Pagdating ko sa school. Maraming estudyante sa tapat ng classroom namin. Hinanap ng paningin ko si Kiel kung nandoon siya para hintayin ako pero wala. Baka hindi pa dumadating. Pagpasok ko sa room nakaupo siya. Napatingin siya sakin pero agad din siyang umiwas. "Good morning" bati ko sa kanya. Nakahead set siya at may binabasang libro kaya siguro hindi niya narinig. Dinikit ko yung balikat at braso ko sa kanya. Bigla kong naalala na siya yung madalas gumawa nun sakin kapag gusto niyang magpapansin. Ngayon ako na ang gumagawa sa kanya. Hindi naman siya umiwas kaya inisip ko na gusto niya pero pagkaraan ng ilang minuto lumayo na siya. Pagkatapos ng klase. Kakausapin ko pa lang sana siya pero agad siyang umalis. Galit talaga siya sakin. Iba na yung schedule ni Kiel ng araw na yun kaya hi

