Wala naman talagang nakalimutan si Esperanza. Bumalik lang siya sa kuwarto niya para pakalmahin ang sarili. Hinagod niya ang ulo upang kahit paano ay mapawi ang tensiyong sumanib sa kaniyang katawan. Tahimik na ang kaniyang mundo at ayaw na niyang guluhin iyon. Pero sa pagsulpot ni Lucas, hindi niya maiwasang isipin na komplikasyon lang ang dala ng binata sa buhay niya. Oo nga't matagal nang tapos ang ano mang ugnayan mayroon sila, pero nakaiilang kasama ito sa isang lugar. Lalo't nasa tabi niya pa ang kaniyang nobyo. Ililihim niya ba kay Salvino ang naging relasyon niya rito? Na si Lucas ang lalaking unang umangkin sa kaniya? Narinig niya ang pagpihit sa seraduhan ng pinto. Lumingon siya. Napaawang ang labi niya nang makitang si Lucas ang nasa likod ng pintuan nang bumukas iyon. Sumulak

