chapter 1 PAG-ASA SHELTER
JOZEN POV
"MAHAL na mahal kita anak,at yan ang wag na wag mong kalimutan"
"Mama,mama,mama"
"Hey! Jozen wake up!,nanaginip ka na naman"
Bigla akong napabalikwas ng marinig ko ang boses ni sister Leah na ginigising ako.
"Sister!"
Gulat kong tawag sa kanya.
"You're dreaming again?"
I nodded at her.
Napasabunot ako sa aking buhok dahil napanaginipan ko na naman si mama. At yong mga salitang iyon ang palagi kong naririnig mula sa kanya.
"Here,drink this"
Napalingon ako kay sister Leah na may dalang isang basong tubig at inabot sa'kin.
"Maraming salamat sister Leah."
"OH,sya...maiwan na kita dahil gigisingin ko pa ang iyong mga kapatid."
"Sige po. Maraming salamat ulit sister Leah."
"You're always welcome anak"
Napatitig na lang ako sa likod ni sister Leah habang naglalakad palapit sa may pintuan nitong kwarto ko.
Simula ng magising ako pagkatapos ng aking operation,that was 10years ago ay dito na ako dinala. Pagkagising ko si sister Leah ang una kong nakita.
I was searching that time for my mom because I was expected that when I wake up mom is the first person who greeted me first but I was wrong,totally wrong.
Nalaman ko na lang kay sister Leah that my mom passed away. At that time,akala ko ang ibig n'yang sabihin ay umalis si mama,away sabi n'ya eh,kaya ang iniisip ko lumayo si mama at iniwan ako yon pala wala na si mama. Naaksidenti daw si mama. Tandang-tanda ko pa hanggang ngayon kung gaano ako umiyak noon.
Mas okay sana kung umalis na lang s'ya at iniwan ako,dahil kahit papaano alam kong darating ang araw na magkikita pa kami,na makikita ko pa s'ya muli. Pero yong pang-iiwan n'ya sa akin na pang habang buhay ay hindi ko matanggap.
Si mama lang ang meron ako. Hindi ko alam kung sino ang papa ko. Dahil ni minsan hindi binanggit ni mama sa akin ang tungkol sa aking ama. Which is I understand my mom. At hindi ko rin tinangkang itanong sa kanya ang tungkol sa ama ko. My mom is more than enough for me. Kontento na ako na s'ya lang ang meron ako.
"Ate,kakain na daw po!"
Natigil sa paglakbay ang aking isipan sa nakaraan ng marinig ko ang boses ni pet pet sa may pinto.
"Pakisabi pet and'yan na."
Hindi ko na narinig ang kanyang sagot. Dinig ko na lang ang papalayo n'yang mga yabag.
Dali-dali na akong umalis sa aking kama at inayos ito ng mabilisan. After I fixed my bed I quickly get inside my bathroom to do my morning routine as quick as possible. Dahil may pasok pa ako sa University.
Mamaya na ako maligo pagkatapos mag-agahan.
Nasa second year college na ako sa kursong medesina. At nagpapasalamat ako sa taong nag sponsor sa aking pag-aaral simula una pa lang hanggang ngayong college na ako.
"GOOD MORNING everyone"
Masigla kong bati sa mga taong nasa harap ng hapag kainan. Nasa twenty five kami lahat. Limang Madre at twenty naman kaming mga bata na dito na lumaki sa shelter na ito,ang shelter PAG-ASA. At ako yong pinakatanda sa lahat. Yong iba kasi nasa high school,elementary at kinder pa lang.
"Good morning din sayo ate Jozen"
Sabay-sabay din nilang bate sa akin. Ganun din ang limang Madre.
"Anong oras ang pasok mo Joz?"
Napaangat ako ng tingin kay sister Beth.
"Hmmmm anong oras na ba ngayon?" Balik tanong ko sabay tingin sa wall clock na nandito sa dining room.
"Two hours from now sister Beth,may ipag-uutos po ba kayo? Mahabang oras pa naman meron ako."
Tanong ko kay sister Beth. Isa s'ya sa mga madre'ng nag-alaga sa amin. S'ya rin yong sobrang seryoso sa kanilang lima. Si sister Leah naman s'ya yong sobrang lambing naman sa amin.
"Ah,oo meron sana,pakikiusapan sana kitang ikaw na muna maghatid sa mga kapatid mo sa preschool."
"Okay lang po sa akin sister wala pong problema."
"Salamat Joz."
"You're welcome po sister Beth. At saka di n'yo na po kailangang makiusap sa akin dahil tungkulin ko po yon bilang nakakatandang kapatid nila."
"OH s'ya nandito na ba lahat?"
Tanong naman ni sister Ella sa amin. Hindi kasi kami nagsisimulang kumain hangga't hindi kompleto ang lahat.
"Yes sister,nandito na po lahat"
Halos sabay-sabay namang sagot nang aking mga kapatid dito sa shelter.
MATAPOS kong maihatid ang aking mga kapatid ay dali-dali na akong umalis sa preschool pauwi dahil may isang oras na lang akong natitira. Sana man lang walang traffic,mahirap na kong matraffic dahil siguradong lalakarin ko na naman ang highway papuntang University upang huwag lang akong mahuli sa aking klase.
Seryoso akong naglalakad pauwi ng shelter ng may mabangga akong magandang babae.
"What the hell! Bulag ka ba?"
Mura n'ya sa akin dahil sa pagkabangga ko sa kanya.
Pero sa tingin ko pareho kaming hindi nakatingin sa unahan dahil pareho kaming nabangga sa isat-isa.
"I'm sorry"
Nakayuko kong paumanhin sa kanya.
"Tssk. Nabangga mo na ako,your sorry is useless. Tumabi ka nga!"
Wala akong nagawa kundi ang tumabi. Muntik pa akong ma out balance dahil sa lakas ng kanyang pagtabig sa akin.
Sungit naman,nagsorry na nga ako eh,s'ya nga hindi nagsorry sa akin eh pareho lang naman kaming bumangga sa isa't-isa.
Bubulong-bulong ko habang naglalakad pauwi.
MAKALIPAS ang trenta minutos sa wakas nakarating na rin ako sa shelter. Dali-dali na akong pumasok sa banyo. I get a quick shower,and then fix myself. Sa sobrang bilis ng aking mga kilos I only spend 20minutes overall. From shower to dress up.
"Sister Leah aalis na po ako!"
Sigaw ko sa loob ng shelter. Hindi ko kasi makita kung saan s'ya. Pero sigurado naman ako na maririnig n'ya ang sigaw ko dito sa loob ng shelter. Nag-e-echo kasi,sa lawak ba naman kasi nitong shelter.
"A'right. Be careful anak!"
See? She heard me.
Napangiti na lang ako.
Mabuti na lang at walang traffic at nakarating ako ng University on-time. May trenta minutos pa nga akong natitira bago ang first subject ko.
Naisipan kong tumambay muna sa library dahil 30minutes is long enough for me to study our lesson today. Mas mabuti na yong may alam na ako kahit konti bago magsimula ang klase.
As I walked to the library I bumped someone.
Again...Sabi ko sa aking isip.
Haist,bakit ba suki ako ngayong araw sa banggaan. Himutok ko sa aking sarili.
Muntik pa akong matumba kong hindi lang naging maagap ang taong nakabanggaan ko. Ang malas ko naman.
"Are you okay miss?"
Napaangat ako ng mukha ng wala sa oras because of his baritone voice. Kaya nabangga yong ulo ko sa baba n'ya. Haisst nga naman.
Napahimas tuloy ako sa aking ulo dahil mejo masakit ito. At sigurado akong mas masakit yong baba n'ya kaysa sa ulo ko. Baka nga dumugo pa yong bibig n'ya.
Napayuko na lang ako dahil sa katangahan ko.
"I'm sorry,I didn't-"
He cut me off of what I'm going to say.
"No,it's my fault. So,I should be the one to apologize to you."
Dahil sa sinabi n'ya tuloyan na akong napaangat ng mukha at tumingin sa kanya.
"Monique?"