Idineklarang dead on arrival si Shey. Dahil doon ay nasuntok ni Tim si Rick at nagsisigaw na siya ang may kasalanan ng lahat. Mabilis namang napaghiwalay ang dalawang lalaki. May malapit na police station sa lugar kaya kinuha muna ang kani-kanilang panig. Dahil wala pang matibay na ebidensiya, pinauwi na muna sila sa kani-kanilang bahay at iimbestigahan muna ang kaso. Tulalang pumasok ng bahay si Rick. Dumiretso siya ng banyo at doon ay napatitig sa salamin. Hindi na niya kinaya at napasigaw siya sa sobrang hinagpis. Nasuntok niya pa ang salaming nasa harapan at parang manhid na inulit pa ng dalawang beses bago tumigil. Halos puro bubog na ang kaniyang kamao at puno na rin ito ng dugo. Sumisigaw na patuloy na tinatawag ang pangalan ni Shey. Napaupo na siya sa baldosa at impit na umiiya

