at nakalimutan ko ang payong sa room namin. Katatapos lamang namin magkape kanina kaya Nang maghiwa hiwalay ay nag stay ako sa loading area malapit sa waiting shed na maliit. Sa hindi inaasahan ay biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya dali dali akong sumilong sa may Puno na may mayabong na mga dahon, may part na meron ding tila silungan.
Nakatayo ako at doon na naghintay. Sa kasamaang palad ay nabasa ako dahil sa biglang buhos ng ulan. Nagulat na lamang ako ng Lapitan ako ng isang lalaki. Walang pag aalinlangan nyang pinatong sa balikat ko ang suot nyang Hoodie Jacket. Ayaw ko sana tangapin dahil nahihiya ako pero sinuot nya rin ang hood nito sa ulo ko dahil giginawin daw ako. Pagkasuot noon ay nagpasalamat ako ngunit umalis na rin sya at sumugod na sa Ulan. Parang nakita ko na sya, Yung Tindigan nya ay parang 8lamg beses ko na Nakita.
Mabuti na lamang ay dumating na rin si Manong Gaston. Dali dali akong sumakay ng sasakyan at pinasibad naman agad ni Mang Gaston ang sasakyan pauwi sa bahay.
Pagdating ko sa bahay ay nasa may Dining na si Mama at Si Dada. Nagulat pa dila ng makita na basa ang ulo ko.
"Oh anak, nabasa ka? Naku may shower kana muna at baka sipunin ka pa nyan." Anya ni Mama habang nakatingin sa akin.
"Dadaanan sana kita Anak, kaso nakapunta na pala si Mang Gaston kaya sabi ng Mommy mo hintayin kana lang namin, bat ka nabasa anak, wala ka bang payong?" Tanong ni Dada sa akin.
"Meron po Dada, kaya lang po naiwanan ko sa room." Sagot ko naman.
"Ah..kalimutin na ang panganay namin, next time anak wag mo na iiwanan ayan tuloy nabasa ka.
"Buti may Suot kang Jacket, pinahiram ka ba ng Classmate mo?" Tanong sa akin ni Mama. Hindi naman ako nag atubili na sumagot dahil napaka open up ko sa mga magulang ko.
"Actually po pinahiram lang to sa akin nung Guy na nag papatila din po ng Ulan. Ang sabi nya po mas kailangan ko daw po ito kasi basa na ako at baka ginawin ako." Mahinahong kwento ko sa mga ito.
Nagkatinginan naman silang dalawa.
"Ganon ba anak? Anya ni Mama saka ako inakay palapit sa kanya.
"Napakabait naman ng nagpahiram nito sayo anak. Bachelor of Arts- De La Salle College of Saint Benilde- GJ Escobar." Anya ni Mama at Dada habang binabasa ang mga Naka embroid sa Jacket.
"Salute to this Man, kung sino man ang Lalaking nagpahiram nito sa anak natin." I'm sure na Napalaki sya ng ayos ng mga Magulang nya. Escobar?.. hmmm..sounds familiar parang naririnig ko na before." Anya ni Dada.
"Sige na Anak, maligo ka na muna at saka ka bumaba rito para kumain."
"Ok po Mam, mag shower lang po ako." Tugon ko naman saka dali daling nag shower sa Bathroom ng aking Silid.
Hinanger ko naman ng maayos ang Jacket na pinasuoy sa akin.
Sana ay makita ko pa ulit ang lalaki na nagpahiram nito sa akin para naman makapagpasalamat ulit ako.
Bulong ko sa sarili habang tinitingnan ang Black Hoodie Jacket na may naka embroid na initial at surname ng may ari kung saan ito nag aaral.
"Sa ngayon dito ka muna sa akin, Habang hindi ko pa natatagpuan ang amo mo na nagpahiram sayo." Anya ko saka hinawakan ang Jacket ng lalaking estranghero.