3RD PERSON
Habang lumilipas ang araw ay naging abala ang binata sa kanyang mga daily routine. Sa Trabaho, Sa Pagbisita kay Heather at sa mga extra nya pang ginagawa. Ramdam naman ng kanyang pamilya ang kanyang pinagkaka abalahan lalo na ng kanyang Ina.
Isang gabi ay naabutan ito ng kanyang asawa na nakaupo sa sala at hinihintay ang anak.
"Love, Narito ka pala naalimpungatan ako wala ka sa tabi ko." Anya ni Major saka lumapit sa asawa.
"Wala pa kasi Si Graeson Mahal, Nag aalala na ako sa batang yon." Anya nito saka tumayo sa pag kakaupo at tinanaw ang bintana. Lumapit naman dito si Major saka niyakap ant asawa mula sa likuran.
"Hmm..Mahal Alam ko kaya ng anak natin yan, Hindi basta basatng sumusuki ang mga Anak natin, kita mo mga ang Panganay nating si Yohanna, kababaeng tao pero matapang, hindi sumuko sa hirap ng buhay na hinarap nya noon. Alam ko na mas lalo na si Graeson, Lalaki sya at alam kong mas malakas sya kumpara sa Ate nya.
"Pero Mahal, parang iba ang nakikita ko kay Graeson, Kapag mag isa sya minsan nakikita ko syang palihim na lumuluha. Isang beses hindi ako nakatiis nung nakita ko syang umiiyak. Bigla ko nalang syang niyakap. Basta sinabi ko lang na palagi lang tayong nasa tabi nya, na kaoag may problema sya magsabi lang sya sa atin." Anya ni Evren habang nakahilig sa balikat ni Major Yohan.
"Haisst... Alam mo Mahal, minsan napapatanong ako, Naaalala ko amg sitwasyon natin noon, Mas malala yung sa atin pero kinaya natin. Pero iba kasi tayo noon, at iba narin ang mga kabataan ngayon. Kung ano man ang pinagdadaanan ng ating anak ang dalangin ko lamang ay makayanan nya. Na sana tulad ng Ate Yohanna nya ay maranasan nya rin sanang sumaya hangang dulo.
"Kaya mga Mahal, yon din hiling ko, Na Sana maging masaya din si Graeson, at sana makayanan nya lahat ng pinagdadaanan nya." Dagdag naman ni Evren.
"Halika na Love, matulog na tayo, darating din yon." Aya ni Yohan sa asawa ngunit nakatayo parin ito.
Kaya kinuha ni Yohan ang Telepono at dinial ang numero ng Anak.
"Hello, Graeson Anak, nasaan ka na? Dito ka ba matutulog? Hindi kasi mapakali ang Mommy mo hinihintay ka." Anya nito sa kabilang linya.
"Hello Dad, Yes po, uuwi po ako. Pasesnya na po pasabi kay Mommy na lowbat po kasi ako meron po pala syang message."
"Oo Anak, dinig mya naman, narito sya sa tabi ko."
"Hello Anak, pauwi ka naba? Mag iingat ka ha nag alala kasi ako kasi wala kang reply sa mga nauna kong mensahe kaya hindi ako mapakali." Anya ni Evren sa kabilang linya.
"Sorry po Mama, sobrang busy lang po kanina, tapos nung mag re reply na ako lowbat naman po kaya nag charge muna po ako, don't worry po ma Pauwi na po ako.
"Sige Anak, kumusta si Heather?"
"Ayon po Mommy, sinumpong na naman po kanina, kinabitan na naman pon
ng Oxygen."
"Haist kawawang bata naman, labas masok nalang lagi sa Hospital, Teka anak, kumain ka na ba? Ipag iinit kita ng ulam. Nagluto ako ng Paborito mo."
"Actually po Mama nakakain na ako sa Shop nila Xerxes, pero dahil luto nyo po sige po kakain po ako pagdating" anya ni Graeson na pinasaya pa ang pagkakasabi upang di Mag alala ang ina.
"Oh sya sige Anak,mag iingat ka, hihintayin ka namin mg Daddy mo."
"Ok po Mama, I love You Ma."
"I love you more Anak, kapit lang." Anya nito saka ibinaba ang telepono at nagtungo sa Kusina. Sinamahan naman sya ng asawa at doon nila tinuloy ang pag kwe kwentuhan.
"Alam mo Daddy, di ko maiwasan ang hindi mag alala sa anak natin, andon na tayo sa may chance na madugtungan ng saglit na panahon ang buhay ni Heather, pero after naman noon paano na? Naaawa ako kay Graeson Jace, alam natin kung gaano nya kanahal si Heather.
"Same with Yohanna noon, iniwanan nya ang pilipinas para sundan alagaan ang may sakit nyang si Ae.
"Hayst...sana naman pag tagumpayan ng mga anak natin kung ano mang mga pagsubok ang daanan nila." Anya ni Evren kaya tinapik naman ito sa balikat ng asawa nitong si Yohan.
Samantala araw araw naman na ganoon ang routine ng binata Trabaho at hospital dahil talagang walang palya ang pagbisita nya sa kasintahan.
Minsan nga ay sa hospital nya na ginagawa ang ibang trabaho kaya naman di maiiwasang di mag usisa ni Heather ang mga ito.
"Babe, Yan ba yung mga shots?"
"Oo Babe, mga shots ito ni Mackie doon sa university noong nakaraan."
"Ayos ah, Magaganda din yung mga Candidate."
"Naalala mo ba noon Babe? Diba sa ganyan din kita na meet doon sa school nyo hehe, di ko parin yon makakalimutan, kakasimula ko lang noon haha."
"Oo nga pero noon pa man maganda na talaga ang mga Shots mo. Kakatuwa no doon pala tayo magkakakilala pero Babe, Babe kung sakali na mawala ako, Ahmm...Gusto ko sana na Magmahal ka ulit ng Iba. Gusto ko na kahit wala na ako Gusto ko na mamuhay ka ng normal without me. Buksan mo ang puso mo sa iba." Anya nito kaya napatingin dito ang binata.
"Babe, ano ba yang mga sinasabi mo, hindi ka mawawala, Dahil hindi ako papayag."
"But Babe, doon tayo sa Totoo, kahit na hindi ka payag pero kapag Tadhana at taas na ang kumilos para kunin ako, wala na tayo magagawa kaya Babe habang andito ako gusto ko gumawa ng memoriea with you. Gusto ko habang humihinga ako gusto ko na masulit yon na kasama ka. Pero pakiusap ko lang na pag nawala na ako eh wag mo isara ang puso mo. Gusto kong Magmahal ka ulit. Kung paano mo ako mahalin gusto ko na ganon rin or mas higit pang pagmamahal ang iparamdam mo sa papalit sa akin.
At least sa ganoong paraan mapapanatag ako, Magaan sa pakiramdam ko na iwan ka, hindi ako mangangamba.
"Pero Babe, matagal pa yon, marami pa tayong memories na pagsasamahan."
"I don't know babe, pero sana nga.. Sana nga ." Turan nito saka hinawakan ang kamay ng Nobyo. Maya maya lamang ay nagpaalam na rin ito na magpapahinga na Kaya naman inalalayan ito ng nobyo na makabalik sa kama nito, hangang sa makatulog.
GRAESON JACE
Habang inaayos ko ang Ang mga larawan na kinuha ni Mackie ay kapansin pansin ang babae na tila Nakita ko na noon pa man, Bahagya kong ipinikit ang aking mga mata at tila inalala kung saan ko Nakita ang pares ng mga matang iyon, maging Ang magandang hugis ng kanyang Mukha, ramdam ko na Nakita ko na sya, habang iniisip ko kung saan ay bigla naman ako napamulat dahil narinig ko na dumaing si Heather, kaya naman dali dali akong nagtungo sa tabi nito.
"Bakit Babe? Ano? May mAsakit ba sa sayo? Tatawagin ko ang Nurse?" Sunod sunod na tanong ko dito.
"Hindi na Babe, parang bigla lang kumirot ang dibdib ko, Hindi ko alam pero parang ang sakit kaya nagising ako." Wika nya saka naman yumakap sa akin.
"Babe, Yung sinabi ko sayo ah, kung sakali man na mawalan ako ng maaga, sundin mo yung bilin ko sayo ah. Buksan mo parin ang Puso mo sa iba, dahil deserve mo mahalin." Anya nito saka mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin. Niyakap ko rin sya ng mahigpit, Isipin ko palang na kukunin sya sa akin ng langit ay parang di ko kakayanin.
