Naaninag ng dalaga ang emosyong nakabakas sa mukha ni Lucas sa tulong ng liwanag ng hawak nitong sulo. Napaatras si Esperanza. Magkahalong takot at pagnanasa ang naglakbay sa sistema niya. Takot dahil nagdulot ng pangamba ang mabagsik at mapang-uyam na titig ng binata. Pagnanasa dahil hindi niya alam kung mula sa liyab ng sulo o mula kay Lucas ang init na dumapo sa kaniya. Humaplos ang init na iyon sa mukha hanggang kumalat iyon sa buong katawan niya. Kinapos ng hangin ang baga niya. Suminghap siya. Isang malaking pagkakamali dahil nalanghap niya ang lalaking amoy ng binata. Ilang dangkal na lang kasi ang pagitan nila nang huminto ito sa harapan niya.
"Iyon ang gusto mong mangyari, 'di ba? Ang ibalik ka sa inyo? Ngayon pa lang, alisin mo na 'yan sa isip mo dahil malayong gawin ko 'yon."
"Kahit na iyon lang ang paraan para mailayo ako sa disgrasya? Paano kung sabihin ko sa 'yong nagsinungaling ako kanina at talagang may nanakit sa 'kin?"
"Hindi ako tanga. Kahit 'di mo sabihin, alam ko 'yon. Ang ipinagtataka ko, ba't kailangan mo pa silang pagtakpan?"
"Dahil 'pag tinuro ko sila, tiyak na gagantihan nila ako."
"Kapag nanahimik ka, nakasisiguro ka bang 'di ka nila babalikan? Kung 'yan ang akala mo"—umiling si Lucas—"nagkakamali ka. Kaya kung ako sa 'yo, magtapat ka na."
"Bakit? Para managot sila? Akala ko ba, galit ka sa mga taong nagbibigay ng parusa, gano'n ka rin naman pala!"
"Ibahin mo ako sa 'yo. Dahil ako, marunong akong makinig. At kahit kailan, hindi ko ipag-uutos pumatay ng tao nang dahil lang sa maliit na bagay!"
Tinakasan ng kulay sa mukha si Esperanza. "Inaamin ko, nagkamali ako no'ng hindi kita binigyan ng pagkakataong magsalita. Pero sa maniwala ka't sa hindi, ang gusto ko lang mangyari, dalhin ka sa presinto. Hindi 'yong bugbugin ka at iwang halos wala nang buhay."
"Napakadali sa 'yong ipasa sa mga tauhan mo ang lahat ng mali mo dahil wala sila rito para mangatwiran. Naghuhugas kamay ka, pero hindi mo akong kayang lokohin. Kalat sa lugar ninyo ang ugali mo. Malupit ka, pareho ng lolo mo."
Gustong sumabog ng dibdib ng dalaga. Masakit makarinig ng pintas sa klase ng pagkatao niya.
"Siguro nga, malupit ako. Iyon kasi ang nakagisnan ko, ang turo sa akin. Ikaw, ano'ng dahilan mo? Malupit ka rin naman, 'di ba?"
Humakbang si Esperanza upang lumayo sa binata. Natabig niya ito sa balikat. Itinuloy niya pa rin ang paglalakad. Mabilis iyon, parang mga kamay ng orasan, naghahabulan.
Sumunod agad si Lucas. "Wala pa ako sa kalingkingan n'yo kung kalupitan ang pag-uusapan."
"Salamat dahil wala pa rin palang tatalo sa 'min."
"Akala mo, biruan lang 'to!"
"Tumatawa ba ako?"
"Nang-iinis ka ba?"
"Ano sa tingin mo?"
"Malapit nang maubos pasensiya ko." Nanggigigil si Lucas. "Sa lahat naman ng pwedeng saklolohan, ba't ikaw pa ang tinulungan nila Buboy."
Pakiramdam ni Esperanza, napakawalang kuwenta niyang tao para bigyan ng tulong. Mas gugustuhin pa siguro ni Lucas na hayaan siya sa mga taong dumukot sa kaniya kaysa mapadpad siya sa lugar nito.
Sumingkit ang mata niya. May sumakit sa tagong parte ng puso niya, pero pinigilan niyang bumuhos ang talagang damdamin niya. Bakit ba tinatablan siya sa mga salita nito?
"Sa lahat din ng lalaking nakilala ko, ikaw ang—"
Natisod siya. Hindi niya napansin ang nakausling ugat sa daraanan niya. Tumigas ang katawan niya at inihanda ang sarili sa sakit ng pagbagsak.
Maagap na hinawakan ni Lucas ang kanang braso ni Esperanza. Pero mabigat ang dalaga. Hindi kaya ng isang kamay lang para pigilan ang pagbagsak niya. Binitiwan ng binata ang hawak na sulo at dinakma nito ang tagiliran ni Esperanza, sa ibaba ng kaliwang kilikili. Dahil may kalakihan ang kamay nito, bahagyang nahawakan nito ang malusog na dibdib ng dalaga.
Nang mabawi ni Esperanza ang kaniyang balanse, pumihit siya paharap kay Lucas. Sinampal niya ito nang buong lakas. "Bastos! Hayop ka! Ang daming pwedeng hawakan, do'n pa talaga!"
Tigalgal si Lucas. Hindi ito nakailag.
Hinampas niya sa dibdib ang binata. "Sinadya mong do'n ilagay ang kamay mo! Pare-pareho kayong mga lalaki, mapagsamantala!"
"Teka—" Sinubukang hulihin ni Lucas ang mga kamay ng dalaga.
"Kunyari ka pa, bastos ka rin pala!"
"Kung sa tingin mo, sinadya ko—"
Lumiwanag ang paligid. Nagliyab ang tuyong d**o sa tabi ng nahulog na sulo.
"Anak ng pu—" Tinapakan ni Lucas ang pinakamalapit na apoy sa paanan nito. Pero hindi umobra ang liksi nito sa bilis ng pagkalat ng apoy. Hinubad nito ang kamiseta at iyon din ang ginamit nitong pag-apula ng apoy. Tapak. Hampas. Tapak. Hampas.
Kumilos na rin si Esperanza. Kahit marami siyang kaaway sa lugar na iyon, ayaw pa rin niyang masunog iyon. Ginaya niya si Lucas. Tinapakan niya ang gumagapang na apoy. Ilang minuto rin silang nakipaglaban hanggang sa maapula iyon.
Yumuko si Lucas at humihingal na ipinatong nito ang mga kamay sa tuhod. Para bang naubusan ito ng lakas. Iniangat nito ang mukha bago dahan-dahang tumayo.
Madilim ang paligid pero ramdam ni Esperanza na sa kaniya nakatutok ang mga mata ng lalaki. Napakagat-labi siya. Ano na naman kayang pagpapahirap ang gagawin ni Lucas sa kaniya?
"Uwi!" madiin ngunit mahinang sabi ni Lucas. Itinuro nito ang direksyon ng kanilang kubo.
Napaigtad si Esperanza. Mahina lang iyon pero mas nakatatakot iyong pakinggan. Kinilabutan siya. Mas gugustuhin niya pang sumigaw ito.
Tumalima siya sa utos ng binata. Nasa likuran niya ito habang naglalakad sila. Pinatalas niya ang kaniyang pandinig. Nangangamba siyang gawan siya ng masama nito. Tumaas ang balahibo sa kaniyang likod at pakiramdam niya, lumaki ang kaniyang tainga.
Wala siyang narinig na kakaibang kilos mula sa lalaki. Tanging ingay ng mga insekto sa gabi ang rumehistro sa isip niya. Lumunok siya nang makailang beses kahit na ang totoo, nanunuyo ang lalamunan niya.
Nag-alangan siyang humakbang nang dumating sila sa sangang daan.
"Kaliwa!" sabi ni Lucas.
Nagsitaasan ang mga balahibo ni Esperanza sa braso. Makaabot kaya siya sa bahay nang buhay pa? O, talagang hinihintay lang nito na makarating sila sa bahay bago siya patayin nito?
Tumigil ka! Sita niya sa sarili. Kung may balak itong masama sa kaniya, dapat kanina pa nito ginawa.
Nakahinga lang siya nang mabuti nang matanaw niya ang kanilang tirahan. Nauna nang naglakad si Lucas. Umakyat ito sa bahay. Ilang sandali lang ang lumipas, lumiwanag sa loob. Sinindihan nito ang lampara.
Lakas-loob na umakyat si Esperanza. Naglalandas ang malamig na pawis sa kaniyang mukha. Pagpasok niya, nakita niyang nakaupo si Lucas sa papag. Naghuhubad ito ng bota. Pabalibag na inihagis nito ang bota sa sulok ng bahay. Kasunod niyon ang medyas.
Sinulyapan siya ni Lucas. Madilim pa rin ang mukha nito. Umiling ito. "Bilib din ako sa 'yo. Iyong ilang taong pinaghirapan naming itayo, sa isang iglap lang"—gumawa ng mahinang tunog ang pagpitik ng dalawang daliri nito—"mawawala na. May balat ka yata sa puwet. Mabuti nga sigurong ibalik na kita sa inyo bago kami magkamalas-malas."
Sino ba ang may hawak ng sulo? Hindi ba ito? Inutusan niya ba itong bitiwan iyon?
Nanigas ang panga niya sa pagpigil sa sariling sagutin ito. Baka kung saan na naman mapunta ang pag-uusap nila.
Binuksan ni Lucas ang butones ng pantalon bago ito humiga sa papag. Ipinatong nito ang isang braso sa noo. Wala itong suot na kamiseta kaya kitang-kita ang pagtaas-baba ng dibdib nito.
Lumuwag ang nagsisikip na lalamunan ni Esperanza. Mukhang tutulugan siya ng lalaki. Talo niya pa ang maamong tupa nang umupo siya sa silya at hinubad ang suot sa paa. Nagtungo siya sa kabinet at binuksan iyon. Hinawakan niya ang damit pambahay pero nagtalo ang loob niya kung gagamitin iyon. Naisip niya, mas magandang nakapantalon siya. Mahihirapan si Lucas na hubarin iyon kung may balak itong pagsamantalahan siya.
Ano'ng isusuot niya? Hindi niya kayang matulog na amoy usok. Gumawi ang paningin niya sa tambakan ng maruming damit. Wala siyang pagpipilian kung 'di isuot ang dati niyang damit.
Dinampot niya ang nakasabit na lampara bago siya pumunta sa banyo. Naghilamos at pinunasan niya ang katawan para maalis ang amoy ng usok. Isinuot niya uli ang damit niya. Marumi nga iyon pero kahit paano, mas komportable. Mas maluwag kasi iyon kaysa sa pantalon at kamisetang galing kay Isko.
Inalis niya ang tali ng buhok. Sinuklay niya iyon gamit ang kamay. Kumulot ang hibla ng kaniyang buhok dahil sa pagkakatirintas.
Pagbalik niya sa pangunahing silid ng bahay, tinapunan niya ng tingin si Lucas. Akala niya, tulog na ito. Muntik pa siyang mapalundag nang magsalita ito.
"Patayin mo 'yang lampara bago ka humiga," parang nanay na bilin ni Lucas.
"Alam ko."
"Pinapaalala ko lang, baka makalimutan mo. Sayang ang gaas. Saka, mahirap na, baka bukas, abo na 'tong bahay."
"Siguro, laking tuwa mo kung kasama ako sa maaabo."
Ungol lang ang sagot ng binata. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin niyon.
"May banig sa tabi ng kabinet. Pwede mong gamitin 'yon," sabi ni Lucas.
"May banig ka pala. Sana binigay mo 'yon sa akin kagabi pa."
"Kanina lang dinala ni Isko 'yon."
Ipinatong ni Esperanza sa mesa ang hawak na lampara at kinuha niya ang nakarolyong banig sa tabi ng kabinet. Nasa sulok iyon kaya hindi niya napansin kanina. Inilapag niya iyon sa sahig. Lumuhod siya habang inaayos iyon. Noon niya napagtantong nasa higaan nga pala ni Lucas ang unan at kumot niya.
Lumingon siya sa gawi ng lalaki at ganoon na lang ang pagkabigla niya. Titig na titig kasi ito sa kaniya. Bumilis ang pintig ng puso niya lalo na nang magtama ang kanilang mga mata
"Uh... 'yong... 'yong kumot at unan ko."
Kumunot ang noo ng binata.
"Nasa higaan mo," paliwanag niya.
Itinaas ni Lucas ang ulo para kunin ang kumot at unang nadaganan niya. Iniabot niya iyon sa dalaga. Nakahiga pa rin ito.
Tumayo si Esperanza para hipan ang lampara. Nilukob ng dilim ang paligid. Maingat na naglakad siya papunta sa tulugan niya.
Masakit ang buong katawan niya. Nagdulot ng kaunting ginhawa ang pagdikit ng likod niya sa higaan kahit na matigas ito. Dumaing siya nang mahina.
Bumigat ang talukap ng mga mata niya. Hinihila siya ng antok dahil sa pagod at hirap na ginawa niya sa buong maghapon. Naging bingi siya sa ingay—ang langitngit ng papag, ang malakas na buntonghininga, ang mahinang mura—na galing sa binata.
PABILING-BILING SI LUCAS sa higaan. Talagang sinusubok ng dalaga ang tatag niya. Dumapa siya at sinuntok ang unan. Magpapatalo ba siya sa pagnanasang nararamdaman? Paano na ang nais niyang pahirapan at gantihan ito?
Ipinikit niya ang mga mata. Muling nabuhay sa isip niya ang tagpo sa banyo. Sa lahat ng nakita niyang hubad na katawan ng babae, iyong kay Esperanza ang sobrang umakit sa kaniya. Dahil ba iyon sa matagal na wala siyang katalik? O, talaga lang may sarili itong panghalina?
Para siyang tinamaan ng kidlat, bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa katawan niya nang mahawakan niya ang dibdib ni Esperanza. Malambot iyon at para sa kaniya, tamang-tama lang ang laki niyon. Parang hinulma ang sukat niyon sa laki ng palad niya. Ang sarap haplusin, himasin, lamasin at paglaruan iyon ng kanyang mga kamay.
Gusto niyang ibaon ang mukha sa pagitan ng malulusog nitong dibdib. Hihinga siya nang malalim para malanghap nito ang kakaibang amoy ng dalaga. Parang pinipig, masarap sa ilong. Masarap tikman. Paglalakbayin niya ang kaniyang labi sa maumbok na dibdib papunta sa tugatog niyon. Didilaan, isusubo at sisipsipin niya iyon habang ang isang kamay niya ay abala sa pagtuklas ng mga sensitibong parte ng katawan nito.
Sumikip ang pantalon niya. Tumihaya siya ng higa. Paano pa siya makakatulog nito kung may bagay sa katawan niya ang gising na gising?
Binuksan niya nang tuluyan ang sarahan ng kaniyang pantalon. Bumuti nang bahagya ang pakiramdam niya. Para bang may lumaya sa kaniya nang lumuwag ang kaniyang suot. Pero hindi pa rin humuhupa ang init na kumakalat sa kaniyang katawan.
Bumaba ang kamay niya sa pagitan ng hita at sumuot iyon sa kaniyang salawal. Pinaikot niya ang palad sa kahabaan niya. Lalong lumaki at nagngalit iyon.
Nagsimulang kumilos ang kamay niya. Taas. Baba. Paulit-ulit. Umangat ang puwet niya, animo'y bato sa tigas ang dalawang pisngi niyon. Pati ang kaniyang binti ay nanigas din. Nakailang baba-taas din siya bago niya nakuhang sawayin ang sarili. Hindi na siya bata para mahirapang kontrolin ang sarili. Hindi na siya batang kontento nang paligayahin ang sarili sa pamamagitan ng kamay.
Binitiwan niya ang naghuhumindig na p*********i niya.
Lumingon siya sa lapag kung saan nakahiga si Esperanza. Malalim na ang tulog nito. Bumangon ang inggit at inis sa dibdib niya. Inggit dahil para itong sanggol, mahimbing na natutulog. Inis dahil alam niyang hindi siya dadalawin ng antok hanggat hindi niya pinagbibigyan ang makamundong pangangailangan ng kaniyang katawan.
Si Esperanza nga ba ang kaniyang pinahihirapan? Bakit parang siya ngayon ang nagdurusa?
Hindi puwede iyon! Malaking dagok sa p*********i niya kapag tinalo siya ni Esperanza. Mula ngayon, kailangang utak ang pairalin niya.