KANINA pa napapansin ni Shania na ang ganda ng ngiti ni Xander at parang ang saya-saya nito. Tumigil na siya sa pag-iyak nang dumating at nagpaliwanag sa kaniya ang asawa at nauwi pa iyon sa maalab na halikan. Mabuti ay natauhan siya kaagad at hindi sila umabot kung saan. Ngayon ay pinaghahanda siya ng pananghalian ni Xander sa kwarto dahil ala-una na ay hindi pa siya nakakapanangahalian at ganoon na rin si Xander. Nakakadama siya ngayon ng hiya dahil sa lahat ng ginawa niya kanina. Umiyak siya at sinabi niya kung gaano siya nasaktan sa nalamang nakipagkita na naman ang asawa kay Maan. “Kain na tayo,” nakangiting aya sa kaniya ni Xander. Nakapangbahay na ngayon ang asawa at mukhang wala na itong planong bumalik sa trabaho. “B-bakit ba ngiting-ngiti ka diyan?” naiinis na sita niya kay

