Kanina pa naiinis si Rick at hindi man lang sinasagot ni Sam ang cellphone. Kanina pa siya dayal nang dayal dito at mukhang wala talaga itong balak na sagutin ang tawag niya. Nanggigigil na idinayal niyang muli ang cellphone at sa ikalimang beses ay hindi pa rin nito sinagot. Nagpaalam siyang uuwi lang saglit at may kukunin lang. Subalit, hindi siya pinayagan ng pulis na ito. Kailangan pa naman niya ang notebook! Iyon na lang ang natitira niyang pag-asa. Ang ilalagay sa wishlist 6 para makalaya siya at hindi na mapanagot sa lahat ng kaniyang kasalanan. Kaso ito nga, hindi naman sumasagot ang paimportanteng babaeng ito. "Ano, hindi ka pa rin ba sinasagot ng abogado mo?" nakangising tanong ng pulis na nag-imbestiga sa kaniya kanina. Nagtitimping umiling siya sa nasabing pulis. Kanina pa

