Kabanata 15

2099 Words
Naparami ng inom si Lucas. Susuray-suray siyang umakyat ng hagdanan. Kumapit siya sa hamba nito upang hindi mahulog. Madilim na paligid ang sumalubong sa kaniya. Nakailang hakbang pa lang, bumunggo siya sa silyang nakaharang sa kaniyang dinaraanan. Nahihirapang hinugot niya mula sa kaniyang bulsa ang kahon ng posporo. Lumiwanag ang paligid nang masindihan niya ang lamparang nasa ibabaw ng mesa. Kinuyumos niya ang mukha sa kaniyang palad. Para bang mababawasan niyon ang kaniyang kalasingan. Hinubad nito ang suot na kamiseta at pabalang na itinapon sa sahig. Pumihit siya. Lalong umikot ang paningin niya. Inihakbang niya ang paa para balansehin ang sarili pero napatid siya. Bumagsak siya at sumubsob ang mukha niya sa tiyan ni Esperanza. "Umph!" Igik ni Lucas. Naalimpungutan si Esperanza, ngunit hindi nito nagawang bumalikwas. "Lucas, ano bang ginagawa mo r'yan? Tumayo ka nga r'yan!" Kumayod ang mukha niya sa tiyan nito nang iniangat niya ang mukha. Bumungisngis siya. "Ikaw na naman? Bakit ba sinusundan mo ako? Kahit saan ako tumingin, ikaw ang nakikita ko!" mabagal at paputol-putol na sabi niya. Nangangapal kasi ang kaniyang dila. "Lasing ka ba?" Isinubsob uli ni Lucas ang mukha sa tiyan ng dalaga bago niya sinabing, "Hindi... ako... lasing." Sinabayan niya iyon ng iling. Napaigtad si Esperanza. Nakiliti ito. Dapat sana magagalit ito, pero parang gusto nitong humagikgik. "Lasing ka nga! Lucas, tigilan mo 'yang ginagawa mo!" Huminto naman siya. Itinukod niya ang siko at saka siya gumapang paakyat hanggang nasa mismong harapan niya na ang mukha ng dalaga. "Ano'ng gagawin mo kung ayaw kong tumigil? Kaya mo ba akong labanan? Saka, ba't ako aalis dito, ang sarap kaya rito." Bumaba ang ulo niya pagkasabi niyon. Itinulak siya ng dalaga. Ngunit sadyang mabigat ang binata. Bahagya lang siyang umangat. Bumaba uli ang ulo niya. Iniiwas naman ng dalaga ang mukha kaya sa leeg nito dumapo ang labi niya. Naramdaman niya ang init ng katawan nito at nasamyo niya ang mahinhing amoy nito. Masarap sa ilong iyon, hindi tulad ng amoy ng mga babae sa kabaret. Pinadaanan ng ilong niya ang leeg at balikat nito. "Ba't iba ang amoy mo? Para kang pagkain, gusto kitang isubo sa bibig ko at do'n ka namnamin nang mabuti." Nanigas si Esperanza. Ibang kiliti naman ngayon ang naramdaman nito. Iyong klase ng kiliting sagad hanggang buto at sumisentro sa sensitibong parte ng katawan. Nilabanan nito ang sensasyong iyon. Itinulak uli nito si Lucas. Lalo naman idiniin ng binata ang sarili sa katawan nito. Ibinuka ni Lucas ang bibig saka marahang sinipsip ang leeg ng dalaga, sa sulok kung saan nagtatagpo ang balikat at leeg. "Tama ako, masarap ka nga. Lasang pinipig. Mabango na, matamis pa. 'Di tulad ng iba, ang tapang na nga ng amoy, lasang ampalaya pa." Humagikgik siya. Parang may nakakatawa sa sinabi niya. Kumunot ang noo ni Esperanza. "A-ano kamo?" Sa halip sumagot, dinampian ni Lucas ng masuyong halik ang balikat nito. Pumiksi ang dalaga at muli siyang itinulak. Hinagip niya ang dalawang kamay at ikinulong sa taas ng ulo nito. Bumilis at lumalim ang paghinga nito. "Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo, Lucas. Umalis ka na r'yan." Matamang tinitigan lang niya si Esperanza. Ang mata. Ang ilong. Ang mga labi nitong tila nang-aaya. Dahan-dahang bumaba ang ulo niya hanggang dumampi ang labi niya sa mga labi nito. Ahh! Napakalambot ng mga labi ni Esperanza. Sinimsim niya ang labi nito na para bang humihigop siya ng kape. Inuna niya iyong ibaba at nang magsawa, iyong itaas naman ang tinikman. Pinaikot niya ang kaniyang dila at pinilit niyang ipasok iyon sa bibig ng dalaga. Naramdaman niya nang bumigay si Esperanza, kaya't napasok niya ang loob nito. "Halikan mo rin ako," utos niya, bumalik agad ang labi niya rito. Saglit na nag-alangan si Esperanza, pero maya-maya'y tinugunan nito ang mga halik ng binata. Umungol si Lucas. Nagustuhan niya ang ginawa nito. Idiniin niya ang naghuhumindig na p*********i niya sa puson nito. Pinaliguan niya ng halik ang mukha nito bago bumaba ang labi niya sa leeg at balikat nito. Pero kulang sa kaniya iyon! May iba pa siyang hinahanap. Nagmamadaling inililis niya pataas ang suot ni Esperanza. Hinimas niya ang dibdib nito. Nilamas. Dumaan ang hinlalaki niya sa tuktok niyon na agad namang tumigas. Umungol siya. Iyon pa lang, parang lalabasan na siya. Lalo na nang marinig niya ang mahinang daing ng dalaga. Hindi na siya makapaghintay, dinilaan niya ang tugatog ng dibdib nito bago niya iyon ipinasok sa kanyang bibig. "L-lucasss," daing nito. Sinipsip niya iyon. Pinaikot doon ang kaniyang dila. Pinisil niya ang dibdib nito. Hinimas ang katawan nito. Napamura siya. Hindi niya alam kung ano'ng uunahin! Tumawid siya sa kabilang dibdib nito. At iyon naman ang kaniyang pinaglaruan. Pero may kulang pa. Hindi pa rin sapat para sa kaniya iyon. Dumaing uli si Esperanza sabay ng pagliyad ng balakang nito. Parang tinatawag niyon ang kaniyang pansin. Bumaba ang kamay niya. Kumapit iyon sa balakang nito. Naglakbay sa matambok na puwet nito saka iyon pinisil. Gumapang uli ang kamay niya papunta sa sugpungan ng mga hita ni Esperanza. Sabay silang umungol nang mahawakan niya iyon. Pero nang pinaikot niya ang daliri sa sensitibong parte nito, napaigtad ito at bigla na lang siyang itinulak. Sumadsad siya patihaya sa sahig. Tumama ang batok niya sa matigas na bakya. Para siyang nakakita ng bituin sa langit. Ipinikit niya ang mga mata. Sa sobrang liyo, dahil sa pagkakauntog at dahil na rin sa kaniyang kalasingan, nakatulog siya. ILANG SAGLIT NA tulala si Esperanza. Hinayaan nga ba niyang lapastanganin siya ng ganoon ni Lucas? Lumingon siya sa lalaki. Nakahiga pa rin ito doon. Hindi kumikilos. Napabalikwas ng bangon si Esperanza, sabay lilis pababa ng suot niya. Kinabahan siya. Napatay niya ba ang binata? Paluhod na gumapang siya papunta kay Lucas. Mahinang tinapik niya ang pisngi nito. Walang reaksiyon! Idinikit niya ang pisngi sa ilong nito. Pinakiramdaman niya kung humihinga pa ito. Parang bumura iyong puso niya sa lalamunan niya. Bigla kasing humilik si Lucas. Nabubuwisit na niyugyog niya ang balikat ng lalaki. "Lucas, gumising ka't mahiga ka ro'n sa higaan mo!" Malalim pa rin ang tulog nito. Pinagulong niya ito papunta sa banig niya. Ewan niya ba kung bakit hindi niya na lang hinayaang matulog ito sa sahig. Doon siya natulog sa papag ni Lucas. Habang nakahiga siya roon, inalala niya ang nangyari kani-kanila lang. Bakit hinayaan niyang gawin ni Lucas sa kaniya iyon? Lumaban naman siya nang una, pero nadarang siya sa init ng halik nito. Napakahirap tanggihan ang pagsalakay nito sa mga labi niya. Unti-unti nitong tinibag ang depensa niya hanggang sa maubos ang lakas niya. Wala siyang pagpipilian kung 'di ang sumuko. Ibang klaseng pagsuko. Dahil nagustuhan niya ang ginawa nito. Sobra. Nakatulog na rin siya. Mahinang ingay mula kay Lucas ang gumising sa kaniya. Umaga na pala. Nilingon niya ito at nakita niyang gising na ito. Nakaupo ito sa sahig, sapo ng palad ang ulo nito. Lumingon din si Lucas sa kaniya. Parang naramdaman nito na gising na rin siya. Bumangon siya at umupo sa gilid ng kama. Hindi pa rin siya nilulubayan ng tingin ni Lucas. Nagtama ang kanilang paningin. Namilipit ang lamang loob ni Esperanza pero pinilit niyang itago iyon. Paano niya pakikiharapan ang lalaki matapos ang pangyayari kagabi? Hinintay niyang si Lucas ang unang magsalita. Sinuyod ni Lucas ang kaniyang ulo. Masakit pa rin iyon. Umigik ito nang dumaan ang kamay nito sa bandang batok. Hinimas niya iyon. May bukol siguro ito. Naisip ni Esperanza nang mabasa niya ang pagtataka sa mga mata nito. Lumibot ang paningin ni Lucas sa hinihigaan nito at saka tumingin sa kaniya. Nagtatanong ang mga mata nito. Hindi na nakapigil si Esperanza. "Lasing kang dumating kagabi at d'yan ka nakatulog sa sahig. Pinahiga kita sa tulugan ko, kaya lumipat ako rito." "Iyon lang ba ang nangyari? Paano ako nagkabukol?" Hindi ba matandaan ni Lucas ang namagitan sa kanila kagabi? Halo ang emosyon niya. Hindi niya alam kung magpapasalamat siya o magagalit dito. Mabuti na rin sigurong nakalimutan nito iyon. Pero hindi niya mapigilang mainis pa rin dito. Unang halik niya iyon! "Nadapa ka sa kalasingan mo. Tumama 'yang ulo mo sa bakya ko!" "Nadapa pero batok ko ang tinamaan? Di ba dapat noo?" "Hindi ko alam kung paano mo ginawa. Basta gano'n!" Tumayo siya at dumiretso sa banyo. Pagbalik niya, nakatayo na si Lucas sa gitna ng silid. Para itong naguguluhan. Nakatingin ito sa palad nito. Agad nitong ibinaba iyon nang marinig siya nito. Nilagpasan niya ito. Yumuko siya at sinimulang itiklop ang mga pinagtulugan. Kinakabahan siya. Iba kasi ang ikinikilos ni Lucas. May naaalala na ba ito? Hinarap siya nito. "Nagsasabi ka ba ng totoo, Esperanza?" "Bakit? Mayroon ba akong dapat itago sa 'yo?" Kumunot ang noo nito. Matamang tinitigan nito ang mga labi niya. Inilahad nito ang isang kamay at iyon naman ang pinakatitigan. Umiling ito bago lumipat ang paningin nito sa dibdib niya. Uminit ang pakiramdam niya. Pati pisngi niya namula. "Para kasing..." Ibinulsa nito ang kamay. "Ano?" "Sigurado ka bang sinabi mo lahat ng nangyari kagabi?" "Oo. Tulog ako nang dumating ka. Nagising lang ako nang bumagsak ka." Umuusok na ang ilong niya. "Saka, ano namang dahilan ko para magsinungaling sa 'yo?" "Sigurado kang..." Nag-alangan ito. Tinaasan niya ito ng kilay. "Sigurado kang... hindi mo ako hinalay? Lasing ako. Wala sa sarili. Baka kung ano nang ginawa mo sa 'kin." Namula ang paligid ni Esperanza. Dinuro niya si Lucas. "Ang kapal mo rin! Ako? Pagsasamantalahan ka? Baka ikaw pa ang humalay sa akin!" Tumalas ang mata ni Lucas. Naging alisto. "May ginawa ako sa 'yo?" "Ay, ewan ko sa 'yo. Basta ako, sinagot na kita kanina pa." Inilagay niya sa sulok ang tinuping banig. Nakahinga siya nang maluwag nang pumunta si Lucas sa banyo. Pero naalinsanganan uli siya nang bumalik ito. Dumiretso ito sa kabinet at kumuha roon ng kamiseta. Nagkunyari siyang abala. Na balewala sa kaniya ang presensiya nito. Dinampot niya ang maruming damit sa lagayan. May nahagip siyang amoy nang kinuha niya ang hinubad na damit ni Lucas. Iyon ang suot nito kahapon. Idinikit niya ang ilong doon. Amoy pabango ng babae. Mumurahing pabango. Masakit sa ilong. Matapang. Parang may bumubulong sa kaniya, ipinaalala ang mga katagang binigkas ni Lucas. Ba't iba ang amoy mo? Para kang pagkain, gusto kitang isubo sa bibig ko at do'n ka namnamin nang mabuti. 'Di tulad ng iba, ang tapang na nga ng amoy, lasang ampalaya pa. Humigpit ang kapit ni Esperanza sa kamiseta. 'Di yata't may babaeng ikinama si Lucas habang nasa bayan ito! Naghimagsik ang kalooban niya. Gusto niya itong sugurin at sumbatan. Pero wala naman siya sa lugar para gawin iyon. Ginagago ka ng lalaking 'yan! Pinakialaman ka pa matapos n'yang makipagtalik sa ibang babae! Ano? Gano'n na lang 'yon? Sulsol ng isang panig ng utak niya. "Sinong babaeng kasiping mo no'ng bumaba ka sa bayan?" Hindi niya napigil ang bugso ng kaniyang damdamin. Lumingon si Lucas sa kaniya. Nabigla. Tumingin ito sa kamisetang hawak niya. "Amoy pabango ng babae 'tong suot mo!" Dumilim ang mukha nito. "Kung mayro'n man akong sinipingan, wala ka nang pakialam do'n," mahina ngunit mariing sabi nito. Tumalikod ito at humakbang palabas ng bahay. Para siyang sinampal nito. Napahiya siya pero mas nanaig ang sakit na gumuguhit sa kaniyang dibdib. "May babae ka nga," sumbat niya, may lakip na hinanakit iyon. Huminto si Lucas sa paglalakad. Tumingala saka humugot nang malalim na hininga bago ito humarap sa kaniya. "Inaamin ko, pumunta kami ni Goyo sa kabaret. Lumapit sa 'min ang ilang babae ro'n. Tumabi sa mesa namin. Pero pumasok ako ro'n at lumabas na walang kasamang babae." Numipis ang labi nito na parang hindi nito nagustuhan ang ano mang pumasok sa kaniyang isipan. Lumipat ang paningin nito sa labi niya bago bumaba sa dibdib niya. Nakita niya ang kakaibang init sa mata nito nang muli itong tumitig sa kaniya. Tinugunan ng katawan niya ang init na iyon. May sensasyon siyang naramdaman sa pagitan ng kaniyang hita. Saglit lang iyon dahil parang kisap-matang naglaho ang pagnanasa sa mata nito. "Hindi ko alam kung bakit kailangan kong sabihin kung may babae akong sinipingan. Kung tutuusin, wala akong dapat ipaliwang sa 'yo." Ipininid nito ang pinto paglabas nito. Tama si Lucas. Wala siyang karapatan. Hindi sapat iyong namagitan sa kanilang dalawa kagabi para panghimasukan ang buhay nito. Ni hindi nga nito matandaan na muntik na nitong makuha ang p********e niya. Si Aling Esther ba ang may kasalanan? Ito iyong nagtanim ng binhi sa kaniyang isipan na mag-asawa sila ni Lucas. Kaya ba umaakto siya na may relasyon sila ng lalaki? Sinita ni Esperanza ang sarili. Walang ibang may kasalanan kung 'di siya. Dahil hinayaan niyang mahulog ang damdamin niya sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD