Biglang tumayo si Sam at yayakapin sana ang palapit na si Rick na may mga nakasunod na pulis. Subalit, isang babaeng may katabaan ang tumabig sa kaniya mula sa likuran na muntik na niyang ikasubsob. Mabilis ang mga pangyayari. Nakalapit ito kay Rick at pinagsasampal ng walang humpay ang lalaki. Panay iwas ang ginawa ni Rick dahil nakaposas ang kaniyang mga kamay. Kaagad namang inawat ito ng mga pulis. Nagsisigaw naman sa galit si Aling Tanya kahit pa hawak siya ng isang pulis na naroon. "Punyeta ka! Magbabayad ka sa ginawa mo kay Jane, hayop ka!" Sumisipa-sipa pa ito at pilit na sumusugod sa walang imik na si Rick. Mabilis na lumapit si Sam kay Rick at binalingan ang matabang babae. "Hoy, hindi pa napapatunayan kaya wala kang karapatang pagbintangan si Rick!" Umangkala pa si Sam sa ta

