Part 10

2290 Words

“MAGLAKAD NA lang tayo,” yakag niya kay Yumi. Mahigit sampung minuto na ang lumipas at wala pa ring bakanteng taxi na dumadaan. “Iniwan natin si Brian sa loob,” sa halip ay sabi ni Yumi. “Hayaan mo siya. Malaki na iyon. Makakauwi naman iyon mag-isa.” “Paano iyong mga iorder natin doon? Baka walang pambayad si Brian.” Nag-aalala ang tinig ni Yumi. “Huwag kayong mag-alala. Nabayaran ko na.” Halos sabay silang napakislot nang makita si Brian palapit sa kanila. Kunot ang noo nito. “Tatakasan ninyo pa ako, ha.” “Lilipat lang kam ng bar,” katwiran niya. “Oo nga. Pero tatakas pa rin kayo.” “Am, Brian, dahil nandiyan ka na sabay-sabay na tayo--” “Yumi.” “Uuwi na tayong tatlo,” matigas na sabi ni Brian. “Wait, anong uuwi? Sino ka para mag-decide? Lakad namin ito. Sabit ka lang dito, ah?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD