"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong gawin sa akin ito! Napakasama mo! Sabagay, hindi pa nga pala kita ganoon kakilala..." Mabilis na pinunasan ni Sam ang tumulong luha sa pisngi. Tumayo siya sa gitna ng sala at matalim na tumingin sa walang emosyong mukha ni Rick. Pabagsak namang naupo si Rick sa sofa. Pagkarating pa lang nila sa bahay, ganito na ito kaingay. Nakakarindi! "Hindi ko nga alam ang sinasabi mo. At isa pa, hindi ba, may mga kinain sila bago ka pa man dumating? At hindi mo rin iyon nakain o natikman kaya. Sa tingin mo, bibigyan ba kita ng pagkain kung ikamamatay mo? May nangyari sa atin ng gabing iyon. Ganoon ba ako kasama? Kung sinabi mo kaagad na hindi ka pala kumakain ng dinuguan, 'di sana hindi na lang iyon ang niluto ko. Nag-effort pa ako tapos pagbibintan

