Nagulat man sa biglaang paglitaw ng magkasintahan ay hindi nagpahalata si Rick. Marahan niyang inilapag ang tatlong glass wine sa lamesang nasa gitna ng sala. Nang mabasa niya ang utos kanina, medyo nag-alangan siya kung paano niya magagawa ang plano. Siguro, suwerte siyang matatawag dahil narito na mismo ang taong iyon at hindi na niya kailangang gumawa ng alibi para papuntahin ito. Nasa harap na niya ang kaniyang prospect. Si Tim. Kung gusto mong matupad ang iyong ikalimang wishlist, kailangang may magbuwis ng buhay na mahalaga alinman sa inyong dalawa. Sabagay, kung wala naman si Tim, ang ina ni Shey ang papatayin niya sana. Mahalaga ito sa dalaga. Kaso, mas gusto niya talaga ang kasintahan nito para wala nang hadlang kung sakali. Kaya kanina, nilagyan na niya ng lason ang kopita n