Nakatulog ko rin naman sya, inayos ko naman ang mga larawan na kanina ay chinecheck ko, saka ako bumalik sa tabi ni Heather saka ko hinaplos ang kanyang ulo. Mabuti naman at diretso na ang kanyang tulog at hindi na nakaramdam ng sumunod na kirot.
Kinabukasan ay maaga dumating ang Mga magulang ni Heather. Kita ko ang lungkot sa kanilang mga Mukha, Pinatawag daw kasi sila ng Doctor ni Heather at may mahalagang sasabihin.
Nang makalapit sila a Akin ay bigla na lamang naluha si Tita.
"Bakit po Tita? Ano po ang sabi ng Doctor ni Heather?
"Graeson, Hindi ko alam kung paano ko agad matatangap, Ang sabi ng Doctor baka di na umabot ng isang taon si Heather, mas naging critical daw kasi ang condition nya.
"Po? Akala ko po ba may chance pa? Bakit po bigla naman ata." Naluluha na rin na tanong ko dito.
"Yun din ang akala namin Graeson, pero base sa latest check up ng doctor nya Ms lumala daw ang kondisyon nya. Ang sabi ng Doctor nya sulitin nalang daw natin ang Oras na kasama sya. Ibigay nalang daw natin ang mga bagay na gusto nya." Wika ni Tita. Hindi ko na napigilan ang pag agos ng luha sa aking mata. Nakatitig ako sa tulog na tulog na si Heather, ibig sabihin ano mang araw ay pwede nya pala kaming lisanin.
"Heather, wag mo naman sana akong iwan, Baka di ko makayanan agad Babe" bulong ko habang hinahaplos ang kanyang ulo. Ginawaran ko naman sya ng halik saka ako nagpaalam at saka piniling maging mapag isa' kaya ng maagang iyon ay naglakad lakad ako sa oval ng hospital at piniling maupo sa May puno.
"Maya maya pa ay nabaling ang tingin ko sa tatlong tao na naglalakad palabas ng Hospital. Napansin ko ang isa sa muka ng mga naglalakad. Walang iba kundi ang babae sa larawan. At sya rin ang babae na binigyan ko ng Jacket ko noong nakaraan. Nakawak sya sa kamay ng Lalaki na na nasa gitna, habang ang isang babae naan ay naka abresiete rito.
"Dada, narinig nyo po yung sinabi ng doctor diba, dapat po Hindi na kayo kakain ng mga pagkain na ipinagbabawal sa inyo."
"Anak, yon naman talaga ang ginagawa ko, alam mo naman kung gaano ako kaalaga ng Mommy mo sa pagkain. Ngayon lang namin natuklasan na Hindi narin pala ako pwede sa Yellowfin. E dati Rati naman ay nakakakain pa ako, ewan bat ngayon ay biglang nagkaganito, Namantal at Nag vomit ako."
"Hmm, sa bagay, baka nga di lang po maayos Ang luto nung nakain ninyo kaya po nagkaganyan kayo" dinig ko pang sabi ng dalagang kasama nila. Malamang anak nila ito, sa bagay di naman maitatago dahil Magkakamukha nga sila.
"Hinatid ng tanaw ng aking Mata ang mag anak na iyon hangang sa makasakay sila ng kanilang sasakyan.
Napatingin ako sa aking Orasan, Ala sais na ng umaga, ngunit Ang paligid ay tila madilim pa. Napatingin naman ako sa cellphone ko na ang wall paper ay ang larawan naming dalawa ni Heather. Napakaganda pa ng ngiti nya doon, na animo walang iniindang sakit.
Kung meron lamang akong mahihiling sa darating kong kaarawan, pwede bang si Heather nalang? Pwede bang kagalingan nya nalang. Pwede bang makasama ko pa sya ng matagal, Kahit iyon na lamang sana." Wika ko sa isip saka napatingin sas kalangitan.
SERENITY HOPE
Pagkarating ko sa Bahay kanina ay nag quick shower lang ako ulit saka nagbihis ng pamasok. Sinugod kasi namin Si Dadda sa Hospital kaninang ala singko dahil Namantal ang katawan nito at halos nakailang suka na rin, kaya nag decide na kami ni MOmmy kanina na itakbo ito sas hospital, Na Food Poison ang Daddy at inallergy narin, kaya naman pala Ganon ang nangyari, biglaan na lamang kaya sobrang takot ng Mommy kanina. Mabuti naman at walang malubhang sakit ang Dadda. Ni resetahan lamang sya ng gamot at pinayuhan na maging aware as
sa mga Kinakain, malamang daw na contaminated ang yellowfin na nakain ni Dadda kung hindi naman sya allergy doon noon ngunit Bigla na lamang nagkaganon. Habang naglalakad kami ay para bang may nakatingin sa amin, tumingin naman ako sa paligid ngunit wala naman akong Makita, kaya naman tinuloy ko na lamang ang paglalakad kanina hangang sa makaalis kami at nakarating sa Bahay.
Nakatapos na kami sa isang Subject, dahil vacant ang next subject ay inaya naman ako ng aking mga kaibigan na magtungo muna sa Mall na walking distance lang sa University.
1 hour naman ang vacant kaya naman may time parin kami na Kumain muna Dahil maulan ng araw na iyon ay sinuot ko ang jacket ng Lalaki na nagpahiram sa akin noong nakaraan, in case na Makita ko sya ay ibabalik ko sana. Pero dahil nga maulan ay Ginamit ko na muna ulit sakto at maginaw din talaga sa Mall. Pumila naman kami sa Counter, saka inorder ang aming pagkain. Habang naghihintay ay nag paalam na muna ako sa kanila na magbabanyo ako kaya nagtungo naman ako sa ladies room para mag Cr at para makapag retouch narin. Habang Nakaharap ako sa Malaking salamin ay napatingin ako sas Babae na kasabay ko sa Loob, Bahagya syang ngumiti habang nakatingin sya sa akin sa Salamin. Yumuko naman ako saka din bahagyang ngumiti, Hindi ko sya kilala pero kaming dalawa lang kasi ang tao sa CR kaya ang awkward naman kung hindi ko papansinin. Nagulat pa ako ng humarap sya sa akin saka muling ngumiti at nagsalita.
"Ang ganda mo naman Hija, Bagay na Bagay sayo ang Hoodie na suot mo" Anya nito saka muling ngumiti. Maganda ang babaeng kaharap ko, sa tingin ko ay baka matanda ito ng ilang taon kay Mommy. Ngunit kita dito na Maganda lalo ito noong kadalagahan nya, kasi kahit ngayon parang ang Bata nya parin tingnan.
" Ah, itong Hoodie po ba? Hehe bagay po ba? Kaso Hindi po ito sa akin, pinahiram lamang po ito noong lalaki na nakasabay ko sumilong noong nakaraan, ibabalik ko po sana kapag nakita ko ulit sya, kaya lang po di ko pa naman sya nakikita ulit, at sakto naman po na malamig kaya ginamit ko na po muna ulit, hehe" kwento ko dito, natawa din naman ang babae sa kwento ko.
"Naku, napakabait naman pala ng owner nyan Beh, Siguro may pinagmanahan yon kaya ganon, Alam mo bang yung napang asawa ko beh eh nadali din ako dyan sa pa jacket na yan, hehe pinahiram din ako noong natagusan ako, kaya kahit mag asawa na kami yung jacket nya nasa aking parin. Di ko na sinauli hehe."
"Ganon po ba, Ang bait rin po pala ng asawa nyo Mam, siguro po ganyan din yong anak ninyo."
"Ay Oo naman Beh, Super, Kung gaano ka Gentleman ang Tatay nya tingin ko mas sumobra sya. Kaya wala akong ibang nais kundi ang sana ay palagi syang Masaya, Ligtas at malayo sa ano mang panganib" wika ng babae sabay ng biglang pagbakas ng Lungkot sa kanyang mukha, ngunit pinawi din naman nito agad.
"Oh sya Hija, Mauna na ako, Baka inip na ang asawa ko sa Paghihintay hehe." Anya nito saka naunang lumabas ng Banyo. Di rin naman ako gaanong nagtagal, maya maya ay lumabas narin kaya naabutan ko pa silang palabas ng Fast Food. Kasama ng babae ang matangkad na lalaki. Matipuno parin ang katawan nito, Baka ilang taon lang din ang tanda kay Dadda ngunit kita sa tindigan nito na hindi ito basta basta, mukang may sinabi rin ang dating. Naalala ko sila Mommy At Dadda, ganon din sila ka sweet kagaya nitong mag asawang ito. Sana may mga lalaki pa na tulad nila sa aming Henerasyon, yung ituturing din kaming Prinsesa katulad ng turing nila sa Mga Mommy namin.