Kabanata 25

2217 Words

Naiinip na sinulyapan ni Esperanza ang mga nakahilerang sasakyan. May ilang kalesa at awtong kagaya ng lulan nila ang nasa kanilang unahan. Kung siya ang tatanungin, mas gusto niya sa kalesa o sa kabayo kaysa nakakulong sa loob ng Cadillac nila. "May aksidente ba? Ba't 'di tayo gumagalaw?" tanong niya. Nakaupo siya sa likuran ng sasakyan kasama si Conchita. "May mga taga-Munisipyo hong nakaharang sa daan. Tinitingnan ho yata nila 'tong kalsada para sa balak nilang pagsesemento," sagot ng kanilang tsuper, si Mang Cardo. Umikot ang mata niya. "Sa dami naman ng araw, ngayon pa isinabay 'yan kung kailan tayo lumabas." "Sisihin mo 'yang kuya mo. S'ya 'tong mayor, pero hindi ka man lang inabisuhang may gagawin pala sila ngayong araw," sabat ni Conchita. Nanalong alkade ng Gapan, Nueva Ecija

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD